Anti-Terror Bill, Anti-Wiretapping Law Amendment, etc. etc.… Higit na Kapangyarihan sa EstadoIbayong panunupil sa mga karapatan ng mamamayan sa panukalang konstitusyon. Lalong pagbangis ng tiraniya sa lehislatibong adyenda ng gubyernong Duterte.
Sa SONA, sa pagbubukas ng 18th Congress, ihahanay ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanyang legislative agenda— salansan ng prayoridad niyang isabatas sa gitna ng pandaigdigang pagkondena sa mga extra-judicial killing (EJK) sa kanyang war on drugs, sa nalalantad niyang kataksilan sa pagpapaubaya ng WPS sa kontrol ng Tsina, sa lumolobong utang dahil sa build, build, build; at, sa lumalawak nang oposisyon sa kanyang paghahari. Sa ubod ng adyendang ito ay ang higit na pagbigat ng kamay na bakal ng kanyang tranikong rehimen at pagpapataw ng mga bagong buwis na pipiga sa mamamayan.
0 Comments
Biguin ang Pagkukonsolida ng Tiranikong Paghahari! Ilang araw na lamang eleksyon na. Mayo 13, magpapasaya para sa kinabukasan ng bayan ang milyun-milyong botante. Anu-ano mga usapin at linyang batayan sa pagpapasaya? Demokrasya laban sa Tiraniya. Soberanya ng bayan laban sa paghahari ng dayuhan. Kalayaan at karapatan laban sa panunupil. Paghahari ng batas laban sa paghaharing diktador. Demokrasyang bayan laban sa dinastiyang pulitikal. Ito ang mga isyung batayan at linya sa pagpapasya o pagboto. Nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo Ang mga isyung nabanggit sa unahan ay sistematikong natitipon sa nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo. Lantad ang layon ng rehimeng Duterte na konsolidahin ang paghahari nito. lihim na iniratsada sa House of Representatives (HoR), sa pamumuno ng ganid-sa-kapangyarihang Gloria Macapagal-Arroyo, ang panukalang konstitusyong ipapalit sa Konstitusyong 1987. Tinawag itong Resolution of both Houses (RBH) No. 15 at sinalang sa pagboto ng plenaryo ng HoR nuong Disyembre 11, 2018. |
AuthorWEDECIDE espouses alternative politics. It is a people's electoral campaign advancing people's issues and agenda. ArchivesCategories
All
|