KARAPATANG PANTAO ANG LUMABAN AT LUMAYA SA TIRANYA AT PANUNUPIL! Isinasaad ng Universal Declaration of Human Rights na makakairal lamang ang mga karapatang pantao kung naghahari ang batas o umiiral ang rule of law.
Taliwas sa rule of law at human rights ang patakaran at panawagan ni Duterte sa PNP, AFP at iba pang pwersa ng estado na “kill, kill, kill” at ‘ignore human rights’ sa Oplan Tokhang at sa mga kampanyang kontra-kriminalidad at kontra-“insureksyon.” Nilikha nito ang kultura ng kawalangpakundangan (culture of impunity) ng gubyerno at estado. Inihasik nito ang klima ng takot, laluna sa maralitang biktima ng extra judicial killings (EJKs) at sa mararahas na demolisyon mga komunidad ng maralita at ng katutubong Pilipino. Umangkin ng higit na kapangyarihan ang rehimeng Duterte sa pagsabatas ng Anti-Terror Law (ATL) at EO 70 na naglikha sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Higit na kontra-demokratiko kaysa kontra-terorista ang ATL. Salungat ito sa Konstitusyon at sa mga karapatang pantao. Gayundin ang NTF-ELCAC na pasimuno sa red-tagging pagdakip at pagpaslang sa mga unyonista, aktibista, pati ng mga abogado at media people, na nagtatanggol ng mga karapatang pantao, kalikasan at katotohanan. Target din maging ang mga personalidad na kritiko ng rehimeng Duterte.
0 Comments
Crisis, tyranny and national survival: What is at stake in 2022 elections? The national elections of 2022 is crucial. Unlike the previous ones, there is so much at stake in this exercise. For the Filipino people, this spells national survival. For the incumbent and its clique, this will be a fight to maintain its hold on power and avoid prison.
In the six years of the Duterte presidency, we witnessed the erosion of morals and values, blatant disrespect of democratic institutions, disregard for the rule of law, militarization of the bureaucracy, unprecedented corruption, attack on human rights, war on terror against critics and human rights defenders. The current dispensation ushered in a culture of impunity, misogyny, lies, killings and violence. This regime has no qualms in displaying servitude, allowing assault on sovereignty and surrendering national patrimony. The executive controls both the legislative and even the Supreme Court. There are no checks and balances. To earn and maintain the blessings and unimaginable perks from the top executive, most of the members of these branches of government are cowed down, dictated upon, threatened, and bribed. 'Sa 2022, itakwil ang trapo at mga pahirap sa transport at mamamayanSa panahon ng pandemya, sobrang ginipit and mga hari ng kalsada. Namalimos ang mga tinaguriang 'great lover.'
Masakit panuorin ang inabot na pagkaaba ng public transport sector matapos manilbihan sa mananakay sa napakahabang panahon. Imbis na saklolohan at sagipin, lalo pa silang binusabos ng mga ahensiya sa public transpot. Sa ngalan ng pekeng modernisasyon, walang tigil silang binully ng LTFRB. Ilang beses nag-anunsyo ng ayuda pero natapos ang Bayanihan 1 at 2, hanggang ngayon walang natanggap ang marami. Samantala, sa COA report ngayong Agosto, kasama ang DOTr sa mga ahensiyang na-flag. May P2.1 bilyon na undelivered license plates. Nagsoli sa national treasury ng P101.425 million na dapat sana ay pang-ayuda. Huling SONA ng Tirano(?) Huling SONA na ni Rodrigo Duterte. Matatapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022, ayon sa itinatakda ng Konstitusyon. Ngunit papel na pandewang para kay Duterte ang konstitusyong 1987. Bangag siya sa kapangyarihan. Para matakasan ang pag-uusig ng batas sa mga krimen sa mamamayan at upang patuloy na supilin ang mga sumisigaw ng katarungan, lantaran ang pakana ng dinastiyang Duterte at mga kampon na manatili sa kapangyarihan, lampas ng 2022. Imbing layon na tuluyang iluklok sa ibabaw ng bansa at lipunan ang dinastiyang Duterte.
Abala si Duterte at mga kasapakat sa labanan sa kapangyarihan sa eleksyong 2022. Papatindi atake sa mga “kalaban”. Tumataya ang mga puno ng local na dinastiya sa “tiyak na panalong tambalang Duterte-Duterte”, lalo’t “mamimigay” si Duterte ng “sako-sakong salapi sa kanila. Pusali ang pulitika, dekadente ang kultura ng awtokratikong rehimen. Salamin ito ng nagnanaknak na krisis pang-ekonomy at panlipunan ng Pilipinas. BAKIT SI VP LENI? Hindi siya trapo. Hindi kabilang sa naghaharing uri. Hindi elitista. Hindi tagapagpatuloy ng dinastiyang pulitikal. Abogada siya, hindi para protektahan ang mga dambuhalang korporasyon. Hindi rin para ipagtanggol ang mga kriminal at mandarambong.
Makataong karapatan ang kanyang adbokasiya sa pagpapairal ng batas. Ang kanyang integridad ay nakatuntong sa kanyang komitment na paglingkuran ang pinakamahihirap sa lipunan, at pinatutunayan niya ito sa pamamagitan ng gawa. Hindi siya korap. Patunay dito ang tatlong magkakasunod na taon mula 2017, ng highest audit rating ng Commission on Audit para sa Office of the Vice President 'MAGBIGAY BATAY SA KAKAYAHAN, KUMUHA AYON SA PANGANGAILANGAN' 'Magbigay batay sa kakayahan. Kumuha ayon sa pangangailangan.' Isang inspirasyon ang community pantry sa gitna ng kapabayaan at korupsyon ng gubyerno. Muli, ipinakita ng ordinaryong mamamayan na nasa kanilang mga kamay at disisyon ang signipikanteng pagtugon sa sitwasyon ng paghihikahos. Pangunahing responsibilidad ito ng gubyerno subalit nasa ikalawang taon na tayo ng pandemya at patuloy pa rin tayong hikahos at bagsak ang sistemang pangkalusugan. Sa diwa at inspirasyon ng community pantry slogan, nagsagawa ng online protest ang WPL North Luzon. Mula sa mga napili at ginawang placards, nagkaroon ng bahaginan hinggil sa tampok na kalagayan ng mga manggagawa at kalagayan sa kani-kanilang sektor at barangay. Pinuri at nagpasalamat sa dalawa nang barangay na nakakapagsagawa ng community pantries. Lumahok sa aktibidad ang mga kinatawan ng mga kabataan ng Baguio, La Trinidad, at ng San Fabian. Kasama din sa programa ang pag-'showcase' sa mga larawang kuha ng mga kabataan mula sa San Fabian na nagpapakita ng temang 'Kalikasan at Kabuhayan sa Gitna ng Pandemya.' Narito po ang winning entries na pinamagatang 'UMPUKAN' at 'LAMBAT.' Ipinakikita sa larawan ang simpleng pamumuhay ng mga mangingisda sa Bolasi, San Fabian. Simpleng pamumuhay na hindi man lamang kayang suportahan ng gubyerno. Magtatagal pa ang pandemya. Magtatagal pa rin ang kapabayaan at korupsyon. Patuloy nilang pagkakakitaan ang covid 19. Kaya't kailangan nating iaangat ang diwa ng bayanihan. Patuloy nating panghawakan at palakasin ang lakas at kapangyarihan ng mamamayan na siyang tunay na reresolba sa ating paghihikahos at pagkalugmok. Sa Araw ng Paggawa, ipinahahayag natin ang pinakamataas na pagpupugay sa uring manggagawa na siyang tunay na bumubuhay sa ekonomiya at mamamayan. Ang aming mga slogan para sa Araw ng Paggawa. Naging inspirasyon dito ang nakakahawang slogan ng community pantry. Pagpupugay sa mga mamamayang nagsasagawa nito na nagsisilbing panawid-gutom sa gitna ng paghihikahos. Ang winning entries ng photo contest: Ang 'Umpukan' at 'Lambat.' PAGDADAMAYAN: |
Categories
All
|