Dear Friends and Allies
Yesterday, February 7, 2017 at around 9:38 PM, fire quickly spread through Gates 1 and 10 of Barangay 20 Zone 2, District 1 in Parola Compound. The blaze displaced an initial estimate of 3,000 families or approximately 18,000 individuals. Though the cause of the blaze is still unknown, it was only two years prior that the other side of Parola Compound, Barangay 275 Zone 25 in District III, Binondo went up in flames for twelve hours, which ate up two hectares of houses corresponding to 55 Million pesos worth of damage. The area is being eyed for the Pasig Rehabilitation Plan and Port Development Plan despite two Presidential Proclamations (2002 and 2004) and one Executive Order handed down during the Arroyo administration that has awarded the area to its current residents. For Pagkakaisa ng Kababaihan Para sa Kalayaan or KAISAKA, a national grassroots women organization, it counts among its members at least one thousand individuals affected by the fire. Thus we are switching on our Oplan Sagip Bayan (Oplan People’s Rescue) in behalf of those affected by the fire. This is in close coordination with CONCERN or Center for Emergency Aid and Rehabilitation, an institution that has more than twenty-seven years of consistent work in the field of disaster-risk and rehabilitation and has assisted more than two million individuals since 1988 including Pinatubo, Milenyo, Yolanda, Ondoy and even Lawin. The affected residents were only able to escape the blaze with their lives. Devoid of roofs over their heads some sought to go back to their homes, now blackened stubs, trying to salvage anything serviceable. Some sought shelter in the nearby Iglesia Church Compound or at the Delpan Complex. Their ability to eke out a living, already precarious from the onset is made more so made even more so when disasters like this happen. As of now, adult and child alike have yet to have a warm meal or even a comforting cup of milk or coffee. They already occupy the bottom rungs of society and are in dire need of assistance from various concerned sectors like as clothing including underwear, baby diapers and sanitary napkins; sanitary kits: toothpaste, toothbrush, soaps, shampoo and face towel, food including milk for babies (breast milk or formula milk), potable water, kitchen utensils (including pots and pans) and cooking stoves; flashlight and batteries, medicines, heavy canvass (for make-shift roof/wall) and rope; sleeping materials like mats, pillows and blankets; along with building materials (wood, G.I sheets, nails, cement etc.) including hammer and saw. As we switch on Oplan Sagip Bayan, we are sending out an appeal to all our friends and allies, like you, hoping that we can gather both food and non-food support for the fire victims and able-bodied volunteers, specifically for the one thousand five hundred members who are part of our network of grass roots organizations. Our ability to respond hinges on how fast we can muster the needed support for the victims. Help us help the Parola fire victims now. Please see the attached PLEDGE FORM below. You may also bring your donations to our drop center : Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas (MKP) Building, 22 Domingo Guevarra St., Brgy Hi-way Hills, Mandaluyong City or call us at these numbers : (02) 717 3262 c/o Josef (0932 8662094)or DJ (0923 8161971). You may also contact local operators at kaisaka.north@gmail,com and at +639182086666. Respectfully, (SGD) Atty. Virginia Suarez-Pinlac Coordinator, Oplan Sagip Bayan Email: [email protected] ----------- P L E D G E F O R M YES, I/We am/are intend to (please check the appropriate item) _____ provide food, medicines and other forms of non-food assistance _____ donate an amount of PhP ______ for the purchase of relief goods and other logisticsneeded for the emergency response (a standard pack of relief goods enough for a family of 6 to consume in 3 days amounts to PhP1250.00 or $ 27.00) _____ share my time and skills on emergency response from ______ until _____________ _____ disseminate your appeal to other organizations and individuals _____ lend my/our equipment which could be used for the Emergency Operations Center ______ vehicle ______ radio transceiver ______ cellular phone ______ fax machine ______ warehouse ______ others (please specify) _______________________________ endorse the OSB to my friends who are also willing to do the same You may come to pick-up my/our support on _____________ (date) at _________ (place). In case, I/We am/are out, please coordinate with Mr./Ms._____________ Name: ____________________________ Signature: ____________________________ Date: ____________________________ ……………………………………………………………… For financial assistance in our cash or checks, please send it to: PESO ACCOUNT Account Number: 6930027498 Account Name: Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan (KAISA KA) Inc. Bank Address: BDO Mandaluyong Libertad Branch GF Sierra Heights Place, Libertad corner Sierra Madre Sts., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City Philippines 1550 DOLLAR ACCOUNT Account Number:106930026351 Account Name: Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan (KAISA KA) Inc. Swift Code: BDO-BNORPHMM Routing No.: 021-000089 Bank Address: BDO Mandaluyong Libertad Branch GF Sierra Heights Place, Libertad corner Sierra Madre Sts., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City Philippines 1550 For volunteer work and endorsements, please coordinate with the Secretariat: (02) 717 3262 c/o Jhay or DJ (0923 8161971) @ Oplan Sagip Bayan Volunteer Center – NCR: Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas Bldg. #22 Libertad St. Barangay Highway Hills, Mandaluyong City Tel/ Fax: (02) 717 3262 Email: [email protected]
0 Comments
Mariing kinokondena ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN), Workers for Peoples’ Liberation (WPL) at iba pang kasaping organisasyon ng KILUSAN ang, Department of Labor and Employment (DOLE) ng gubyernong PNoy, ang lokal na gubyerno ng Valenzuela City at mga kapitalistang sina Beato Ang at Ong King Guan na may-ari ng Kentex Manufacturing Corp., sa masaklap na kamatayan ng higit 70 manggagawa nuong Mayo 13, 2014. Dumulo sa pagka-abo nang buhay ng mga manggagawang nakakarami ay kababaihan, at kinabilangan ng ilang menor de edad ang serye ng mga paglabag sa mga karapatan at pagsasamantala sa mga manggagawa. Una, ay madiing katibayan na ang gusali ay FIRE TRAP. Ibig sabihin isang gusali na sa pagkaka-layout nito ay isang tiyak na panganib kapag nagkasunog. Walang mga fire exit sa ikalawang palapag, na lugar ng trabaho ng higit na nakakaraming manggagawa . Ang iisang fire exit sa unang palapag ay hindi fire exit kundi main door! Sa katunayan, hindi dito lumabas ang sampung (10) nakaligtas na manggagawang sa halip ay sa pinto sa likod o back door. Iisa, ang hagdan paakyat at pababa mula sa ikalawang palapag. Ang mga bintana ng gusali ay may rehas na bakal, animo’y rehas ng bilangguan. Pangalawa, ang mga kemikal at iba pang materyales na health and fire hazards ay naka-imbak sa unang palapag. Walang hiwalay na bodega nito sa labas ng gusaling lugar ng trabaho. Pangatlo, walang fire drill na isinagawa kailanman sa nakaraan. Ito ay pinatunayan ng mga nakaligtas na manggagawa. Walang safety officer na itinalaga ng may-ari ng Kentex. Sa kabila nito at ng mala-cremation na sinapit ng mga buhay na manggagawa ay walang kahihiyang sinabi ni Sec. Baldoz ng DOLE na ang Kentex ay pasado sa general labor standards at sa occupational health and safety standards. Pinatunayan ito diumano sa inspeksyong ginawa ng DOLE nuong Setyembre 2014. Ang Kentex, diumano, ay binigyan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng fire safety inspection certificate taong 2014 din. Sa totoo’y walang pagsusuring ginawa ang DOLE. Ang tunay na nangyari ay self assessment ng may-ari ng Kentext, kaladkad ang company union ng tatatlumpong manggagawa. Ito ay naaayon sa Department Order (DO) 57-04 ng DOLE na nagpapahintulot sa malalaking kapitalista na may 200 o higit pang bilang ng maggagawa na gawin ang self-assessment. Sino bang kapitalista, na walang ibang layon kundi magkamal ng tubo sa pagpiga sa manggagawa, na magsasabing hindi pasado sa general labor standards ang kanilang empresa! Paulit-ulit naming kinokondina ang DOLE at gubyerno ni PNoy sa pagpapaubaya sa iilang malalaking kapitalista sa DO 57-04. Ito ay naaayon sa maka-kapitalista, laluna sa dayuhan, na tindig na mismong sinabi ni PNoy, “ Ang gubyerno ay hindi magiging balakid sa kapital, sa halip, ito ay tagapagpalago (enhancer) ng interes ng kapital”. Impiyernong kondisyon ng trabaho Bago pa ang sunog, ay impyerno na ang kondisyon ng trabaho ng mga manggagawa ng Kentex na gumagawa ng produktong tsinelas na goma (flipflops) tatak Havanas at iba pang rubber footwear. Ang kabuuang bilang ng trabahador ay mahigit 200. Ang tinuturing ng kapitalista ng Kentex na “regular” ay lampas 20 taong nagtatrabaho dito. Samantala, ang mga “casual” ay karaniwang 10 o higit pang taon sa Kentex. Ang mga “regular” at “casual” na manggagwa lamang ang tumatanggap ng minimum na sahod batay sa itinatakda ng Wage Board ng NCR. Humigit kumulang ang mga “regular” at “casual” ay bumibilang sa 80 katao o 40% ng pwersang manggagawa! Ang mga “regular” ay 15% ng ng mga manggagawa ng Kentex. Sila ang 30-kataong company union na kaladkad ng management para magpatibay na pasado ang Kentex sa labor standards and health and safety standards. Humigit-kumulang, 40 katao o 20% ng mga manggawa ay kontraktuwal na tuwirang tinanggap (direct-hired) ng Kentex. Sila ay nagtatrabaho sa batayang pakyawan o piece rate nang walang malinaw na basic pay at walang mga benepisyo. Kung ilang taon na silang kontraktuwal, tulad ng isa na 11 taon na sa ganitong katayuan. Sapagkat pakyawan o piece rate kadalasan ay kasama nila sa trabaho ang kanilang kapatid o anak, laluna kapag bakasyon, kung kaya may nasawi na mga menor de edad. Ang Kentex Inc, diumano’y pasado sa labor standards, ay pinahihintulot na magtrabaho dito ang mga menor de edad! Ayon sa mga nakausap na trabahador, ang 40% o 80 manggagawa ay agency hired sa pamamagitan ng CJC Manpower Services. Ang mga agency hired ay sumasahod ng minimum na P202/araw at may karagdagang P187-P220 daily allowance depende sa tagal sa serbisyo. Ngunit natuklasan ng mga agency hired ng CJC na hindi nito nire-remit sa SSS, Philhealth at Pag-ibig ang kapwa bahagi ng manggagawa at ng management. Nang mabisto, inamin ng DOLE na ang CJC ay hindi legal na nag-oopereyt at wala ito sa listahan ng recognized ng DOLE na Labor Agencies! Ang P202 na minimum na sahod ay lubhang mababa sa P466 na minimum wage na itinakda ng Wage Board ng NCR. Samantala ang P466 na minimum na sahod ay lubhang mababa sa mahigit P1,000 na arawang kita ng isang pamilya para makamit ang mga batayang pangangailangan. Walang pagsang-alang-alang ang may-ari ng Kentex sa kalagayan ng kanilang mga manggagawa. Ni walang maayos na bentilasyon sa loob ng pabrika na naglalagay sa kapahamakan ng kalusugan ng kanilang mga manggagawa. Isang katunayan na ang kapitalista ay walang pagkalinga sa kanyang mga manggagawa na siyang lumilikha ng yaman para sa kanya. Samantala, ang P5,000 na ipapatong sa P8,000 na katumbas sa kalahati ng buwanang sahod, na tulong para sa pamilya ng mga manggagawang namatay ay hindi sasapat at hindi makatwiran at makatarungan. Masalot na insult ito sa mga naulila laluna kung isasaalang alang ang napakalaking kita at tubo na piniga ng mga may-ari ng Kentex sa pagtatrabaho ng mga nasawi sa loob ng ilang taon. Ang pagka-abo ng higit sa 70 manggagawa ng Kentex ay malagim na paalala sa sinapit ng 17 empleyado ng Novo Jeans and Shirts na nasawi nang masunog ang department store nito sa Butuan City. Buwan din iyon ng Mayo, 2012. Ang mga biktima ay stay-in na manggagawa na natutulog sa dormitoryo sa ikatlong palapag. Ang limang nakaligtas ay nasaktan din sa kanilang pagtalon mula sa ikatlong palapag sapagkat ang dormitoryo ay naka-padlock mula sa labas upang maiwasan daw ang pagnanakaw ng mga manggagawang pinasasahod lamang ng P160 sa pagtatrabaho nang 12-14 oras sa bawat araw nang walang overtime pay. Sapagkat sila’y kontraktuwal. Hindi lamang dito sa Pilipinas nangyayari ang ganitong kalunos-lunos na sinasapit ng mga manggagawa. Sa iba’t ibang panig ng mundo ay mayroong mga manggagawang nagbubuwis ng buhay sa ngalan ng tubo para sa mga kapitalista. Hindi nga ba’t nitong Abril lamang ay isang ginagawang planta ng semento sa Bangladesh ang gumuho na ikinasawi ng 5 at kinasugat ng marami pang construction workers sa Bangladesh. Iyon ay alingawngaw ng tulad na sinapit ng 2 nasawi at 11 nasaktan na construction workers nang gumuho ang bahagi ng ika-7 palapag ng ginagawang gusali sa Bonifacio Global City, Taguig City; Pebrero 2015 lang ito. Ito ang mukha ng kapitalismong itinataguyod ng gubyerno. Ang disensyong neo-liberal ng imperyalistang globalisasyon na nagbibigay ng higit kalayaan sa mga kapitalistang magkamal ng tubo habang isinasadlak ang mga manggagawa sa kadusta-dustang kalagayan. Dagdag na madiing insulto sa mga manggagawa na ang naka-abang na trahedya ay naganap sa MAYO, buwan ng manggagawa ng buong daigdig. Kaisa ang KILUSAN sa pakikiramay sa mga pamilya, kaanak at kaibigan ng mga manggagawang namatay sa sunog sa pabrika ng Kentex noong Mayo 13. Kaisa nila kami sa pagsigaw ng katarungan. Mahigpit naming kahilingan na: 1. Panagutin ang mga may-ari ng Kentex, ang DOLE at Panguluhang Noyboy Aquino at lokal na gubyerno ng Valenzuela sa kriminal na paglabag sa mga karapatan at kaligtasan ng mga manggagawa na tulak ng DO 57-04! 2. Agad na ipawalang-bisa ang DO 57-04! 3. Kasama ang mga manggagawa, isagawa ang mahigpit na imbestigasyon at pagsusuri sa bawat empresa na may mula 200 at higit pang bilang ng manggagawa! 4. Katarungan para sa mahigit 70 manggagawa at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga may sala at makatarungang bayad-pinsala sa mga pamilyang naulila! Manggagawa magkaisa at lumaban para sa kapakanan at kalayaan natin at ng buong mamamayan! Ibasura ang mga patakarang neo-liberal na nagbibigay ng higit na kalayaan sa kapital at may-ari ng kapital! Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) Workers for Peoples’ Liberation (WPL-MAKABAYAN) May 18, 2015 |
Categories
All
|