Pagsusuri sa mga Panukalang Batas Tungkol saReproductive Health Tatlong panukalang batas tungkol sa reproductive health (RH) na isinampa sa Kapulungan ng mga Kinatawan at sa Senado ang hawak natin sa kasalukuyan. Ang mga ito ay ang panukala ni Senador Miriam Defensor-Santiago o MDS Bill, ang kay Rep. Edsel Lagman Sr. o Lagman Bill at ang isinampa ni Rep. Janette L. Garin o Garin Bill. Wala tayong nabasa sa balita o nakuha sa website ng kongreso na ibang nakasampang bill tungkol sa RH sa panahong ito ng ika-15 kongreso. Isa-isahin natin ang mga nakasampang ito. Ang MDS Bill Ang Batayan ng Bill: 1. Tungkulin ng pamahalaan na irespeto, bigyang proteksyon at isakatuparan ang karapatan ng mamamayan sa kalusugan sa ilalim ng Article 2 Section 15 ng Saligang Batas, Article 12 ng International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR) at Article 12 ng CEDAW. 2. Tinadhana pa ng CEDAW na titiyakin sa kababaihan ng mga Partidong Estado ang nararapat na hakbangin kaugnay ng pagbubuntis, pagkaka-confine at panahong pakapanganak, bibigyan sila ng libreng mga serbisyo kung kinakailangan at sapat na nutrisyon sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso.(“States Parties shall ensure to women appropriate services in connection with pregnancy, confinement and post-natal period, granting free services where necessary as well as adequate nutrition during pregnancy and lactation.) 3. Itinadhana ng CEDAW Committee General Recommendation Number 24 tungkol sa kababaihan at kalusugan ang panawagan sa mga “…partidong estado na isaprayoridad ang pag-iwas sa di ninanais na pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpaplano ng pamilya (FP) at sex education para mabawasan ang bilang ng namamatay sa pagbubuntis at panganganak…”(“…states parties to prioritize prevention of unwanted pregnancy through family planning and sex education and to reduce maternal mortality rates…”) 4. Mga napagkasunduan sa International Conference on Population and Development-Program of Action, Beijing Platform of Action, Millennium Development Goals Number 5 5. Mga nakadilat na katunayang nagpapakita ng lala ng problema sa RH sa Pilipinas: a. 11 Pilipinang ina ang namamatay sa bawat 24 oras dahil sa pagbubuntis at mga kumplikasyong kaugnay ng panganganak, ang pinakamataas na tantos ng namamatay kaugnay ng pagbubuntis/panganganak sa Asya b. Napaka delikado (high risk) ang mahigit sa 60% ng mga pagbubuntis (2003 survey) c. Gustong magplano ng pagpapamilya ang 2.6 M Pilipina pero kulang ng impormasyon at kakayahan para magawa ito. d. 30% ng taunang panganganak ang gawa ng mga teen-ager (adolescents) Ang Esensya ng Bill: Minamanduhan nito ang estado na garantiyahan ang panlahatang pag-abot sa ligtas, ligal, abot-kaya at dekalidad na mga serbisyong, paraan, gamit, suplay at kinakailangang impormasyong pang RH. Mga layunin: 1. Paunlarin ang kalusugang-ina (maternal health) at pababain ang kamatayan kaugnay ng pagbubuntis/panganganak o maternal morbidity 2. Mabigyan ang kababaihan ng mas maraming oportunidad na nakapag-aral at maempleyo , at sa dulo nito, pagsasakapangyarihang pang-ekonomya. 3. Makatulong sa pagpapawi ng kahirapan, pagpupursigi ng sustenableng pag-unlad at mapahusay ang kalidad ng buhay Mga Elemento o Saklaw ng RH: 1. Kalusugan ng ina, sanggol at bata at nutrisyon kasama na ang pagpapasuso ng ina 2. Mga impormasyon at serbisyo tungkol sa FP 3. Pag-iiwas sa aborsyon at pag-aasikaso sa mga kumplikasyong dulot ng aborsyon 4. RH para sa mga teen-ager at kabataan (youth , hindi bata) 5. Pag-iwas at pag-aasikaso sa mga impeksyon sa reproductive tract (prevention and management of reproductive tract (RTIs), HIV at AIDS at iba pang impeksyong naikakalat sa pakikipagtalik (STIs) 6. Pagpapawi ng VAW 7. Edukasyon at pangangaral tungkol sa sekswalidad at kalusugang sekswal 8. Pangagamot ng kanser sa suso at reproductive tract at iba pang sakit at diperensya sa matris at mga kakabit nito (other gynecological conditions and disorders) 9. Responsibilidad at partisipasyon ng lalaki sa RH 10. Pag-iwas at paggamot ng pagkabaog at diperensyang sekswal (sexual dysfunction) Mga Matitingkad na Itinatadhana: 1. Pagtitiyak na may isang ospital na magbibigay ng komprehensibong pag-aasikasong pang-emergency kaugnay ng panganganak (comprehensive emergency obstetric care) at 4 na ospital na magbibigay ng batayang pag-aasikasong pang-emergency kaugnay ng panganganak sa bawat 500,000 populasyon. 2. Dapat magbigay ng lahat ng klase ng modernong paraan ng FP ang lahat ng ospital liban sa specialty hospitals; pagbibiigay ng tulong ang PhilHealth /at o ang gubyerno sa mga mahihirap na pasyente. 3. Magsasagawa ng taunang Maternal Health Review. Imamando ito sa lahat ng pambansa at lokal na ospital 4. Magiging bahagi ng National Drug Formulary ang mga produkto at suplay na pang-family planning 5. Titiyakin ng DOH ang pagkakaroon at distribusyon ng mga suplay at pagmomonitor ng paggamit nito. 6. Ibibigay ng Philhealth ang maksimum na benepisyo para sa mga may nakamamatay na karamdaman (AIDS, Cancer,etc) 7. Mobile Health Care Services na popondohan, sa simula ng PDAF ng bawat congressman 8. Naaangkop-sa-edad na RH at edukasyong sekswal para sa mga teen-agers na isasanib sa iba pang paksa/asignatura(subject) 9. Tataasan ng 10% ang sahod ng mga Barangay Health Workers (BHWs) na nagsailalim ng pagsasanay sa RH pero 20% ang itataas sa sahod ng mga BHW na wala pang isang libong piso (Php 1,000) ang sahod. Magmumula ang pera sa pondo ng GAD at iba pang lokal na pondo 10. Dapat iintegra ng mga employer na may mahigit 200 na empleyado ang mga serbisyong RH sa kanilang mga pasilidad pangkalusugan; kung mababa sa 200 ang empleyado, magkakaroon sila ng pakikipag-partner sa tiyak na mga ospital at mga pasilidad na pangkalusugan 11. Nakasulat ang karapatan ng mga manggagawa sa RH: mga benepisyong medikal at pangkalusugan nauukol sa mga manggagawa, listahan ng mga banta sa RH (RH health hazards) sa lugar ng paggawa, at ang mga nakalatag na pasilidad na pangkalusugan para sa mga manggagawa 12. Implementasyon: sa pangunahin, DOH, magbibigay ng technical assistance ang PopCom 13. Mga bawal: a. Pagtatago (withholding) ng impormasyon b. Ang gawing rekisito ang pahintulot ng third party liban sa kaso ng mga menor de edad, ang gawing rekisito ang pagkuha ng pahintulot sa kaso ng mga menor de edad na inabuso ng magulang o myembro ng pamilya c. Pangtangging bigyan ng serbisyo ang sinuman dahil sa kanyang estado sibil, gender, oryentasyong sekswal, edad, relihiyon at kalikasan ng trabaho d. Ang pagbabawal o paglilimita ng opisyal publiko o kinatawan niya sa pagbibigay ng ligtas at ligal na serbisyong RH o ang kanilang pamimilit na gamitin ang mga ito. e. Ang pamimilit ng employer sa kanyang empleyado o aplikante sa trabaho na gumamit o di gumamit ng anumang paraang kontraseptibo bilang rekisito sa pagkakatanggap o pananatili sa trabaho 14. Parusa: Pagkakakulong ng mula isa hanggang anim na buwan o pagbabayad ng mula Php10,000 hanggang Php 50,000 o pagkakakulong at pagbayad. Ang Lagman Bill Tungkol sa problema ng lumalaking populasyon ang unang talata ng explanatory note nito. (Kaya, parang ito ang kanyang unang konsiderasyon.) Pero agad namang bumabawi sa sumunod na talata sa pagsabing lampas ang RH sa target kaugnay ng populasyon dahil, sa pangunahin, tungkol ito sa karapatan sa kalusugan at pag-unlad ng tao. Batayan: 1. Ang prinsipyong: karapatan ng bawat isa ang reproductive self-determination—ang karapatang magdedisyon kung kalian at kung gaano kadalas magiging magulang ang isang tao o ang karapatang di maging magulang kahit kalian. 2. Ang mga nakadilat na mga problema sa RH sa Pilipinas: b. Parehas ng sa letra c ng MDS Bill pero dagdag dito ang mga puntong: hindi gumagamit ng kontraseptibo ang 41% ng mga pinakamahirap na kababaihang gustong umiwas na mabuntis dahil sa kakulangan ng impormasyon; at 54% ng mga kababaihang may-asawa ang ayaw nang magdagdag ng anak pero 49% nito ang di gumagamit ng anumang klase ng FP c. Sa hanay ng mga mahihirap, malaki pa rin ang bilang ng anak—anim d. Di ninanaisa ang 44% ng pagbubuntis ng mga nasa pinakamahirap na sangkalima (the poorest quintile) at 67% lamang ng mga pagsilang ang nakaplano e. Ang iba pa, parehas na lang ng nasa MDS Bill Ang Esensya ng Bill: Pagtatadhanang ibigay ng estado ang nauukol at napapanahong impormasyon tungkol sa lahat ng paraan ng FPna ligal at ang ligtas at dekalidad na RH at serbisyo sa FP Mga Layunin: Dagdag sa binaggit sa MDS Bill, 1. Pababain ang bilang ng mga kaso ng aborsyon. 2. Makapagbawas sa gastusin sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalusugan ng ina at sanggol at ng pagbabawas ng bilang ng namamatay sa pagbubuntis/panganganak. Mga Elemento of Pangangalagang RH: Dagdag o naiiba pa sa nasa MDS Bill, 1. Pagbabawal sa aborsyon at di lamang pag-iwas 2. RH para sa kabataan iba pa sa adolescent and youth RH (malamang na di lang napansing pag-uulit ito) Matitingkad na Itinatadhana: Dagdag sa nasa MDS Bill, 1. Pag-iempleyo ng sapat na bilang ng kumadrona: 1 may kasanayang kumadrona para sa bawat 150 panganganak bawat taon; may ganito rin sa mga malalayong lugar 2. Magbibigay ng libreng instruksyon at pagtuturo tungkol sa FP ang mga lokal na opisina sa FP 3. Wala itong prubisyon tungkol sa BHW 4. Walang lisensya sa kasal ang ibibigay hanggat walang mnaipiprisintang katibayan ng pakakakuha ng sapat na impormasyoin tungkol sa FP, RH, pagpapasuso at nutrisyon ng sanggol. 5. Ibinabawal: Lahat ng nabanggit sa MDS Bill, dagdag dito ang pagpapalsipika ng katibayan ng pagsunod sa prubisyon tungkol sa rekisito sa kasal at ang malisyosong pagpapalaganap ng disimpormasyon tungkol sa layon at laman ng batas sa RH. 6. Ang prubisyon tungkol sa parusa: may partikular na punto tungkol sa mga taong may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas (juridical persons) at mga dayuhan. The Garin Bill Sa kalahatan, pareho lang ang laman nito sa MDS Bill pero mas parami itong binanggit na mga internasyunal na kasunduan (international conventions) bilang kasama sa mga batayan. Pagsusuma: Kaiba sa nakararaming RH Bills noong ika-14 Kongreso, ang mga panukalang batas ngayon ay tunay na RH bills at hindi nakamaskarang popululation management bills. Nakaangkla ang lahat sa karapatan at pag-unlad ng tao. Ngayon, malinaw na DOH ang lead agency at hindi ang PopCom. Pinakamaganda ang pagkakasulat ng MDS Bill: sistematiko at malinaw na pangunahing nakaangkla ito sa karapatan at kagalingan ng kababaihan. May kaunting kahinaan sa pormulasyon ang Lagman Bill, parang “his slip is showing” sa explanatory note pero sa kalahatan, nakatono na ito sa MDS Bill. (Liban pa sa mas madiin ang sponsor sa population problem kapag dinidepensahan niya ang bill sa mga interbyu s kanya.) Maaari ring pampakalma lang sa mga labis na konserbatibong opositor ang prubisyon ng Lagman Bill na “proscription of abortion“ bilang isa sa mga elemento ng pangangalagang RH. Pero bilang panukalang batas sa RH, mas naangkop ang nasa MDS at Garin bills na “prevention of abortion”. Pero, iintegra pa rin ito. Kung dito na lang sa tatlong panukala kukunin ang ipapalaman sa pinal na bersyon bago isalang sa pag-aapruba, maganda na ang kalalabasan ng batas. Dapat itong suportahan. Dapat ikampanya ang pagpapasa ng RH Bill!
2 Comments
Aquino’s Tough Stand on RH Brightens Day for Women but Has to Make Clearer Stand and Concrete Actions on Other Problems On President Aquino’s 100th day in office, we in KAISA KA consider the President’s stand on family planning endearing to women, mothers’ especially. He still has to make clear policy statements, however, on other issues that concern women and the rest of the population and start action to show that indeed, his administration is essentially different from GMA’s. It is encouraging that the president, up to his 100th day has stood firmly on the state’s duty to provide the population information and access to different family planning methods despite the Catholic bishops’ warnings that amount to saying they will set off a destabilization campaign against this administration if he does not retract. Many political leaders back out when faced with stiff opposition from the leaders of the biggest church in the Philippines. But he still has to take action on the long list of demands of women’s organizations and those of other marginalized sectors regarding some important issues. For instance, he has remained silent on the issue of foreign military troop’s presence, which for years, KAISA KA and other organizations have been opposing because it undermines national sovereignty and puts women and their communities more vulnerable to military sexual violence. It has remained silent on the VFA that is among the reasons for the US military’s continued stay and has led to several reports of abuses on women and other civilians. Despite the seriousness of trafficking in persons in the country, the Philippines being in the Tier 2 of the US ‘State Departments’ list, it is only a statement through an interview that the president gave out and nothing more. President Aquino has not made any pronouncement against neo-liberal economic impositions instead harks on his Public-Private Partnership scheme that doesn’t break away from the former. He has not taken any step to curb casualization of labor, which puts many women out of work, forces them to accept jobs that are more exploitative and makes them more vulnerable to trafficking. He has not taken a clear position on Hacienda Luisita, an issue that would define his land and agrarian reform agenda. He stopped frenzied demolition of squatters in North Triangle but does not act yet on the demand of urban poor on the three-year moratorium of demolition nor lay down his urban land reform and comprehensive housing program for the poor. His realignment of budget with clear bias on health and education is encouraging, but his comprehensive plan regarding these matters must take off from the most practical and realizable. While he claims to have improved the fiscal situation of the country and has remarkably stabilized the peso’s standing, mothers find it ever more difficult to stretch the peso to meet the family’s daily needs. KAISA KA reminds administration that rhetoric will not work for long. |
Archives
November 2013
Categories
All
|