𝗠𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗵𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗽𝗶𝗹 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗹𝗮𝗻𝗴 Isang taon at 6 na buwan na lamang, eleksyong 2022 na! Padulo na sa termino si Digong Duterte. Bistado, imbing layon ng rehimen na mananatili sa poder ang pamilya Duterte at mga kasapakat. Inilutang na ang tambalang Sara Duterte- Digong Duterte sa eleksyong presidensyal sa 2022. Habang naghahanda dito, nakareserbang pakana ang labag sa Konstitusyon na “rebolusyunaryong gubyerno” na isinusulong ng mga kampon ng pangkating Duterte-Arroyo-Marcos.
Pagtutuloy ng paghaharing angat sa batas, nakabatay sa karahasan, panunupil at panlilinlang ang buktot na layunin ng pangkatin. Katambal nito ang lansakang katiwalian sa pamahalaan at pagpapabaya sa kapakanan ng mamamayan sa gitna ng pananalasa ng pandemya ng Covid-19 at sunud-sunod na kalamidad dulot ng mga pwersa ng kalikasan. Ang atrasado at kapos na tugon ng rehimeng Duterte sa mahigpit na mga pangangailangan ng mga mamamayang sinalanta ng kalamidad at lalung nalalantad sa peligro ng Covid-19 at iba pang sakit ay lalong nadidiin nang naiulat na P10B pondo ng Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD ay hindi naipamahagi sa milyung mamamayang maralita. Bukod dito, ang P15B na kinurakot ng mga tiwaling opisyal ng Philhealth. Wala pang nababawi ni piso nito at wala pang napaparusahan sa mga tinukoy na sangkot. Samantala, inabswelto na ni Duterte sina DOH Secretary Francisco Duque at dating Philhealth CEO Ricardo Morales.
0 Comments
Bangkarote Tapos na ang Paghihintay sa mga Pangako, Dapat nang Wakasan ang Malupit na Gobyernong Pabigat na sa Mamamayan.
Inilantad ng kasalukuyang pandemya at ng mga hagupit ng kalamidad ang inutil, korap, kontra-mahirap, bangkarote, mapanupil, makadayuhan, sakim sa kapangyarihan at utak-diktador na si Rodrigo Duterte. Makaraang bigyan ng Kongreso ng dagdag na namang kapangyarihan at P360 bilyong pondo sa Bayanihan Act 1, nanatili ang mabilis na pagkalat ng COVID19 na nakahawa na ng mahigit 400,000 at namatay na 8,000. Iginupo ng halos walong buwang militaristang kwarentenas—pinakamahaba sa daigdig— ang ekonomya ng Pilipinas. Bumulusok ang GDP sa negatibong (-) 16.9% nuong ikalawa at (-) 11.5% sa ikatlong kwarto ng 2020. Hindi pa tiyak kung kailan matatapos ang krisis na ito. Pitong milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, umabot sa 17.7 milyon sa kasagsagan ng kwarentenas sa Covid 19 (PSA, Abril 2020). Walumpung porsyento ng mamamayan ang nagsabing naging salat ang kanilang pamumuhay sa nakaraang taon; 30.7% ng pamilya o 7.6 milyong bubong ang nagsabing nakaranas sila ng hindi sinadyang gutom sa nakalipas na tatlong buwan. Hawakan ang mga Aral |
Categories
All
|