We are the members of Malaya Lolas, the organization of surviving victims of mass rape by soldiers of the Japanese Imperial Army in Mapanique, Candaba, Pampanga in the Philippines. Our harrowing experience happened as part of a completely planned attack at our barrio (village) on November 23, 1944. 

 

Presently, we are 61 old and sickly women as the rest of about a hundred of us have already died.  We are in the twilight of our years and it pains to die without seeing justice.

 

We are aware that for several times, some councilors had sponsored a bill asking the Japanese government to take historical responsibility, to apologize publicly for the comfort women system as a war crime; to mention this in Japan’s history books; and to compensate the victims.

 

Although that bill did not cover our case, we are dismayed nonetheless that the House of Councilors never passed that bill into law.

 

We understand that Japan’s definition of comfort women exclude us from being considered as such.  We cannot argue with Japan’s historical and social circumstances that defined what a comfort woman is.  But we would like to tell the Honorable members of the House that our sufferings were not any degree lighter simply because the Japanese soldiers did not bring us to brothels.


read full text

an_appeal_to_the_house_of_councilors_long.doc
File Size: 60 kb
File Type: doc
Download File

 
 

Filipino Women Unite and Stand Up for their Rights!  

Since its inception in 1998, KAISA KA has been advancingthe rights and welfare of womenwho are usually in the periphery of development and most often, the victims of natural and man-made disasters, economic crisis and militarism fomented by globalization.

 

Women from various sectors—peasants, workers, students, urban poor and indigenous people—have made possible the formation of KAISA KA chapters in different regions and provinces throughout the Philippines.

 

Filipino women now believe that, armed with the timely information and tools of analysis and skills, women with readiness to work, can be empowered to address their situation collectively, with resolve and gains.

read full text

 
 

Paglilinaw sa Kasapian ng KAISA KA:                                                   


Tungkol sa Sinasabing Pagbaligtad ni Nicole

 

Iba’t iba ang reaksyon sa tinataguriang “March 12 Affidavit” ni Nicole at sa mga binitawan ng kanyang ina na nasa US na umano si Nicole para mamuhay nang matahimik.  Marami ang nagalit.  Ang tingin nila ay natraidor sila at iniwan sila sa ere. 

            Marami ngayon ang umaatake kay Nicole.  Kung dati ay kinulapulan na siya ng putik, inilulublob pa siya ngayon.  Lalo pang pinagdiriinan ng iba na maruming babae nga si Nicole.

            Ano ang ating aktitud?  Paano natin ito ipaliliwanag sa mga mamamayang pinalahok natin sa laban para sa katarungan kaugnay ng Subic Rape Case?

Hindi natin pinagsisisihan ang pagtulong kay Nicole

Ikinagagalak at ipinagmamalaki ng KAISA KA na naging importanteng bahagi ito ng mga pwersang sumaklolo, umalalay at nakipaglaban para kay Nicole.  Ipinagmamalaki nating naging importanteng bahagi tayo ng paglaban para sa katarungan ng unang biktima ng pang-aabusong nakakuha ng conviction para sa isa sa mga akusado matapos dumulog sa husgado.   Ipinagmamalaki natin ang walang pagdadalawang-loob na pagdadala ng laban ng unang biktimang nangahas tumayo sa unang kasong sumalang sa kawastuan ng VFA.

Naniniwala tayong totoo ang kanyang sinabi sa kanyang mga isinalaysay sa panahon ng pagdinig sa RTC sa Makati.  May ilan sa ating nakasama mismo sa pagkausap sa kanya bago ang mga pagdinig at di nagbabagu-bago ang kanyang salaysay.  Maliwanag sa mga ebidensya at patunay na totoong grabe ang kanyang pagkalasing, na nawalan siya ng malay dahil dito at sa gayon ay di makapagbibigay ng kanyang pagsang-ayon para makipagtalik.

Hindi natin kinukondena si Nicole

Matindi ang kanyang pinagdaanan.  Sa Pilipinas, liban kung bata ang ginahasa, nauuna pang ipako ang biktima kaysa sa rapist.  Hindi na siya sinuportahan ng gubyerno, pinangunahan pa mismo ng “Justice” Secretary ang pangungutya sa kanya at sa kanyang pagkatao.

Sari-saring pwersang pwedeng magpahina sa kanyang paglaban ang pinagsikapan niyang sanggain.  Habang agad siyang pinaratangan, agad din niyang nilabanan ang mga “mungkahi” ng ilang pulis, tauhan ng City Hall ng Olongapo, at iba pa na imbes na magkaso ay “makipag-ayos na lang, umiwas sa kahihiyan at magkakapera pa.”  Tinanggihan rin niya ang alok noong kasagsagan ng pagdinig sa Makati na ipatalo ang kaso kapalit ng blank cheque, bahay at lupa sa US at visa.  Ilang beses niyang pinagrebeldehan ang mismong malalapit sa kanya na nanumbat sa kanya tungkol sa pagkaistorbo ng kanilang buhay, paghahanapbuhay at kabuhayan dahil sa pag-asikaso sa kaso.

Kung anuman ang naganap na humantong sa March 12 Affidavit, hindi natin alam ang ditalye pero ang malinaw, ang mga nakasaad sa kanyang apidapit ay mga argumentong ihinarap ng kanyang kalaban at ang pormulasyon ng salaysay ay hindi kay Nicole.

Sikapin nating palawakin ang ating pang-unawa.  Dumaranas ang isang biktima ng panggagahasa ng sarisaring emosyunal na pagpapababaling-baling na pwedeng makaapekto sa kanyang mga tindig sa buhay.

At kung sakali’t totoong naakit na siya ng alok na mabuhay sa US nang may karangyaan at katahimikan, alam nating matatanto rin ni Nicole ang kahungkagan ng pangakong iyan.

Ganoonman, laging hangad natin ang pinakamabuti para kay Nicole.

Nais ng kalaban ni Nicole, sa pagkakagawa ng ikalawang apidabit, na impluwensyahan ang kaisipan ng mga magpapasya sa Court of Appeals para i-acquit si Smith at madaling ipatanggap sa mamamayan ang acquittal.

Wala naman talagang kabuluhang ligal ang March 12 Affidavit, na ninotaryuhan at sinumpaan sa harap ng isang abugado ng bupeteng nagsisilbi kay Smith, sa pagpapasya ng apila ni Smith sa kanyang kaso sa Court of Appeals dahil hindi naman na pinag-uusapan sa CA ang mga “bagong ebidensya.”  Pero para sa akusado at sa mga abogado nito, malaki ang magagawa ng “ganitong salaysay” para impluwensyahan ang kaisipan ng mga magpapasya tungkol sa apila ni Smith.

Liban pa, mahalaga para sa pro-VFA na administrasyong Arroyo ang ganitong salaysay.  Maliwanag na may mga pahayag ang ilang tao ng Malakañang nanagpapahiwatig na umaasa silang mapapawalang-sala si Smith ng CA at sa gayon, mapapahupa ang tensyon tungkol sa di pagbabalik kay Smith sa kulungang Pilipino at tungkol sa pagiging makaisang panig ng VFA.

Sa pangwawasak sa kredibilidad ni Nicole, nais din ng gubyerno na patayin ang kilusan para sa katarungan kaugnay ng Subic Rape Case at buhusan ng malamig na tubig ang umiinit na panawagan para sa pagbabasura ng VFA.

Pansinin nating masyadong pinatitingkad ang puntong nasa US na si Nicole.  Ganoon din ang puntong tinanggap na niya ang inutos ng korte na P100, 000 kabayaran ni Smith sa danyos. 

Kung tutuusin, wala namang katiyakang nasa US nga si Nicole.   At ang pananagutang sibil, ang P100,000 kabayaran ay ayon sa pasya ng nakabababang hukuman.  Inilabas ito sa publiko at lubhang pinagdidiinan para palabasing “cheap” talaga si Nicole.  Ito ay karagdagang paglulublob ng mukha ni Nicole upang lubos na mawasak ang kanyang kredibilidad at ng mga nagtaguyod sa kanya.  Sa gayon nila nakikitang mapapatay o kahit pansamantalang mapipigilan ang lalo pang pag-init ng panawagan para sa pagbabasura ng VFA.

Hindi mabubura ng “March 12 Affidavit” ang isang mukha ng VFA, ang mukha ng karahasan sa kababaihan na maliwanag na inilarawan ng Subic Rape Case

Malaki ang kabuluhan ng Subic Rape Case at ng pagtindig ni Nicole para ilantad at ipaglaban ang katarungan para mailadlad ang marahas na mukaha ng VFA.  Naipakita ng laban ni Nicole ang matagal nang ibinababala ng mga organisasyong pangkababaihan na sa pagkakaroon ng VFA, lalo lamang nailalagay ang kababaihang Pilipino sa panganib na makaranas ng pandarahas – military.

Maliwanag na inilantad ng paglaban ni Nicole at ng mamamayan ang matagal na nating sinasabing kinukunsinti ng pwersang militar ng US ang panggagahasa ng kanilang tropa sa ginagawa nitong pagtatakip at pagbibigay proteksyon sa akusado.  Pinatutunayan nitong hanggang ngayon, dala-dala pa rin ng pwersang militar ng US ang patriarkong kulturang militar na tumuturing sa katawan ng kababaihan bilang premyo o pabuya sa mga pagod na katawan ng kanilang mga sundalong nagtatanggol sa mga estratehilong interes ng imperyo.

Hindi mabubura ng “March 12 Affidavit” ang isa pang mukha ng VFA na inilarawan ng Subic Rape Case:  ang VFA ay pagyurak sa soberanya ng bayang mahina.

Matagal na ring nagbababala ang mga taong masikhay na nagsuri sa VFA bago at matapos itong pagtibayin ng Senado.  Marami ang di-pantay na probisyon nito at lubhang dehado ang Pilipinas.  Kasama ditto ang kawalang karapatan ng gubyernong Pilipinas na tsek-apin ang mga ipinapasok na armas ng US sa Pilipinas, na tsek-apin kung may mga nakahahawang sakit ang mga sundalo, na tingnan ang kanilang mga passport o hanapan ng visa, na buwisan ang kanilang mga ipinapapasok na produkto at sasakyan galing sa labas at ang tungkol sa Criminal Jurisdiction na siya ngang nasalang sa kaso ng Subic rape.

            Pinatunayan ng Subic Rape Case at ng paglaban natin para sa katarungan kaugnay nito na hindi puro pangamba lamang ang mga babalang iyon.  Mula sa umpisa, wala sa kamay ng Pilipinas ang kustodya sa suspects.  Noong makasuhan na, at dapat madetain na ang mga akusado, tumanggi pa rin ang gubyernong US na ibigay ito sa Pilipinas.  Noong masentensyahan na at nagpasya na ang Huwes na sa Makati City Jail ikulong si Smith, kinutsaba pa rin ng US government ang gubyerno ni Arroyo upang bawiin si Smith at ilagay sa air conditioned na kwarto ng US Embassy.  Lagi’t lagi ang VFA prubisyon tungkol sa Criminal Jurisdiction ang isinasangkalan.  Pero kahit na nitong nagpasya na ang Supreme Court na hindi ayon sa VFA ang pagbalik kay Smith sa US Embassy, tumatanggi pa rin ang US na ibigay si Smith sa awtoridad na Pilipino at ikulong siya sa Pilipinas.

Hindi pa tapos ang laban ganoon man ang inabot ng pampipresyur kay Nicole

Lampas kay Nicole ang laban para sa katarungan kaugnay ng Subic Rape Case.  Ito ay laban ng kababaihang Pilipino at ng mamamayang Pilipino sa kabuuuan.

Patuloy nating igigiit na maparusahan si Smith.  Kontrahin natin ang pressure sa CA na pawalang-sala si Smith at igigiit nating maikulong si Smith sa isang penitentiary (kulungan ng mga napatunayang nakagawa ng mabigat na krimen) sa Pilipinas.

Patindihin natin ang paglaban sa VFA at buhaying muli ang isang kilusan para ipawalambisa ito.  Gagamitin pa rin nating pambala laban sa VFA ang Subic Rape Case at ang dinaanan nito.  Pero daragdagan natin ng maraming iba pang pambalang naipon natin sa sampung taon ng pag-iral nito.  Kabilang dito ang pag-iral ng mga pasilidad o base militar ng US sa Pilipinas, ang paglulunsad ng US, sa pamamagitan ng VFA, ng Unconventional Warfare o isang klase ng pakikipaggera sa Mindanao, ang pagkakasangkot  nila sa pamamaslang ng mga sibilyan kasama na ang isang babaeng buntis at mga bata, ang dislokasyon sa mamamayan dulot ng kanilang exercises at gera, ang pagkakatulak sa kababaihan, bunga nito, na maramihang mag-OFW lalo na sa Malaysia at mahulog sa ibayo pang pagkakapahamak, at ang papel ng mga sundalong US sa patuloy na pandarambong ng likas na yaman sa Mindanao.

Ituloy natin ang paglaban para sa katarungan.

VFA, Ibasura!

 Pambansang Komiteng Tagapagpaganap

KAISA KA

 

 
First Post! 06/01/2009
 
Start blogging by creating a new post. You can edit or delete me by clicking under the comments. You can also customize your sidebar by dragging in elements from the top bar.
 

Google Analytics Yahoo crawler wikipedia