Huling SONA ng Tirano(?) Huling SONA na ni Rodrigo Duterte. Matatapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022, ayon sa itinatakda ng Konstitusyon. Ngunit papel na pandewang para kay Duterte ang konstitusyong 1987. Bangag siya sa kapangyarihan. Para matakasan ang pag-uusig ng batas sa mga krimen sa mamamayan at upang patuloy na supilin ang mga sumisigaw ng katarungan, lantaran ang pakana ng dinastiyang Duterte at mga kampon na manatili sa kapangyarihan, lampas ng 2022. Imbing layon na tuluyang iluklok sa ibabaw ng bansa at lipunan ang dinastiyang Duterte.
Abala si Duterte at mga kasapakat sa labanan sa kapangyarihan sa eleksyong 2022. Papatindi atake sa mga “kalaban”. Tumataya ang mga puno ng local na dinastiya sa “tiyak na panalong tambalang Duterte-Duterte”, lalo’t “mamimigay” si Duterte ng “sako-sakong salapi sa kanila. Pusali ang pulitika, dekadente ang kultura ng awtokratikong rehimen. Salamin ito ng nagnanaknak na krisis pang-ekonomy at panlipunan ng Pilipinas.
0 Comments
PAGDADAMAYAN: |
Categories
All
|