Biguin ang Pagkukonsolida ng Tiranikong Paghahari! Ilang araw na lamang eleksyon na. Mayo 13, magpapasaya para sa kinabukasan ng bayan ang milyun-milyong botante. Anu-ano mga usapin at linyang batayan sa pagpapasaya? Demokrasya laban sa Tiraniya. Soberanya ng bayan laban sa paghahari ng dayuhan. Kalayaan at karapatan laban sa panunupil. Paghahari ng batas laban sa paghaharing diktador. Demokrasyang bayan laban sa dinastiyang pulitikal. Ito ang mga isyung batayan at linya sa pagpapasya o pagboto. Nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo Ang mga isyung nabanggit sa unahan ay sistematikong natitipon sa nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo. Lantad ang layon ng rehimeng Duterte na konsolidahin ang paghahari nito. lihim na iniratsada sa House of Representatives (HoR), sa pamumuno ng ganid-sa-kapangyarihang Gloria Macapagal-Arroyo, ang panukalang konstitusyong ipapalit sa Konstitusyong 1987. Tinawag itong Resolution of both Houses (RBH) No. 15 at sinalang sa pagboto ng plenaryo ng HoR nuong Disyembre 11, 2018.
0 Comments
|
AuthorWEDECIDE espouses alternative politics. It is a people's electoral campaign advancing people's issues and agenda. ArchivesCategories
All
|