Pagtagumpayan ang Laban sa Pandemya,Tanawin ang Isang Lipunang Walang Pagsasamantala at Pang-aapi sa Manggagawa at Mamamayan Sa Gitna ng Krisis ng Imperyalismo, Digma at Pandemyang COVID-19Ginugunita sa Araw ng Paggawa o Mayo Uno, 134 taon nang nakalipas ang general strike nuon sa Haymarket Square sa Chicago, Illinois na nanawagan ng kapayapaan kasabay ng 8-oras na araw ng paggawa o workday. Magaganap ito ngayon na binabalikat ng uring manggagawa at ng buong sangkatauhan ang epekto ng krisis ng imperyalismo o ng pandaigdigang kapitalistang sistema, digma at ng pandemyang COVID 19. Nasa higit sa 200 bayan at teritoryo ang may kaso ng COVID 19 sa kasalukuyan. Batay sa taya ng WHO, abot sa 4 bilyon o 50 % ng populasyon ng mundo (7.7B) ay nakapailalim sa iba’t-ibang antas ng lockdown o quarantine at pinapairal na social distancing kasama na dito ang 81% (2.7 Bilyon) ng global workforce ayon sa International Labor Organization (ILO). Wala pa mang pandemya, ang mga panlipunan at pang-ekonomyang krisis sa maraming bansa at mga digma at panghihimasok, pangunahin ng US, ay kumitil na ng milyun-milyon mamamayan at nagpalayas, nagpalikas, nagdislokeyt nang hindi bababa sa 70.8 milyong katao na ngayon ay bumubuo nang malaking bahagi ng mamamayang pinakabulnerable sa Covid-19. Sa Gitna ng Krisis ng Imperyalismo, Digma at Pandemyang COVID-19Ginugunita sa Araw ng Paggawa o Mayo Uno, 134 taon nang nakalipas ang general strike nuon sa Haymarket Square sa Chicago, Illinois na nanawagan ng kapayapaan kasabay ng 8-oras na araw ng paggawa o workday. Magaganap ito ngayon na binabalikat ng uring manggagawa at ng buong sangkatauhan ang epekto ng krisis ng imperyalismo o ng pandaigdigang kapitalistang sistema, digma at ng pandemyang COVID 19. Nasa higit sa 200 bayan at teritoryo ang may kaso ng COVID 19 sa kasalukuyan. Batay sa taya ng WHO, abot sa 4 bilyon o 50 % ng populasyon ng mundo (7.7B) ay nakapailalim sa iba’t-ibang antas ng lockdown o quarantine at pinapairal na social distancing kasama na dito ang 81% (2.7 Bilyon) ng global workforce ayon sa International Labor Organization (ILO). Wala pa mang pandemya, ang mga panlipunan at pang-ekonomyang krisis sa maraming bansa at mga digma at panghihimasok, pangunahin ng US, ay kumitil na ng milyun-milyon mamamayan at nagpalayas, nagpalikas, nagdislokeyt nang hindi bababa sa 70.8 milyong katao na ngayon ay bumubuo nang malaking bahagi ng mamamayang pinakabulnerable sa Covid-19. Kung ikukumpara sa 216,808 na nasawi sa Covid-19 (as of April 28) ay malayo pa sa hindi bababa sa 2 milyong Iraqi na namatay sa panggegera ng US dito mula 2003, hanggang sa kasalukuyan nananatili ang mga tropa ng US sa Iraq, Syria, Afghanistan habang hindi ito naglulubay sa pambobomba sa Yemen kasama ang alyado nitong bansa sa Middle East (ME) ang Saudi Arabia. Pinakamalaking tipak pa rin ang badyet ng US sa gastos sa digma’t militar na US$732 bilyon nitong 2019 o 38% ng pandaigdigang gastos militar. (datos mula sa www.sipri.org).[1] Walang pakundangang ang interbensyon nito sa Venezuela at pagbabanta ng gera, nagdeploy ng plotilya ng mga barkong de-gera ng US Navy sa Caribbean Sea, at ang matagumpay na kudeta nito sa Bolivia sa pagpapatalsik sa sosyalistang presidente na si Evo Morales. Walang pangingimi ang US na talikuran ang panawagan sa pandaigdigang pagtutulungan para maalpasan ang COVID-19, upang magpataw ng embargo at sanctions sa Iran, Venezuela at Cuba. Umabot na ang epekto ng likas na krisis ng kapitalistang sistema maging sa bakuran ng mga imperyalistang bayan. Lumalaki ang bilang ng walang trabaho habang nagpapatuloy ang pagkaltas sa pondo para sa serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan habang sa kabilang banda, nagpapataw ng mga bagong buwis, tumataas ang bilihin at bayarin para sa batayang pangangailan ng mamamayan. Sa Pilipinas, bumababa ang badyet para sa serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, kalusugan habang tumataas naman ang badyet para sa security sector kasama na ang intelligence at kapulisan. Ipinasa ang TRAIN LAW na nagpapababa ng buwis para sa mga korporasyon, nagbuwis sa ilang produktong pangkonsumo at nagresulta sa pagsirit ng implasyon at presyo ng mga pangunahing bilihin. Anumang trabahong nalilikha ay panandalian bukod sa mababa ang sahod. Masaklap pa, na-legitimize ang kontraktwalisasyon sa paggawa sa ilalim ng Department Order 174 (DO 174) na nagbibigay sa mga Agency ng legal na basehang mangontrata basta ito ay susunod sa requirement ng DO na investment na P5M, mula sa dating P3M sa ilalim ng DO 18-A. Ang suma, regular sa mga kontraktor/agency na ang mga kontratwal, hindi na sa prinsipal na syang demand ng mga manggagawa. Na-veto ni Presidente Duterte ang Security of Tenure Bill. Habang hinihigpitan ang monitoring sa pag-oorganisa ng manggagagawa bilang bahagi ng counter-insurgency program nito. Protesta’t Di Maampat na KrisisTinuring ang nakaraang 2019 ni Jackson Diehl, patnugot ng pahayagang Washington Post bilang “the year of the street protester” bunga ng laganap na kilos-protesta at aksyon ng mamamayan laban sa austerity measures tulad ng mga naganap na protesta ang mga guro sa US nuong ika-22 ng Pebrero na umabot ng halos 100T dahil sa pagputol sa Budget sa edukasyon; protesta dahil sa kawalan ng hanapbuhay nang may kulang isang milyon katao sa Algeria nuong Peb. 16; Oct 14 sa Chile na umabot sa 3.7 M katao dahil sa fare increase ng mga subway; Nov 21 sa Columbia (cuts in public education); at 1.5M lumabas sa lansangan sa France nuong Dec. 5 dahil sa pension reforms. Dahil hindi maampat ang krisis, ibinaba pa ng IMF ang global economic growth rate sa -3% para sa 2020. Tuloy-tuloy naman ang Trade o Tarriff war sa pagitan ng US at China, US vs. Canada/EU. Tunay na di pa nakakabawi sa krisis ang pandaigdigang Kapitalismo mula pa nuong 2008. Pinabilis pa ng Pandemya ang krisis ng pandigdigang sistemang kapitalismoTinataya ng ILO na nasa 1.25 bilyong manggagawa (38% ng global workforce) ang nasa pinakaapektadong sector—retail trade, accommodation (hotel, resort), food services (restaurants, fastfood, food delivery, public transport atbp) at manufacturing. Nanganganib ang mga ito na mawalan ng trabaho o kukulangin sa trababo dahil sa pagbabawas ng oras-paggawa. Aabot sa karaniwang 6.7% ang mababawas na oras-paggawa, katumbas ng 195 milyong manggagawa na matatanggal sa trabaho ngayong ikalawang kwarto (2nd quarter) ng 2020.[2] Hindi pa kasama sa naturang bilang ang 2 bilyong manggagawa sa informal sector na kalakhan ay nasa emerging o developing economies tulad ng Pilipinas na maaari ding aabutin ng tanggalan, bawas sa sahod at oras paggawa. Ang COVID 19 na ang tinuturing na “worst crisis since World War II” ayon sa ILO. Kung ilalapat sa US na nangungunang imperyalistang bansa sa kasalukuyan, pinaka-maunlad sa ekonomya at pinaka-makapangyarihang militar, sa limang linggong lockdown sa iba’t-ibang antas sa 50 estado (states) nito ay nasa 26 milyong manggagawa na ang nawalan ng trabaho at nagpalista na sa unemployment claims. Ani nga ng mga ekonomista “walang trabahong ligtas” kapwa sa epekto ng krisis at impak ng pandemya. Lumiit ng 4.8% ang ekonomya ng US sa unang kwarto ng 2020 (Enero-Marso 2020) dulot ng pagbagal ng consumer spending at business investments, ito na ang naitalang pinakamalalang pagdausdos mula 2008. Nasa US na ang bagong epicenter ng Covid-19 pandemic (mahigit 1 milyong kaso at halos 60 libong namatay na at pagkahanay ng mga developed economies sa Europe- Italy, Spain, UK, Germany, France, sa may mahigit 100 libong kaso ng covid-19 at mataas na tantos at bilang ng namatay, ay lubos na naglalantad ng mga katangian at kabalintunaan (irony) ng modernong imperyalismo. Sa US, ang kabuuang USD 484 Bilyon relief package ay 76% para sa bailout sa negosyo habang USD 75 B lang ang inilaan sa mga hospital at nasa USD 25B naman ang budget para sa mga tests. Mataas man ang antas ng teknolohiya at paglalapat ng syensya sa produksyon ng materyal na pangangailangan ng tao, ay napag-iiwanan ang batayang serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at usapin ng social proteksyon. Malinaw at matalas na Nailantad ang Likas na kontradiksyon (inherent contradiction) ng kapitalismo, laluna sa yugtong monopolyo nito.Sa sapilitang pagtigil ng material na produksyon ay ibayong nalalantad ang angking (inherent) kontradiksyon ng kapitalistang sistema laluna sa monopolyong yugto nito: pribadong apropriasyon o pagkamkam ng mga monopolyo kapitalista sa mga produkto at labis na halagang likha ng sosyalisadong produksyon ng mga manggaggawa. Gayung tigil ang produksyon, tuloy-tuloy lang ang ispekulasyon sa pinansya. Halimbawa, naglabas ang US Federal Reserve ng USD 1.5 trillion nitong Marso 2020 para pigilan ang pagtumal ng ispekulasyon sa pinansya at pagbagsak ng presyo ng stocks o sapi pagkaraan ng pinakamatinding bagsak sa US stock market mula 1987. Kahit ang inilaan ng gubyernong Trump na USD 349 Bilyon bail-out para sa small at medium na negosyo’y isinama yung may 500 empleyado, kaya imbes na makatulong sa maliliit ang mga dambuhalang negosyo pa ang nakikinabang! Sa pandaigdigang kalamidad ngayon na Covid-19 pandemic, ang uring manggagawa at iba pang masang anakpawis sa buong mundo ang pinakabulnerable. Sila rin ang pangunahing pwersa para labanan ito at ang bulok, dekadente, parasitiko-mananalasang (predator) imperyalismo. Kalagayan ng Manggagawa sa Pilipinas Ang epekto ng Covid-19 pandemic ay ibayong pinapalala ng tiraniko-otokratikong tunguhin ng rehimeng Duterte kakombina ng malakas na pag-iral ng patronaheng politika at sistemikong kurapsyon sa lipunang neo-kolonyal, malapyudal na malaon nang nakabaon sa krisis ng mataas na tantos ng kahirapan, malaganap na kawalan at kakulangan sa trabaho at hanapbuhay, at atrasadong sistema ng pangangalaga sa kalusugan at kagalingan ng mamamayan. Nagpatupad ng lockdown nang wala o kapos sa paghahanda ang administrasyong Duterte. Kaya, nauuna o mas matimbang ang sapilitan at marahas na pagpapatupad ng—tigil trabaho/hanapbuhay, manatili sa bahay at social distancing nang malayong-malayo o labis na huli at kapos ang --- food at cash aid. Sa kabila nito, may gana pang magsabing “konting tiis” sabay ng “shoot them dead”. Hirap ngayon panahon ng kwarantin ang mga manggagawa na patuloy na pumapasok sa tinuturingna essential industries lalo ang nasa hanay ng medisina. Kulang ang suporta ng gubyerno sa kanila. Salat sa Ayuda Mula sa inilaan ng gubyernong paunang P100 B (ng kabuuang P200 B) ayuda nasa P 50.1 B pa lamang ang nagagastos. P 33B mula dito ay ipinamahagi sa mga LGU para sa hindi 4Ps beneficiaries habang nasa P 16 B naman ang inilaan para sa 4Ps beneficiaries. Sa bagal ng distribusyon animo’y namamalimos ang mamamayan sa ayuda’t food aid mula sa gubyerno, kahit sa katunaya’y nauuwi sa para-paraan ang bawat pamilya makaraos lamang sa mahigit isang buwan at kalahating kwarantina/lockdown. Nasa 52.27% o 9.4 milyon pa lamang mula 18 milyong pamilyang target, kalakha’y 4Ps beneficiaries (3.7 Milyon), ang nakatanggap ng SAP mula ng ipinatupad ito ng Abril 1. Ayon sa DOLE, may mga kumpanyang hindi nag-apply ng CAMP dahil sa mga problema o diperensya sa kanilang mga payroll. Kapag pinagsama ang benepisyaryo ng CAMP at TUPAD lagpas lamang ito ng kalahating milyong manggagawa habang 15% pa lang ng target sa CAMP-AKAP ang nakakakuha ng ayuda. Sa hanay ng transport na kasama sa mga tinukoy ng DSWD na pasado para sa ayuda, 45% pa lamang ng target na mabigyan ang nakakakuha nito habang sa programa ng DA na Financial Subsidy for Rice Farmers, 9.11% pa lamang ng target beneficiaries ang nakatatanggap ng assistance. Tanggalan sa Trabaho Sa datos ng DOLE, nasa 2.3 milyong manggagawa na ang nawalan ng trabaho, di pa kasama ang may 89,436 OFW sa 40 bansa na nawalan ng trabaho at/o na-displace bunga ng no work/no pay dahil sa lockdown o pagbagal ng business ng kanilang pinagtatrabahuan. At lalong hindi kasama sa bilang ang mga unreported/undocumented na manggagawa. Nasa 38.25% (17.36 Milyon) ang tinatayang vulnerably employed kasama na dito ang wage and salaried in household, self-employed o para-paraan, at unpaid family worker.[3]Ang mga ito, lalo kung sila ay nagtratrabo sa mga sektor na apektado ng pandemyang COVID 19, ay maaring makaranas ng tanggalan, bawas sa sahod at/o bawas sa oras-paggawa. Sa pagtaya ng ILO kasama sa bulnerableng seksyon ng paggawa ang mga kababaihan na karaniwan ay kulang o walang akses sa social protection benefits at mga kabataang-manggagawa. Ayon kay Cong. Joey Salceda nasa 420 libong OFW ang uuwi sa loob ng susunod na anim na buwan, at nasa 170-180 libo dito ay panandalian lang titigil sa bansa habang tinatayang nasa 250-260 libo ang maaring mawalan ng trabaho dulot ng global economic slowdown na pinalala pa ng mga polisiya para tugunan ang pandemyang COVID 19 (i.e. closures, lockdown) tulad ng mga sea-based workers at nasa tourism-related businesses. Higit na masaklap ay hangga’t hindi napapawi ang pandemyang COVID 19 sa bansa’t daigdig ay tiyak pang lolobo ang bilang ng mawawalan ng trabaho kapwa mga manggagawa sa loob at labas ng bansa lalu na’t binibigyan diin ay pagpataw ng lockdown/quarantine sa iba’t-ibang lugar sa bansa. “New Normal” ng Manggagawang Pilipino Wala pa ang pandemya COVID-19 marami nang paglabag sa mga lehitimong karapatan nating mga manggagawa tulad ng security of tenure dahil sa endo, maliit ang bilang ng empresang nagpapasahod ng minimum wage, pagkakait sa ating karapatan sa magkakaroon ng organisasyon sapagkat ipinagbabawal ang pag-uunyon at maging ang karapatan sa sama-samang pakikipagtawaran (CBA) at sa walong-oras na paggawa (work day). Ibubukas na ang ilang bahagi ng ekonomya sa paglalagay ng General Community Quarantine sa ilang mga probinsya,gayunman isasagawa pa din ang social distancing at iba pang guidelines laban sa COVID 19. Hindi lamang kaseguruhan sa trabaho ang maisasalang kundi maging kalusugan at kagalingan ng manggagawa tulad ng bawas sa benipisyo,bawas-sahod at bawas sa oras-paggawa. Kung sa dati, lansakang nilalabag ng mga kapitalista ang ating mga karapatan, tiyak na sasamantalahin ng mga kapitalista ang sitwasyong may pandemya upang pag-ibayuhin pa ang pagpiga sa pawis at dugo ng mga manggagawa para sa kanilang nawalang tubo. Matatandaan din na isang buwan bago ang COVID 19, katuwang ng kapitalista ang gobyerno sa pagbabawal sa mga unyon sa manggagawa sa pamamagitan ng JIPCO sa ilalim ng whole of nation approach. Sa harap ng hamon na ito, lalung kailangan nating magbigkis at magbantay. Sama-sama nating harapin ang paglaban sa pandemya, gayundin ang mahigpit na paglaban at pagtatanggol sa ating mga Karapatan. Pagsilbihin natin ang abanteng kaalaman sa syensya at teknolohiya upang gapiin ang mga sakit tulad ng COVID at sa proseso ay pag-ibayuhin ang pagkakaisa at lakas ng buong uri at buong mamayan para itatag ang lipunang walang pagsasamantala at pang aapi sa sangkatauhan. Ligtas na Lugar-Paggawa Tiyakin! RT-PCR Testing at Contact -Tracing Isagawa! Tiyakin PPE para sa Lahat ng Manggagawa at Transportasyon para sa mga Manggagawa sa Panahon ng Kwarantin! Hazard Pay at iba pang Benipisyo sa Panahon ng Pandemya Ibigay! Ayudang Pinansyal at Pagkaing Sapat, Ibigay sa Lahat! Badyet para sa Panlipunang Serbisyo Dagdagan! Karapatan at benipisyo ng Manggagawa, Ipaglaban! Mayo 1, 2020 Workers for People’s Liberation (MAKABAYAN)
0 Comments
Leave a Reply. |
Categories
All
|