Coconut farmers: Sawa na kami sa mga pangako“Coco Farmer’s Trust Fund, Ipasa! Isabatas!” ang sigaw ng 75 magniniyog sa harap ng Malacañang noong ika-10 ng Abril upang kondenahin ang pag-veto ni Pres. Rodrigo Duterte sa Coconut Farmers and Industry Development Bill at Philippine Coconut Authority (PCA) Bill. Ang dalawang panukalang ito ang susi sana upang tuluyan nang maipamahagi sa mga magniniyog ang coco levy fund – ang 75 bilyong pisong halaga ng buwis na siningil sa mga magniniyog noong panahon ng Martial Law na ipinangakong gagamitin sa pagpapaunlad ng industriya ng pagniniyog sa bansa. Ang consolidated version ng dalawang panukala na resulta ng isinagawang bicameral conference meeting ay isinumite sa pangulo noong Agosto 2018 upang pirmahan. Ngunit pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, muli na namang binigo ang mga magniniyog nang i-veto ng pangulo ang mga panukala nitong Pebrero ngayong taon. “Niyurakan at trinaydor kami ng Pangulo sapagkat isa ito sa mga pangako niya sa’min bago pa man siya maluklok sa pwesto,” sabi ni Jhun Pascua, isang lider magniniyog. “Sawang-sawa na kami sa mga pangako,” dagdag niya.
0 Comments
|
AuthorWEDECIDE espouses alternative politics. It is a people's electoral campaign advancing people's issues and agenda. ArchivesCategories
All
|