𝗠𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗵𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗽𝗶𝗹 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗹𝗮𝗻𝗴 Isang taon at 6 na buwan na lamang, eleksyong 2022 na! Padulo na sa termino si Digong Duterte. Bistado, imbing layon ng rehimen na mananatili sa poder ang pamilya Duterte at mga kasapakat. Inilutang na ang tambalang Sara Duterte- Digong Duterte sa eleksyong presidensyal sa 2022. Habang naghahanda dito, nakareserbang pakana ang labag sa Konstitusyon na “rebolusyunaryong gubyerno” na isinusulong ng mga kampon ng pangkating Duterte-Arroyo-Marcos.
Pagtutuloy ng paghaharing angat sa batas, nakabatay sa karahasan, panunupil at panlilinlang ang buktot na layunin ng pangkatin. Katambal nito ang lansakang katiwalian sa pamahalaan at pagpapabaya sa kapakanan ng mamamayan sa gitna ng pananalasa ng pandemya ng Covid-19 at sunud-sunod na kalamidad dulot ng mga pwersa ng kalikasan. Ang atrasado at kapos na tugon ng rehimeng Duterte sa mahigpit na mga pangangailangan ng mga mamamayang sinalanta ng kalamidad at lalung nalalantad sa peligro ng Covid-19 at iba pang sakit ay lalong nadidiin nang naiulat na P10B pondo ng Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD ay hindi naipamahagi sa milyung mamamayang maralita. Bukod dito, ang P15B na kinurakot ng mga tiwaling opisyal ng Philhealth. Wala pang nababawi ni piso nito at wala pang napaparusahan sa mga tinukoy na sangkot. Samantala, inabswelto na ni Duterte sina DOH Secretary Francisco Duque at dating Philhealth CEO Ricardo Morales.
0 Comments
Pagtagumpayan ang Laban sa Pandemya,Tanawin ang Isang Lipunang Walang Pagsasamantala at Pang-aapi sa Manggagawa at Mamamayan Sa Gitna ng Krisis ng Imperyalismo, Digma at Pandemyang COVID-19Ginugunita sa Araw ng Paggawa o Mayo Uno, 134 taon nang nakalipas ang general strike nuon sa Haymarket Square sa Chicago, Illinois na nanawagan ng kapayapaan kasabay ng 8-oras na araw ng paggawa o workday.
Magaganap ito ngayon na binabalikat ng uring manggagawa at ng buong sangkatauhan ang epekto ng krisis ng imperyalismo o ng pandaigdigang kapitalistang sistema, digma at ng pandemyang COVID 19. Nasa higit sa 200 bayan at teritoryo ang may kaso ng COVID 19 sa kasalukuyan. Batay sa taya ng WHO, abot sa 4 bilyon o 50 % ng populasyon ng mundo (7.7B) ay nakapailalim sa iba’t-ibang antas ng lockdown o quarantine at pinapairal na social distancing kasama na dito ang 81% (2.7 Bilyon) ng global workforce ayon sa International Labor Organization (ILO). Wala pa mang pandemya, ang mga panlipunan at pang-ekonomyang krisis sa maraming bansa at mga digma at panghihimasok, pangunahin ng US, ay kumitil na ng milyun-milyon mamamayan at nagpalayas, nagpalikas, nagdislokeyt nang hindi bababa sa 70.8 milyong katao na ngayon ay bumubuo nang malaking bahagi ng mamamayang pinakabulnerable sa Covid-19. 𝙼𝚊𝚛𝚊𝚕𝚒𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚘𝚖𝚞𝚗𝚒𝚍𝚊𝚍 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚔𝚊-𝚋𝚞𝚕𝚗𝚎𝚛𝚊𝚋𝚕𝚎 𝚜𝚊 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚖𝚋𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚙𝚞𝚝𝚘𝚔 𝚗𝚐 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚖𝚒𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚗𝚐 𝚌𝚘𝚟𝚒𝚍-𝟷𝟿 𝚜𝚊𝚙𝚞𝚜𝚒𝚋𝚕𝚎𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚕𝚞𝚕𝚞𝚠𝚊𝚐 𝚗𝚐 𝚛𝚎𝚜𝚝𝚛𝚒𝚔𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚗𝚐 𝙴𝙲𝚀 Inilantad ng kasalukuyang krisis ang pagkabangkorote ng serbisyong pambayan sa malalaking bayang kapitalista sa buong daigdig. Halos gumuho ang sistemang pangkalusugan sa mga bayang gaya ng US at Europe na naging mga bagong episentro ng sakit na nakaimpeksyon na ng 1.5 milyong tao at kumitil na sa 100,000.
Kabilang sa mga namatay ang malaking bilang na ng pinakamahuhusay na doktor at propesyunal sa larangang pangkalusugan dahil sa malalang kakapusan sa personal protective equipment (PPE) tulad ng mga face mask, face shields, gloves at iba pa. Biguin ang Pagkukonsolida ng Tiranikong Paghahari! Natatangi ang kabuluhan ng Mayo 1 ng taong ito para sa mga manggagawa at sa lahat ng mamamayang Pilipino. Pinatitibay natin ang pakikiisa sa pakikibaka ng mga manggagawa at mamamayan sa buong daigdig laban sa tiraniya ng dekadenteng kapitalismo. Pero bukod dito, idinideklara natin ngayong Mayo 1 ang paglaban sa pakana ng rehimeng Duterte na pagtibayin ang awtokratiko- tiranikong paghahari nito. Nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo Halos lihim na iniratsada sa House of Representatives (HoR), sa pamumuno ng ganid-sa-kapangyarihang Gloria Macapagal-Arroyo, ang panukalang konstitusyong ipapalit sa Konstitusyong 1987. Pinaspasan mula Oktubre 2018 ang paglulusot ng panukalang Pederal na Konstitusyong Duterte-Arroyo ng Komite sa Pag-amyenda ng Konstitusyon ng HoR. Tinawag itong Resolution of both Houses (RBH) No. 15 at sinalang sa pagboto ng plenaryo ng HoR nuong Disyembre 11, 2018. Sapagkat pabor sa mga dinastiyang pulitikal, ipinasa ang panukalang Konstitusyong Duterte-Arroyo ng HoR na dominado ng mga miyembro ng mga angkang pulitikal. Bumoto ng YES ang 224; 22 ang nag-NO; at, 3 ang hindi bumoto. Sapagkat higit sa 2/3 ng mga representante ang YES, itinuring ang RBH no. 15 na pinagpasyan ng HoR bilang Constituent Assembly o ConAss! Botong YES ng 16 lamang na senador ang kailangan para ihapag ang Konstitusyong Duterte-Arroyo sa referendum-plebiscite ng mamamayan na isasabay sana sa botohan sa Mayo 13. Subalit bukod sa walang bersyon ng RBH No. 15 ang kasalukuyang Senado, tahasan itong tinutulan ng `mga senador. Sa gayon, malalagay sa balikat ng susunod na Senado ang pagpapasya sa Konstitusyong Duterte-Arroyo. Kaya mapagpasya ang pagpili ng mamamayan, laluna ng mga senador, sa Mayo 13 sa magiging kinabukasan ng sambayanang Pilipino. Hawakan ang mga Aral |
Categories
All
|