Youth for Nationalism and Democracy Orientation
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Times New Roman","serif";} Oryentasyon ng Youth for Nationalism and Democracy
Introduksyon
Ang Oryentasyon ng YND ay naglalayon bigyan ang mga nagnanais sumapi / interesadong mga kabataan ng isang panimulang pag-alam sa nilalayon ng YND bilang isang samahang may pampulitikang balangkas.
Ang ibang mga paksa tulad ng Kasaysayan at mas masaklaw na pag-intindi sa Krisis sa Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas (Education Crisis) ay mas komprehensibong tinatalakay sa iba pang kurso/ aralin. Hindi nilalayon ng dokumentong ito na palitan ang mga kursong nabanggit.
Ang dokumentong ito ay nasa proseso pa ng pag-aayos,kung kaya’t bukas sa mga komentaryo at suhesytiyon ng mga kasama. Í
Daloy ng Oryentasyon:
I. Teoretikal na Balangkas
II. Kasaysayan ng Sistema ng Lipunang Inilitaw ng Mahabang Kolonyalismo
III. Ang Kasalukuyang Sistema ng Lipunan
IV. Ang Alternatiba: Pambansang Demokrasya
V. Ang Sektor ng Kabataan
a. Kalagayan ng Kabataan
b. Krisis sa Sistema ng Edukasyon
c. Alternatiba sa Kasalukuyang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas
VI. Ang Youth for Nationalism and Democracy
a. Katangian, Tungkulin at Paninindigan
b. Istruktura ng Organisasyon
____________________
I. Teoretikal na Balangkas
Bago mag-isip ang tao ng ibang bagay, kailangan niya munang mabuhay o mag-isip ng ikabubuhay sa araw-araw. Ito ang saligang kondisyong nagbubunsod sa aktibidad ng tao at ng lipunan.
Natatamo ng tao ang kanyang kabuhayan sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao upang makitungo sa kalikasan o ang proseso ng paggawa. Sa ganito, makalilikha ng relasyong panlipunan (social relations) a pagitan ng mga tao. Ang pag-uugnayan ng mga tao sa produksyong panlipunan ang tinatawag na RELASYON SA PRODUKSYON. Tinatawag namang PWERSA SA PRODUKSYON ang mga tao, kagamitan at teknolohiyang kasangkotsa produksyon. Ang kabuuan nito ang tinatawag na istrukturang pang-ekonomiya ng lipunan o sistema ng produksyon o MODA NG PRODUKSYON.
Ayon kay Karl Marx[1] : ang pananakop ay maaring tumungo sa alinman sa tatlong resulta. Maaring ipilit (impose) ng bansang mananakop ang sarili nitong moda ng produksyon sa mga mamamayang sinakop nito; o maaring hindi nito pakialaman ang lumang moda ng produksyon at maging kuntento na lamang sa tributo (tribute) o magaganap ang interaksyon na magbubunga ng isang bagong sistema bilang sintesis o langkapan.
Neokolonyal-malapyudalismo ang kaayusang panlipunang umiiral sa Pilipinas sa kasalukuyan. Ito ang sistemang inilitaw ng mahabang kasaysayan ng kolonyalismo tulak ng paglitaw, pagyabong hanggang pagrurok ng kapitalismo sa pinakamataas na antas nito, sa imperyalismo. Ito ang sistema ng interaksyon ng imperyalismong US sa dinatnang kaayusang malapyudal sa Pilipinas noong 1899. Ang sistemang patuloy na binibigyang buhay ng lugar ng Pilipinas bilang neokolonya sa pandaigdigang pag-iral ng imperyalismong US.

Bago pa man dumating ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan noong 1521, may matatagpuan nang hiwa-hiwalay na komunidad na may iba’t- ibang antas ng pag-unlad. Tatlong tipo ang matatagpuan: ang mga sultanatong naitatag sa bahagi ng Mindanao at Sulu, ang mga barangay sa maraming baybay- ilogipunang Inilitaw ng Mahabang Kolonyalismo sarili nitong moda ng produksyon sa mga mamamayang ng sosyalism NG PRODUKSYON. ________ at baybay-dagat sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan, at ang mga komunidad na nasa iba’t-ibang antas ng pag-unlad bilang tribu sa <inland>, kabundukan at ibang baybay dagat.
Pyudal ang sistemang umiral sa mga sultanato. May isang antas na ng kaunlaran sa pagsasaka at paghahayupan,may produksyong artisano na makikita sa mga gamit sa bahay, katawan,pamproduksyon at pandigma. May pakikipagkalakalan sa Tsina at sa iba pang katabing bayan.
Ang mga barangay na siyang nakararami ay may kaayusang mala-komunal at mala-alipin. Pinamumunuan ang mga lipunang ito ng datu at ng kanyang pamilya.
Sa kabilang banda may mga komunidad na nasisimula ng mamirmihan magtanim at maghayupan habang ang iba nasa antas pang pangangalap at pangangaso at di pa namimirmihan.(nomadic)
Nasakop ng kolonyang Espanyol ang mga barangay sa pamamagitan ng dahas at kumbensyon sa katolisismo. Sinailalim sa isang sentralisadong kapangyarihang. Kolonyal na pinangasiwaan ng isang gobernador heneral na Espanyol na tuwirang nananagot sa hari ng Espanya. Ito ay tinatawag na
economienda-pabuyang lupain sa mga tapat na opisyal, prayle at kleriko. Ang mga principalia o mga lokal na katutubong lider na nakipag kutsabahan sa mga Espanyol ang katulong sa pangangasiwa sa mga gobernador.
Sa unang 200 taon nanatiling posteng daanan ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Mexico at huthutan ng yaman. Sapilitang nangolekta ng tributo, bahagi din ito ng sapilitang paggawa (polo) para sa gawaing publiko (obras pias) tulad ng paggawa ng simbahan, kalsada,bahay pamahalaan atbp.
Sa huling 100 taon ng pananakop ng Espanya ay nabasag ang klasikong pyudal na kaayusang umiral sa loob ng nakaraang 200 taon. Ang produksyong ng produktong panluwas-asukal (tubo) ,kopra at langis (niyog) fiber (abaca at maguey ) at tabako ay sinimulan noong huling bahagi ng 18 siglo. Pormal nang binuksan ang Porto of Maynila sa pandaigdigang kalakalan, makaraan ay isinunod ng 6 na iba pang porto ng bayan.
Niligalisa ang pribadong pag-aari. Pinalitan ng Asyenda ang Ecomienda at sinistematika ang buong operasyon kolonyal na gobyerno mula pambansa hanggang antas baranggay. At pinalitan ng sedula ang tributo sa hari.
Sumigla ang panloob at panlabas na kalakalan , kasabay nito ang paglitaw ng burgesya at maliit na seksyong proletaryo. Tuwirang idinugtong ng pangyayaring ito ang sistemang panlipunang namuo sa kapuluan at ang mga mamamayan dito, sa kapitalistang kaayusang nangibabaw na sa Europa at Hilagang Amerika.
Nahubog ang pambansang kamalayan sa panawagan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Sa pagpasok ng kolonyalistang Amerikano pinakitunguhan ang ganitong kalagayan sa pagbibigay ng pagkakataong matuto ng sariling pamumuno sa ilalim ng Amerika ang mga Pilipino pagkatopos ng madugong digmaang Pilipino-Amerikano.
Hinango ang Pamahalaang komonwelt habang lalong pinaghigpit ang kontrol ng US sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga tratado na nagpanatili ng di pantay na kalakalan.Pagkatapos ng WWII binigay ang kalayaan / ang Pilipinas at ginawa na itong neo-kolonya. Nanatili ang kontrol ng US sa ekonomiya at militar habang sinigurado nitong mahusay na tagapagpatupad ng kanyang mga programang sinumang uupo eastado poder.
III. Ang Kasalukuyang Sistemang Panlipunan sa Pilipinas
Ang patuloy na dominasyon at kontrol ng imperyalismong US sa Pilipinas ang nagtatakda sa kasalakuyang katangian ng lipunang Pilipino. Sa kabila ng sinasabing “pagbibigay ng kalayaan’’ at pagtatayo ng isang lokal na estadong hawak at pinangangasiwaan ng mga lokal nagsasamantalang uri sa Pilipinas, nanatili ang kontrol ng US sa ekonomya, pulitika at kultura ng bansa.
Ang imperyalismong US ang siyang nakapangibabaw na pwersa sa lokal na ekonomya at siyang nakapagtatakda ng direksyon ng paggalaw nito. Nagagawa ito bunga ng pagkakatali ng pambansang ekonomya sa isang di pantay na kalakalan sa ekonomya ng US at ng makapangyarihang pusisyon ng imperyalistang kapital ng US sa inog ng ekonomya at maging ng gubyerno sa Pilipinas..
Una, ang produksyon ng Pilipinas ay dinisenyo para sa pangangailangan ng industriya ng US, at pangunahing umaasa dito. Sapul sa umpisa, ang produksyon sa Pilipinas, agrikultural man o industriyal, ay ginagawang dependent sa capital goods industry ng US para sa makinarya, kemikal, panggatong, at iba pang batayang pangangailangan ng industriya. Sa kabilang banda ang pinatampok na produksyong ay yaong mahigpit na kakawing ng pangangailangan ng industriyang US para sa mga hilaw na materyal tulad ng mineral, kahoy, asukal, langis ng niyog, raber, gayundin yaong ektensyon ng sistema dito ng sub-contracting tulad ng mga pagawaan ng mga kasuotan at kagamitang pang-katawan at mga laruan. Mula dekada 70, tampok na rin ang pagdami ng mga empresa para sa semi-processed goods na muling ineexport tulad ng semi-conductors. Sa madaling sabi, ito’y produksyong magbibigay bentahe sa Amerikanong monopolyo kapital ng murang lakas-paggawa.
Pangalawa, ang pilipinas ay ginagawang pamilihan ng mga produktong pang konsumo ng industriyang US-sasakyan (Ford, Chrysler, General Motors), gamit sa bahay (G.E), gamit sa upisina (IBM, Apple, Microsoft, Intel), gamit sa katawan (Procter&Gamble, Levi’s, Nike, Pampers, sanitary napkins etc.) at pagkain (chocolate, trigo, fries, etc.).
Pangatlo, nalikha sa Pilipinas ang isang pinansyal na pamilihan na malalim na nakasandig sa Amerikanong finance-capitat ito ang nagdodomina sa lokal na ekonomya sa pamamagitan ng pagpapautang, pagbabangk, insurance, stocks at securities market.
Pang-apat, ang operasyon mismo ng lokal na reaksyuaryong gubyerno ay mahigpit na sinusuhayan ng Amerikanong sa pinansya sa pamamagitan ng pautang at iba’t ibang anyo ng “development aid”. Sa pamamagitan nito, nagagaw ng imperyalismong US na magdikta ng mga patakarang pang-ekonomiya at pampulitika.
Maliban sa papel ng Amerikanong kapital sa pinansyasa pagtatakda ng mga patakaran sa ekonomya, nagagawa ng imperyalistang estadong US na tuwirang makialam sa lokal na pulitika. Ang US ang nagsasanay, nag-aarmas at nagsusustini sa mga pangangailangan ng reaksyunaryong sandatahang lakas, at di bumibitiw na tagapayo nito, ng pinakahalagang haligi ng reaksyunaryong estado. Gayundin, sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kasunduan, pasok ang mga tagapayong US sa operasyon ng iba’t ibang ahensya ng gubyerno. Tagapayong nagbibigay-“pabuya” kapag sinusunod; humahaplit ng sinturon kapag sinusuway.
Nagagawa ng mga dambuhalang industriy ng mga imperyalist na tiyakin ang mga patakarang pabor sa kanilang interes sa pamamagitan ng tuwirang panunuhol. Ang pag-iral ng mga lobby groups-tobacco,mining, oil, banking, information technology, etc.-at kanilang malakas na impluwensy sa pagtatakda ng mga patakaran at programa ng lokal na gubyerno ay isang realidad sa reaksyunaryong pulitika sa bansa.
Panghuli, ang mga multilateral na institusyon at organization-IMF, WB, WTO, APEC, ASEAN- na nilikha at kontrolado ng mga imperyalistang kapangyarihan ay naging epektibong instrumento upang bigyang direksyon ang mga patakarang panloob ng bansa.
Ang dominanteng papel ng imperyalismong US sa relasyon sa Pilipinas sa sadyang pinagsilbi sa imperyalistang interes. Walang humpay na eksstraksyon ng superganansya ng imperyalistang amo sa kanyang kolonya ang pamalagiang katangian ng naturang relasyon. Malayong di-hamak ang tantos ng pagtubo ng Amerikanong kapital sa Pilipinas kung ihambing sa kinikita nito sa sariling bayan. Noong 1965, sa datos ng Central Bank, $4 ang inilabas ng mga multinasyunal na korporasyong Amerikano sa bawat $1 na kanilang ipinasok. Noong 1991, $2.97 ang inilabas ng mga dayuhang korporasyong nag-oopereyt sa Pilipinas sa bawat $1 na ipinasok. Ito’y sa panahong ang tantos ng pagtubo ng kapital sa kapitalistang daigdig ay bumaba na sa 12% o $0.12 sa bawat $1!
Ngunit lampas dito, ang neokolonya ay nagagamit ding reserbang pwersa para sa operasyon ng imperyalismong US sa gawing ito ng daigdig. Sa mahabang npanahon, ang mga base-militar sa US sa Pilipinas ay nagsilbing lunsaran ngkanyang digma sa iba’t ibang panig ng Asya at ang mga sundalong Pilipino ay reserbang pwersang magagamit sa pakikidigma. Kahit makaraang maipatanggal ang mga base militar, ang parehong interes ay natutugunan sa pamamagitan ng kasalukuyang Visiting Force Agreemant na ngayo’y nais paunlarin sa Military Support and Logistical Agreement (MLSA). Ang Pilipinas, buhat noong 1900 ay baseng tutungan at abanteng poste (advance post) ng pangangalaga sa imperyalistang US na interes sa Asya at Pasipiko.
Ang dominansya ng imperyalismong US ang siyang pangunahing dahilan kung bakitnanatiling atrasado, underdeveloped at dependent ang kaayusang panlipunan sa Pilipinas. Binansot ng imperyalistang diktasyon at elektraksyon ng superganansya ang pag-unlad ng pang-ekonomya, pampulitika at pangkulturang buhay sa Pilipinas at pinanatili itong pangunahi’y nakapirmi sa pre-kapitalistang antas. Di nito pinahintulutan ang akumulasyon ng yaman ng lokal na ekonomya at ang kinakailang pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa ng mga relasyon sa produksyon. Pinasaklaw at pinanatili nito ang panginoong lupa (landlordism) alinsunod sa interes para sa mga agrikultural na hilaw na materyal. Ang bansot na kalagang ito sa kabilang banda ang nagpapalawig sa mga pyudal at malapyudal na relasyong dagdag na pinapasan ng mamamayang Pilipino.
Malapudyal at neokolonyal ang kaayusang panlipunan na inilitaw ng pananakop ng imperyalismong US sa Pilipinas. Ang patuloy na dominasyon nito sa buhay panlipunan ang nagpapalawig at patuloy na nagpapainog sa malapudyal na kaayusan. Anumang pagsisikap ng mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan ay walang patutunguhan hangga’t ang imperyalismong US ay sagkang nakaharang sa landas ng kanyang pagsulong.
IV. Alternatiba: Pambansang Demokrasya
Niyayakap at sinusulong natin ang pambansang demokrasya bilang pampulitikang linya at wastong landas tungo sa tagumpay ng masang anakpawis npara sa pagkakamit ng kanilang mga kapakanam at adhikain.
Ang pambansang demokratikong pakikibaka ng mamamayan ay pakikibaka ng inaapi at pinagsasamantalang mamamayang Pilipino.
- Ito’y pakikibaka laban sa imperyalismo. Ito’y paggigiit ng pambansang kasarinlan at hpatrimonya.
- Ito ay demokratikong pakikibaka para wakasan ang lahat ng pyudal at malapudyal na relasyong umiiral.
- Ito’y pakikibaka para lumaya sa pyudal, burges at kolonyal na kultura.
Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay kinakailangang yugto sa pakikibaka ng mamamayanpara sa katarungang panlipunan. Ito ang lumulutas sa saligang kontradiksyon ng kasalukuyang neo-kolonyal at malapudyal na lipunang Pilipino. Sa balangkas nito ay maisusulong ng bagong silang na bansang Pilipinas ang mga demokratikong karapatan at ganap na panlipunang paglaya ng masang anakpawis at ng buong sambayanan.
Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay isinusulong ng lahat ng demokratikong uri ng sektorsa lipunang Pilipino.
Ang mga manggagawa at mala-manggagawa sa kanayunan* at kalunsuran (* ang maralitang magbubukid, mangingisda, manggagawang bukid/palaisdaan ay itinuturing na mala-maggagawa sa kanayunan) ang pinakamarmi sa lipunan – sila ay 83% ng populasyon. Sila ang pinakaapi at pinaka-pinagsasamantalahang uri, sila ang pinakamalawak at pinakamaasahang baseng tagapagtaguyod ng pambansa- demokratikong pagbabago.
Itinakda ng kasaysayan ang pinakaabanteng uri ng manggagawa- ang uring may pinakaabanteng karanasan sa produksyon, armado ng pinakasiyentipikong ideya, at may pinakamalayong pananaw sa pagbabago ng lipunan. Ang uring ito ang karaptdapat na mamuno sa pakikibaka ng mamamayan.
Kaisa ng manggagawa bilang pangunahin at batayang motibong pwersang magsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka ang mala-manggagawa kapwa sa kanayunan at kalunsaran. Ito ang tinatawag na batayang alyansa.
Ang panggitnang magsasaka/mangingisda, peti-burges* sa kanayunan at kalunsuran
(* ang inteligentsia – mga propesyunal at intelektual kabilang ang mga kabataang-estudyante at karamihan ng maliliit na negosyante ang bumubuo sa peti-burgesya; sila ang pinaka-progresibong saray ng burgesya) ang malapit na kaalyado ng manggagawa at mala-manggagawa. Sila’y mayroon ding sariling sektoral na interes na hindi kagyat na tunggali sa interes ng malawak na masang anak-pawis. Sila’y maasahang kakampi ng batayang alyansa sa pambansang-demokratikong kilusan sapagkat sila’y inaapi rin sa kasalukuyang sistema.
V. Ang Sektor ng Kabataan
Sa lipunang Pilipino, isang malaking pwersa ng kabataang binubuo ng may edad na 15 hanggang 35 taon. Mahigit na 22 milyon o mahigit sa 37% ng populasyon ng Pilipinas ang kabilang sa sector ng kabataan kung saan ang bulto nito ay matatagpuan sa kanayunan. Binubuo ang kabataan ng kabataang-estudyante na nakonsentra sa mga paaralan, mga kabataang nag-aaral pero nagtatravaho, mga kabataan sa komunidad, mga kabataang mgabubukid at mga kabataang manggagawa.
Taglay ng mga kabataan ang kasiglahan ng pag-iisip at pangangatawan. Nasa kasibulan sa pag-iisip at pangangatawan lalo na ang mga kabataang nasa edad 15 hanggang 25 dahil mayorya sa kanila ay wala pang pamilyang nagtatali sa kanila sa gawaing produksiyon. Ang kasiglahan sa pag-iisip ay nagbibigay sa kabataan ng kakayahang tumingin hindi lamang sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan kundi maging ang kagyat na hinaharap.
Bukas ang kanilang pag-iisip sa mga bagong ideya subalit bukas din ito sa mga ideya ng inperyalismo at local na naghaharing uri dulot ng pagkakalantad nito sa mga bulok na kulturangn inihahain ng lipunan. Dahil naman sa pisikal na kasiglahan, may kakayahan silang gumanap ng mabibigat na gawain sa mga prosesong panlipunan. Ang kabataan ang mga bagong pwersa sa lipunan na nkararanas ng iba’y-ibang epekto ng kasalukuyang sistemang panlipunan kung kaya’t sila ay interesado at handing makibaka upang was akin ang naghaharing sistema at likhain ang isang bagong sistemang panlipunan.
Ang sektor ng kabataan ay tumatagos sa lahat ng uri sa lipunan. Kalakhan nito ay kabilang sa uring anakpawis – mula sa uring magbubukid, manggagawa at mga mala-manggagawa. Ang ilang porsyento ay nagmumula sa uring peti-burges at pambansang burgesya. Samantala ang maliliit na bahagi ng kanilang bahagdan ay mula sa uring mapagsamantala, sa uring panginoong maylupa (PML) at burgesya kumprador (BK). Ang makauring katangian ng kabataan ay itinatakda ng makauring balangkas ng lipunang Pilipino. Sa isang pagtingin, masasabing may tatak ng kanilang kinabibilangang uri ang kanilang pag-iisip, kaugalian at pagpapahalaga.
Walang maganda at maaliwalas na kinabukasan na maihahadog ang neo-kolonyal at mala-pyudal na kaayusang panlipunan sa kabataang Pilipino, na sa ilalim ng ganitong balangkas ay nakakaranas ng pagsasamantala ng imperyalismo. Sila ay naggagaling sa mga pamilyang matinding pinagsasamantalahan at inaapi. Mula sa pagkasanggol, ibayong kahirapan, kasalatan at kawalan ng serbisyo ang kanilang dinaranas. Dahil sa kahirapan, sa halip na makapag-aral, ang mayorya sa kanila ay natutulak upang maghanap ng trabaho sa napakamurang gulang. Sa ganitong paraan, pinalalaki ng estado ang reserbang hukbo ng paggawa dahil maraming kabataan ang hindi makapag-aral, kulang sa kasanayan at higit na walang depensa sa pang-aapi. Bagamat may maliit na posiyentong nakakapag-aral at nakakatapos sa kursong pinag-aralan, hindi pa rin ito ang garantiya ng kanilang maayang kinabukasan. Ang ilan sa kanila ay karagdagang reserbang lakas-paggawa taun-taon dahil ang reaksyunaryong estado ay walang mga industriyang itinatayo para sa kanila.
May mga seksiyon ng kabataan na bunga na katayuang panlipunan ng kanilang pamilya ay kagyat ng kinakailangang lumahok sa produksyon. Mahahati ang seksiyong ito sa mga kabataang manggagawa at kabataang magbubukid. Ang mga kabataang manggagawa ay napapailalim sa isang masahol na sistema sa produksyon katulad ng buong uring manggagawa. Dinaranas nila ang di-pantay na pasahod bunga ng iskema ng apprenticeship, kaswalisasyon, pagiging trainee at kontraktwalisasyon. Sila ang unang na le-lay off, biktima ng sistemnag rotation at pinapatawan ng pinakamabibigat na trabaho. Ang mga kabataang magsasaka naman, tulad din ng mga maralita at mababang panggitnang magsasaka at mga manggagawang bukid ay dumaranas ng ibayong pagsasamantala at pang-aapi. Kadalasan ang kanilang lakas-paggawa ay hindi nababayaran at nagiging bahagi ng lakas-paggawa ng buong pamilya. Sila rin ay babibiktima ng paninilbihan ng libre sa mga panginoong maylupa kaugnay sa mga luho at kapritso nito. Dahil kagyat silang kalahok sa produksiyon, tuwiran ang kanilang karanasan sa pagsasamantala at kagyat silang nakaanib sa uring mangagawa at magbubukid sa pagsusulong ng naturang mga uri sa kanilang mga lehitimong makauring interes.
Ang seksyon ng kabataan na di pa tuwirang kalahok sa produksyon ay nabibilang sa sektor ng kabataang-estudyante na nagmumula sa panggitnang pwersa at nakakonsentra sa mga paaralan. Hindi man tuwirang kalahok sa produksyon, nabibiktima sila sa pagsasamantala ng imperyalismong US at lokal na naghaharing uri dulot ng iskemang kinapapalooban ng sistema ng edukasyon bilang komersyalisado, kolonyal, pyudal at mapanupil.
Dahil sa kawalan ng oportunidad sa pag-aaral man o pagtatrabaho, marami sa mga kabataan ang itinutulak ng dekadente at bulok na kultura at ng kahirapan upang pumasok sa prostitusyon, bisyo, at iba pang anti-sosyal na gawain. Walang panghihinayang ang reaksyunaryong sistema sa nalulustay na lakas, talino, at pagiging mapanlikha ng kabataan.
Ang mahigpit na tungkulin sa gayon ng kabataan ay ang baguhin ang sistema na lumilikha ng ganitong kaayusang panlipunan. Dahil sa bilang ng kabataan at sa mga angkin nating kakayahan at kasanayan, magiging napakahalaga ng ating papel para sa kilusang pagbabago. Kailangang mabuo ang pinakamalawak na pagkakaisa nating mga kabataan at isanib sa nagkakaisang lakas ng iba pang inaapi at pinagsasamantalahang uri para isulong ang pakikibaka para sa pambansang pagbabago at pagpapalaya hanggang sa tagumpay.

Ang YND ay tumatayo bilang isang pampulitikang sentro ng kilusang kabataang. Bilang isang pampulitikang sentro kinakatawan nito ang pinakaabanteng pagsusuri, mithiin at pakikibaka ng ng kabataan. Nagsisilbi itong pang-organ8isasyong balangkas ng pagkakaisa at pagkilos ng kabataan upang magampanan nito ang tungkulin ng kilusang kabataan sa pagsusulong ng pambansang demokrasya.
Ang YND ay isa ring pambansa-demokratikong organisasyong masa kung saan bukas ito sa lahat ng kabataang nais kumilos at lumahok sa pambansa demokratokong pakikibaka. Tumatanggap ito ng mga kasapi ng walang pagtatangi basta’t handa niyang tupdin ang prinsipyo, programa, at konstitusyon ng organisasyon. Ang pang-masang katangian ng YND ay matitiyak sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga balangay ng organisasyon sa loob ng mga paaralan at kumunidad. Ang mga balangay na ito ang siya ring magtitiyak na ang YND ay malalim na nakaugat sa masa ng kabataan at estudyante.
Ang YND ay isa ring aktibistang organisasyon na iniluluwal ng partikular na katangian ng kabataan na likas na matalas sa pulitika, makilos, masigla, at madaling magbukas sa ideya. Ang organisasyong ang magsisilbing daluyan upang magsanay ng mga kabataang mahigpit at pursigidong magtataguyod ng simulain at programa para sa pambansang demokrasya.
Puspusang sinasalamin ng YND ang sentral na tungkulin ng kilusang kabataan na pukawin, organisahin at pakilusin ang kabataan para sa pambansang demokratikong pakikibaka; gampanan ang particular na tungkuling ipalaganap ang programa ng pambansang demokrasya sa pamamagitan ng pambansa demokratikong kilusang propaganda; aktibong lumahok sa pakikibaka ng batayang masa at manguna sa pakikibaka upang makamit ang mga kahilingan para sa sa kagalingan, karapatan at demokratikong interes ng kabataan.
Mga Pangkalahatang Prinsipyo, Layunin, at Tungkulin ng YND
Ang mga pangkalahatang prinsipyo, layunin at tungkulin ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) ay nasa balangkas at alinsunod sa pangkalahatang pampulitikang linya, prinsipyo at oryentasyong pambansa demokratiko.
Itinataguyod ng YND kasama ng iba pang demokratikong pwersa ang sumusunod na programa sa pakikibaka:
Alinsunod at sa pagtataguyod sa mga prinsipyo at layuning ito, gagampanan ng YND ang mga tungkuling:
Ang pambansa-demokratikong kilusang propaganda ay isang makapangyarihang kilusan na nagpapalaganap sa linya at programa ng pambansang demokrasya, nagpapaunawa sa mga pagsusuri, paninindigan, at panawagan ng pambansa-demokratikong kilusan kaugnay ng iba’t-ibang usaping panlipunan at nagtatambol sa pakikibakang isinusulong ng mga pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan.
Habang ang gawaing propaganda ay tungkulin ng buong kilusan, natatangi at mahalaga ang papel ng kabataang-estudyante sa pagbabandila ng pambansa-demokratikong linya. Sapagkat sila ang pinakamalaking konsentrasyon ng intelehensiya at siyang pinakabukas sa mga progresibong kaisipan, ang mga kabataang estudyante ang siyang nasa pinakamahusay na posisyon at may kakayahang ipalaganap ang pambansa-demokratikong linya at kultura sa pinakamasaklaw na paraan. Ang kabataang-estudyante ang may pinakamataas na pandama sa pulitika. May kakayahan silang magbuo ng opinyong publikong pabor para sa pambansa-demokratikong adhikain ng mamamayan.
Ang pambansang-demokratikong kilusang propaganda ay isinusulong ng buong kilusan kung saan ang kabataang-estudyante ay nasa unahan ng pagbabandila nito. Pinatatagos ang propaganda sa iba pang mga uri at sector upang mahamig ang mga ito sa pambansa-demokratikong kilusan at epektibong malantad ang kabulukan ng umiiral na sistema.
Sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong kilusang propaganda, ang mga progresibong kabataan ay nagmamantini ng mahigpit na ugnay sa batayang masa. Mula sa karanasan ng masa sa produksyon at pagsasamantala, nabibigyan ang kilusang propaganda ng kongkretong nilalaman at porma.
Integral na bahagi ng pambansa-demokratikong kilusang propaganda ang pagtataguyod at paglaban sa pambansa demokratikong kultura. Puspusang itinataguyod ng kilusang kabataan ang pambansa-demokratikong kultura na kumakatawan sa mga adhikain ng mamamayang Pilipino. Puspusan nitong pinupuna at inaatake ang kulturang kolonyal, burges at pyudal na nagluluwal ng dekadenteng kultura.
Inaatake ng kilusang kabataan ang kolonyal at pyudal na sistemang pang-edukasyon habang kasabayang itinataguyod ang makabayan, siyentipiko at pang-masang edukasyon. Inilalantad nito ang oryentasyon at nilalaman ng edukasyon na nasasalamin sa mga libro, kurikulum, kurso at iba pa na nagtataguyod ng elitismo at komersyalisasyon ng edukasyon. Ipinaglalaban nito ang siyentipiko, makasaysayan at makabayang pagsusuri sa lipunan at lumilikha ng mga kontra-institusyong mapagdadaluyan ng edukasyon at kulturang pambansa-demokratiko. Ang kilusang kabataan ay gagampan ng mahalagang tungkulin sa pagtataas ng antas ng literacy ng mamamayan, mangalaga sa kanilang kalusugan at kalinisan, at pagpawi sa kamangmangan at superstisyon.
Ang kolonyal, burgis at pyudal na kultura ay naghahasik ng eskapismo, obskurantismo, indibidwalismo, superstisyon at iba pa. Sinusuhayan ito ng pyudal, imperyalista at pasistang ideolohiya na ipinalalaganap ng reaksiyon. Ang paglaganap ng kaisipan at values na pilit na ipinunla sa mahabang panahon sa isip ng mga mamamayan ay mahalagang sangklap sa pagpapanatili ng kasalukuyang kaayusan. Ginawa nitong katanggap-tanggap sa mamamayan ang mapang-api at mapagsamantalang sistema ng lipunan.
Lilinangin ng pambansa-demokratikong kultura ang paglikha ng makabayan, siyentipiko at pangmasang sining at panitikan. Nagpapaunlad ito ng isang pambansang wika kasabay ng pagkilala sa pag-iral ng mga lokal na lenggwahe. Igigiit nito ang tunay na kasaysayan ng lipunang Pilipino at ang papel ng mamamayan sa paglikha ng kasaysayan. Patatampukin nito ang mahusay na moral values na may malinaw na commitment sa paglilingkod sa sambayanan at disiplina kaugnay nito.
Ang kulturang umiiral sa ilalim ng naghaharing sistema ay reaksyunaryo at retrogresibo, pinipigilan nito ang pag-unlad. Ang paglalantad at paglaban sa kulturang ito ay siya na ring proseso sa paglikha at pagtataguyod ng bago, maunlad, siyentipiko, at pambansa demokratikong kultura.
Ang mga pakikibaka para sa kagalingan at karapatan ng mga kabataang-estudyante ay umiinog sa paglalantad sa kolonyal, represibo, at komersyalisadong edukasyon. Itataguyod nito ang panawagan para sa isang makabansa, pangmasa at siyentipikong edukasyon. Mananawagan ito sa isang sistema ng edukasyon na naglilinaw sa kakayahan, kaalaman at talino ng kabataang Pilipino para sa makabayang industriyalisasyon at pagpapaunlad ng produktibidad sa kanayunan. Tinututulan nito ang edukasyon na naghahasik ng indibidwalismo, kaisipang kolonyal at burges. Militante nitong lalabanan ang militarisasyon at represyon sa kampus, panunupil sa demokratikong karapatan ng mag-aaral na nag-oorganisa at nagpapahayag.
Mahalagang tungkulin ang pamunuan ang pagkilos at pakikibaka ng kabataang-estudyante sa pagsusulong ng kanilang sektoral na kahilingan at interes. Ang pakikibaka para rito ay nakapagkakamit ng mga solidong tagumpay kaugnay ng mga suliranin ng estudyante sa mataas na matrikula, kakulangan sa mga pasilidad, at serbisyo hanggang sa karapatan sa malayang konseho ng mag-aaral at pahayagan at kalayaang mag-organisa at mamahayag. Ang mga pagkilos na ito ay naglalantad sa kabulukan ng umiiral na sistema ng edukasyon at sa buong lipunan, kasabay na nagbibigay ng kongkretong karanasan sa pakikibaka sa kanilang hanay. Sa pamamagitan ng pakikibakang ito malawakang napupukaw, naoorganisa at napapakilos ang malaking bilang ng estudyante.
Ang gawaing masa sa hanay ng kabataang-estudyante ay nagsisimula sa pagsusuri sa obhetibong kalagayan ng sektor. Mula sa kanilang obhetibong kalagayan puspusang pinupukaw, inoorganisa at pinapakilos sila. Ngunit hindi ito dito nagtatapos gayong ang mgha pakikibaka para sa kagalingan at karapatan ng mga estudyante ay mainam na tungtungan sa malawakang pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kanila, mulat na dinadala ang mga pakikibakang ito sa pag-uugnay sa isyu ng mamamayan lalo na sa pakikibaka sa batayang uri. Tinutuntungan ang inaabot na sigla ng kilusang kabataan para sa kanilang kagalingan at interes tungo sa pambansa-demokratikong kilusang propaganda at pampulitikang pakikibaka ng buong mamamayan laban sa imperyalismo at mala-pyudalismo at paghahapag sa pambansa-demokratikong alternatibo sa mga suliranin ng bayan.
Ang kilusang kabataan ay nagmamantini ng mahigpit na ugnay sa kilusang manggagawa at sa mga pagkilos at pakikibaka ng iba’t-iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektor sa lipunan. Partikular sa kalunsuran, mayor ang papel ng kilusang kabataan kasama ang uring manggagawa sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong kilusang masa sa kalunsuran.
Mahigpit na katuwang ng kilusang manggagawa ang kilusang kabataan sa pagsusulong ng kilusang welga. Ang mga progresibong aktibista ng kilusang kabataan ay pwersang tumatagos sa mga pabrika at impresa sa kalunsuran upang ipaabot ditto ang pambansa-demokratikong linya at programa. Katuwang ang mga kabataan sa pag-oorganisa ng mga manggagawa at sa pagsusulong ng mga pakikibakang pang-unyon at pampulitika. Tagapag-tanggol ang kilusang kabataang-estudyante sa mga isyu at pakikibaka ng uring manggagawa.
Aktwal na lumalahok ang mga kabataan sa picketline ng mga nagwewelgang manggagawa. Ginagawa nitong paaralang bayan ang mga picketline para sa pag-aaral sa lipunan. Kapit-bisig na ipinagtatanggol ang picket sa pangdarahas ng estado at mga kapitalista. Inaari nilang sariling pakikibaka ang mga pakikibaka ng uring manggagawa para sa mataas na sahod at iba pang benipisyo at nagsisikap na iugnay ang mga partikular na usaping ito ng mga manggagawa sa mga saligang suliranin ng buong lipunan. Sa prosesong ito, lalo namang tumatalas ang pandama at pang-unawa ng mga kabataang-estudyante sa pagiging makatarungan ng pambansa-demokratikong alternatiba at sa pagsisikap na baguhin ang kaayusang panlipunan. Mahigpit ring kaugnay ng mga kabataang-estudyante ang isinusulong ng kilusang guro. Kumon na suliraning kinakaharap ng mga estudyante at guro ang komersyalisasyon ng edukasyon at paggamit dito para sa pagpapalaganap ng burges at pyudal na kultura. Ang siglang kilusang kabataan ay nagbibigay inspirasyon at tulak para sa mga guro sa paglahok nila sa mga usaping pangkabuhayan, pang-edukasyon at panlipunan.
Ang mga gawain sa simula ay konsentrado sa pagpukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa masang kabataan at estudyante. Habang kinakamit ang lawak at lalim ng gawain sa hanay ng sector, inaani nito ang isang antas ng respektabilidad na kahit sa iba pang sector sa loob ng paaralan ay nagagawa nitong mapukaw, maorganisa at mapakilos. Sa pag-abot sa ganitong antas, nagagawa ng kilusan ng kabataang-estudyante at kilusang guro na gawing paaralan para sa pag-unawa sa lipunan at pambansang demokrasya ang paaralan kahit na sa limitadong paraan.
Ang mga kabataang estudyante na matatagpuan sa mga komunidad ng maralitang taga-lungsod ay malakas ding pwersa para sa pagsusulong ng mga pagkilos at pakikibaka ng mga maralitang taga-lungsod para sa kanilang pangkabuhayan at pampulitikang mithiin. Kagyat na inaabot ng kanilang gawaing pagpukaw at pag-oorganisa ang mga kabataang hindi nag-aaral.
Sa kanayunan, isasalin ng mga kabataan sa mga organisasyong magbubukid ang sigla at dinamismo ng mga pormasyong kabataan. Ilulunsad sa mga organisasyong naturan ang sustenidong pagsasanay at pag-aaral. Wastomg gagamitin ang mga kaalamang teoretikal na natututunan sa kapakinabangan ng masang magbubukid. Anupa’t maglalangkap ang sigla, talas, at kapangahasan ng kabataan sa tatag, determinasyon, at karanasan ng magsasakla sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka.
Angn pambansang-demokratikong alyansa ay mahalagang sandata para maipagtagumpay ang pambansang demokrasya. Binubuo nito ang pagkakaisa at paglaban ng lahat ng demokratiko at makabayang pwersa at uri sa lipunan upang kamtin ang pambansang demokrasya laban sa imperyalismo at mala-pyudalismo. Ang pambansa demokratikong alyansa ay pinamumunuan ng uring manggagawa. Ang mga saligang alyansa ay uring manggagawa at magsasaka ang pundasyon nito. Mahalaga nag paglahok dito ng peti-burgesya bilang aktibong pwersa at ang pagkabig sa pambansang burgesya bilang isa pang positibong pwersa. Sinasamantala nito ang hidwaan at pagkakahati-hati ng mga reaksyunaryong kumakatawan sa reaksyunaryong estado.
Malaki ang maitutulong ng kilusang kabataan sa pagbubuo ng pambansa-demokratikong pagkakaisa ng sambayanang Pilipino at sa pagkabig sa iba pang pwersa at uri na nagtataguyod sa pambansang demokrasya. Malaking posiyento ng mga estudyante ang galing sa uring peti-burges. May natural na silang ugnay sa iba pang seksiyon ng peti-burgesya tulad ng mga propesyunal,, mga empleyado sa gobyerno at iba pang malalaking korporasyon. Dahil sa kanilang posisyon sa lipunan, kataggap-tanggap sa hanay ng peti-burgesya ang kanilang mga pananaw sa at adhikain. Kaya nilang impluwensiyahan ang opinyong publiko sa mga usapin/isyung may kinalaman sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan at makabig ang pagkatig dito ng peti-burgesya. Maaring sumanib at isustini ng kilusang kabataan ang iba pang pormasyon ng peti-burges na mapagdadaluyan ng pambansa-demokratikong pagsusuri at paninindigan, dalhin at iugnay ang ang kanilang mga pagkilos sa pagkilos ng mamamayan at magpaunlad ng pambansa-demokratikong elemento sa hanay nila.
Mahalagang tungkulin ng kilusang kabataang-estudyante ang pagbabandila sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng Pilipinas sa ibang bansa. Pangunahing target ng pambansa-demokratikong pakikibaka nga imperyalismong US at kung gayo’y bahagi ito ng pandaigdigang kilusang anti-imperyalista. Matibay ang kapasyahan nito na durugin ang paghahari ng imperyalismong US sa bayan at maging sa ambag ito sa pandaigdigang pananagumpay ng kilusang anti-imperyalista.
Tungkulin ng kilusang kabataang-estudyante na umugnay at magbuo ng mapagkaibigang relasyon sa kilusan ng mga kabataan sa ibayong dagat. Iaambag ng kilusang kabataan ang mahabang karanasan at aral na kinamit na sa mga kilusan at organisasyon ng kabataan sa labas ng bansa at pukawin silang magbigay ng suporta sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng Pilipino. Bubuuin ng kilusang kabataang-estudyante ang mahigpit na pandaigdigang pankakaisa ng mga kabataang-estudyante sa diwa ng internasyunalistang tungkulin ng paggapi sa imperyalismo.
Makatarungan ang pambansa-demokratikong pakikibaka sa Pilipinas at karapat-dapat lamang umani ng suporta mula sa mga mamamayan at bansa sa iba’t-ibang panig ng daigdig na nais lumaya sa kontrol ng imperyalismo. Makakalap natin ang pinakamalawak na suportang pulitikal, moral at pinansiyal sa ibayong pagpapalakas ng pambansa-demokratikong pakikibaka sa Pilipinas. Ngayon ay atin ang karangalan ng isang pakikibaka na mahabang panahong nagtuloy-tuloy at consistent na anti-imperyalista.##
Youth for Nationalism and Democracy (YND)
SALIGANG BATAS
Preyambulo
Kami, ang kabataang naniniwala sa pangangailangan ng isang militanteng organisasyon na magbubuklod sa ating malawak na hanay, magtatanggol at magtataguyod sa ating demokratikong karapatan at kagalingan ng mga kabataan at sambayanan, mahigpit na kakawing sa pakikibaka ng batayang masa at magsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka upang makamtan ang isang lipunang may tunay na kalayaan at demokrasya ay ipinatutupad at ipagtatanggol ang konstitusyong ito.
Artikulo I Pangalan
Ang organisasyong ito ay makikilala sa pangalang Youth for Nationalism and Democracy o YND.
Artikulo II Deklarasyon ng Paninindigan
Ang YND ay naninindigan na :
a.) Sa gitna ng walang humpay na krisis na nararanasan ng sambayanan, ang kabataan, taglay ang kasiglahan ng isip at pangangatawan ay may mahalagang papel upang baguhin ang umiiral na sistemang panlipunan;
b.) Ang edukasyon ay karapatan ng bawat mamamayam;
c.) Tanging ang pagsusulong ng isang makabayan, siyentipiko at makamasang sistema ng edukasyon ang siyang makababasag sa umiiral na kolonyal, mapanupil at komersiyalisadong sistema ng edukasyon;
d.) Ang pagmumulat sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na gawaing edukasyon, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng kabataan at iba pang sector ay mapapabilis ang proseso ng pagbabago; at
e.) Tanging ang batayang alyansa ng uring manggagawa at magbubukid, kasama ng kabataan at iba pang inaaping uri at sektor ng lipunan na nagsusulong ng pambansang demokrasya makakamit ang isang lipunang tunay na malaya at may demokrasya.
Artikulo III Katangian at Tungkulin
Seksiyon 1. Katangian
Ang YND ay:
a.) Nagsisilbing pampulitikang sentro ng kilusang kabataan na siyang kumakatawan sa pinaka-abanteng pagsusuri, mithiin at pakikibaka ng kabataan;
b.) Isang pambansang demokratikong organisasyong masa na bukas sa lahat ng kabataang nais kumilos at lumahok sa pambansa-demokratikong pakikibaka at handing tupdin ang prinsipyo, programa at konstitusyon ng organisasyon,;
c.) Isang aktibistang organisasyon taglay ang partikular na katangian ng kabataan na likas na matalas, makilos, masigla at madaling magbukas sa mga bagong ideya na magsisilbing daluyan upang magsanay ng mga kabataang mahigpit at pursigidong magtaguyod ng simulain at programa para sa pambansang demokrasya.
Seksiyon 2. Tungkulin
Tungkulin ng YND na:
a.) Isulong ang pambansa-demokratikong kilusang propaganda;
b.) Isulong ang pakikibaka para sa mga sectoral na kahilingan at interes ng mga kabataang-estudyante;
c.) Umugnay at sumuporta sa kilusaang manggagawa at kilusang magsasaka at sa mga pagkilos at pakikibaka ng iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektopr sa lipunan;
d.) Tumulong sa pagbubuo ng pambansa-demokratikong alyansa at sa pagkabig sa iba pang positibong pwersa; at
e.) Iugnay ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka ng mga mamamayan, bansa at nasyunalidad ng daigdig laban sa imperyalismo at likumin ang pinakamalawak na pandaigdigang suporta para ditto.
Artikulo IV Kasapian
Sinumang kabataan na handing tupdin ang mga paninindigan, programa at Saligang Batas ng organisasyon ay maaaring maging kasapi ng YND.
Artikulo V Karapatan at Tungkulin ng mga Kasapi
Seksiyon 1. Mga Karapatan
a.) Maghain ng mga mungkahi, pahayag, karaingan o kahilingan sa mga komite o pinuno ng YND;
b.) Magkaroon ng mga sipi ng lahat ng mga ulat, kalatas, patalastas at pahayag na inilalabas ng YND;
c.) Karapatang maghalal at maihalal;
d.) Malaman ang katayuang pampinansiya ng YND at iba pang mapagpapasyahan ng pamunuan.
Seksiyon 2. Mga Tungkulin
a.) Tupdin at palaganapin ang programa ng pagkilos ng YND;
b.) Pangalagaan ang interes at kagalingan ng YND;
c.) Paunlarin, patatagin, at palawakin ang pagkakaisa at lakas ng YND;
d.) Aktibong lumahok sa mga pulong ng mga kinauukulang komite;
e.) Regular na magbayad ng butaw;
f.) Tuparin ang lahat ng alituntunin, patakaran, at desisyon ng pinagtibay ng pamunuan ng YND;
g.) Aktibo at tuloy-tuloy na pagpukaw, pagpapakilos at pag-oorganisa sa mga gawaing pulitikal.
Seksiyon 3. Pondo ng Organisasyon
a.) Ang pondo ng organisasyon ay magmumula sa butaw ng mga kasapi na itatakda ng Pangkalahatang Asembliya at mga proyekto at pampulitikang pampinansiya;
b.) Ang lahat ng mga makokolektang pondo ay gagamitin para sa pagpapalakad ng organisasyon at ilulunsad na kampanya.
Artikulo VI
Istruktura sa Antas ng Paaralan
Seksiyon 1. Ang Balangay ay magsisilbing batayang yunit ng YND. Ang opisyal na balangay na bubuuin ng hindi kukulangin sa 15 aktibistang kasapi.
Seksiyon 2. Pangkalahatang Asembliya
a.) Ito ang pinakamataas sa loob ng balangay ng YND;
b.) Ito ay binubuo ng lahat ng pinuno at kasapi ng balangay ng YND sa paaralang kinikilusan.
Seksiyon 3. Tungkulin at Kapangyarihan ng Pangkalahatang Asembliya
a.) Ihalal ang komiteng Tagapagpaganap ng balangay alinsunod sa mga nasasaad sa Saligang Batas;
b.) Maaring tumawag ng pulong ang Komiteng Tagapagpaganap ng balangay ng espesyal na pulong kung ituturing nitong kinakailangang idaos o kung hihingin ng mayorya ng kasapiang indibidwal;
c.) Ang patalastas at pagdaraos ng Pangkalahatang Asembliya ng balangay ay ipapaabot sa bawat kasapi ng YND;
d.) Sa Pangkalahatang Asembliya, sapat na ang simpleng mayorya ng kabuuang bilang ng boto ng mga kasapi para makabuo ng korum.
Seksiyon 4. Komiteng Tagapagpaganap
Ang Komiteng Tagapagpaganap ay binubuo ng mga sumusunod:
a.) Tagapangulo
b.) Pangalawang Taga-pangulo
c.) Pangkalahatang Kalihim
d.) Ingat-Yaman
Seksiyon 5. Paraan ng Paghahalal
Ihahalal ang kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng balangay sa paraang simpleng mayorya lamang ng lahat ng kasapiang balangay ng YND sa paaralan.
Seksiyon 6. Tungkulin ng Komiteng Tagapagpaganap
Ang Komiteng Tagapagpaganap ng balangay ang tumatayong pamunuan ng YND sa pagitan ng pangkalahatang Asembliya. Ang mga tungkulin at kapangyarihan nito ay ang mga sumusunod:
a.) Ipatupad ang mga desisyon, patakaran o plano ng pagkilos na pinagtibay ng Pangkalahatang Asembliya;
b.) Gumawa ng mga kagyat na desisyon at lumutas sa mga suliranin ayon sa Saligang Batas at Programa ng Pagkilos ng YND;
c.) Ihalal o magtalaga ng mga Tagapangulo ng mga palagiang komite at espesyal o panandaliang komite, maliban sa Komiteng Pinansiya;
d.) Patnugutan at patnubayan ang mga gawain ng lahat ng palagiang komite at espesyal o panandaliang komite;
e.) Magbigay ng regular na ispesyal na ulat sa mga pangkalahatang pulong hinggil sa kanilang mga gawain;
f.) Tuparin ang iba pang mga tungkilin na isinasaad sa Saligang Batas.
Seksiyon 7. Mga Pulong
Ang regular na pulong ng komiteng Tagapagpaganap ay idaraos isang beses isang lingo sa petsa at lugar na itinakda bago matapos ang bawat pulong. Sa kagyat na mga kaso, maaaring magpatawag ng ispesyal na pulong o pulong pangkalahatan ang Komiteng Tagapagpaganap.
Seksiyon 8. Tagal ng Panunungkulan
Ang lahat ng mga pinuno na bumubuo ng Komiteng Tagapagpaganap ay manunungkulan ng isang taon o hanggang sa maihalal ang bagong Komiteng Tagapagpaganap na kanilang kapalit.
Artikulo VII
Mga Katungkulan at Karapatan ng mga Kasapi ng Komiteng Tagapagpaganap
Seksiyon 1. Tagapangulo
Ang mga tungkulin at karapatan ng Tagapangulo ay ang mga sumusunod:
a.) Pangunahing kumakatawan sa balangay ng YND sa mga ugnayang panlabas o gawaing pang-masa;
b.) Mamuno sa lahat ng pulong ng Pangkalahatang Asembliya, Komiteng Tagapagpaganap at pulong pangkalahatang;
c.) Gumabay at mangalaga sa pagpapatupad ng Saligang Batas, programa, polisiya at kampanya ng organisasyon.
Seksiyon 2. Pangalawang Tagapangulo
Ang mga tungkulin ng Pangalawang Tagapangulo ay ang mga sumusunod:
a.) Mamuno sa mga pulong ng Pangkalahatang Asembliya, Komiteng Tagapagpaganap at pulong pangkalahatan kung wala ang taga-pangulo;
b.) Tatayong tagapangulo kapag bakante ang una hanggang sa mahalal ng Pangkalahatang Asembliya ang kapalit;
c.) Tumupad ng iba pang gawaing iniatas sa kanya ng taga-Pangulo.
Seksiyon 3. Pangkalahatang Kalihim
Ang mga tungkulin ng Pangkalahatang Kalihim ay ang mga sumusunod:
a.) Pangasiwaan ang pang araw-araw na gawain ng YND;
b.) Ikoordina ang mga gawain ng lahat ng palagiang komite at ispesyal o panandaliang komite;
c.) Regular na mag-ulat sa Komiteng Tagapagpaganap tungkol sa mga gawain at humiling ng tagubilin ng komite tungkol sa mga kagyat na suliraning kinakaharap;
d.) Mangalaga sa lahat ng opisyal na record o dokumento ng YND
e.) Tumupad sa iba pang tungkuling iniatas sa kanya ng tagapangulo.
Seksiyon 4. Ingat Yaman
Ang mga tungkulin ng Ingat Yaman ay ang mga sumusunod:
a.) Mangasiwa sa pangangalaga ng lahat ng pondo at kagamitan ng YND at sa paggamit nito ayon sa badyet na pinagtibay ng Komiteng Tagapagpaganap;
b.) Ipatupad ang mga karapatan at alituntunin kaugnay sa pinansiya;
c.) Regular na mag-ulat sa Komiteng Tagapagpaganap tungkol sa katayuang pampinansiya ng YND at sa lahat ng transaksiyong pampinansiya;
d.) Pamunuan ang Komite sa pinansiya ng YND; at
e.) Tumupad sa iba pang tungkulin o gawain na iniatas sa kanya ng Tagapangulo.
Artikulo VIII
Mga Palagiang Komite
Seksiyon 1. Mga Palagiang Komite
Ang Komiteng Tagapagpaganap ay magkakaroon ng tatlong (3) Palagiang Komite upang pamunuan ang iba’t-ibang larangan ng gawain ng YND, and mga ito ay ang mga sumusunod:
a.) Komite sa Kampanya at Alyansa
b.) Komite sa Edukasyon at Propaganda
c.) Komite sa Pinansiya
Seksiyon 2. Komposisyon
Ang bawat Palagiang Komite ay bubuuin ng isang opisyal at may tatlo hanggang limang kagawad. Ang opisyal ng bawat Komite, maliban sa Komite ng Pinansiya, ay hihirangin ng Komiteng Tagapagpaganap, samantalang ang mga kagawad ay hihirangin ng opisyal ng komite.
Seksiyon 3. Komite sa Alyansa at Kampanya
Ang mga tungkulin ng komite ay ang mga sumusunod:
a.) Mangasiwa sa mga lalahukang kampanya na ipinapanawagan ng sector ng kabataan at iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sector;
b.) Mangasiwa sa maayos na koordinasyon sa mga nauugnayang organisasyon, alyansa at pederasyon ng YND;
c.) Regular na umugnay sa militanteng organisasyon mula sa iba pang sector ng mamamayan para sa koordinadong pagkilos;
d.) Tumupad sa iba pang gawain hinggil sa kampanya at alyansa na iniatas ng Komiteng Tagapagpaganap.
Seksiyon 4. Komite sa Edukasyon at Propaganda
Ang mga tungkulin ng Komijte ay ang mga sumusunod:
a.) Pangunahinng magpapatupad ng mga gawaing edukasyon at propaganda ng YND sa mga kasapi nito;
b.) Manguna sa pagbibigay at pagpapalaganap ng edukasyon at propaganda sa mga isyung napapanahon na kinakaharap ng mamamayan at ng sector ng kabataan sa partikular;
c.) Makipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon bilang bahagi ng pagpapalalim at pagpapalawak ng kaalaman; at
d.) Tumupad sa iba pang gawaing iniatas ng Komiteng Tagapagpaganap.
Seksiyon 5. Komite sa Pinansiya
Ang mga tungkulin ng Komite ay ang mga sumusunod:
a.) Pangasiwaan ang buong pondo ng organisasyon;
b.) Gumawa ng mga patakaran at programang pampinansiya na aaprubahan ng Komiteng Tagapagpaganap; at
c.) Tumupad sa iba pang tungkulin na iniatas ng Komiteng Tagapagpaganap.
[1] Karl Marx (1818-1883) ay isang Aleman, kasama ng kanyang kaibigang si Friedrich Engels (1820-1895) ay nagdebelop ng isang pampulitikang pilosopiya na tinatawag na Scientific Socialism. Ayon sa kanya, ang kapitalistang sistema ay isa lamang yugto sa kabuuang kasaysayan ng sangkatauhan. Kaiba ito sa burges na pagtingin na ang kapitalistang sistema na ang syang puno’t dulo na ng pag-unlad ng kasaysayan. Likas ang krisis sa kapitalistang sistema dahil tulad ng iba pang sistemang pang-ekonomiya, mayroon itong pag-unlad. Subalit mayroon ding pagbagsak. Sa sinapupunan ng pagka-agnas nito (Imperyalismo bilang huling yugto ng kapitalismo), sususlpot ang bagong sistemang panlipunan na iluluwal ng tunggalian ng mga uri.

- Lansagin ang neo-kolonyal at mala-pyudal na kaayusang panlipunan sa pamamagaitan ng paglaban sa imperyalismo.
- Buwagin ang monopolyo sa lupa. Bawiin ang lupang kinamkam ng mga asendero at libreng ipamahagi ito sa mga magbubukid;
- Bawiin mula sa kontrol ng dayuhan at isabansa ang mga pangunahing industriya at kagamitan sa produksyon at tiyakin ang makatarungang pakinabang ng mga manggagawa;
- Pawiin ang lahat ng sagwil ng kasarinlan. Wakasan ang di-pantay na kasunduan at dikta ng mga dayuhang kapangyarihan;
- Itaguyod ang demokratikong karapatan ng mamamayan. Ipawalang-bisa ang mga batas at kautusang yumuyurak sa karapatang demokratiko at kalayaag-sibil ng mamamayan;
- Palayain ang kababaihan sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala at igalang ang pantay na karapatan ng kababaihan.;
- Kilalanin ang karapatan ng mga katutubong Pilipino na paunlarin ang kanilang ekonomiya, kaayusang pulitikal at kultura;
- Iwaksi ang dekadenteng imperyalistang kultura at atrasadong pyudal na kaisipan at itaguyod ang kulturang bayan, siyentipiko at makabayang pananaw;
- Itaguyod nag ugnayang panlabas na nakabatay sa karapatan ng mga bansa at lahi. Itaguyod ang paggagalangan at tutulan ang anumang anyo ng panghihimasok sa yaman at teritoryong saklaw ng isa’t-isa;
- Itindig ang pamahalaang kakatawan sa interes at kapangyarihan ng mamamayan. Buuin sa ubod nito ang batayang alyansa ng manggagawa, magbubukid at mga mala-manggagawa gayundin ang pakikiisa ng kabataan, propesyunal, relihiyoso, makabayang negosyante, at tapat na lider ng bayan.
Alinsunod at sa pagtataguyod sa mga prinsipyo at layuning ito, gagampanan ng YND ang mga tungkuling:
- Isulong ang pambansa demokratikong kilusang propaganda.
Ang pambansa-demokratikong kilusang propaganda ay isang makapangyarihang kilusan na nagpapalaganap sa linya at programa ng pambansang demokrasya, nagpapaunawa sa mga pagsusuri, paninindigan, at panawagan ng pambansa-demokratikong kilusan kaugnay ng iba’t-ibang usaping panlipunan at nagtatambol sa pakikibakang isinusulong ng mga pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan.
Habang ang gawaing propaganda ay tungkulin ng buong kilusan, natatangi at mahalaga ang papel ng kabataang-estudyante sa pagbabandila ng pambansa-demokratikong linya. Sapagkat sila ang pinakamalaking konsentrasyon ng intelehensiya at siyang pinakabukas sa mga progresibong kaisipan, ang mga kabataang estudyante ang siyang nasa pinakamahusay na posisyon at may kakayahang ipalaganap ang pambansa-demokratikong linya at kultura sa pinakamasaklaw na paraan. Ang kabataang-estudyante ang may pinakamataas na pandama sa pulitika. May kakayahan silang magbuo ng opinyong publikong pabor para sa pambansa-demokratikong adhikain ng mamamayan.
Ang pambansang-demokratikong kilusang propaganda ay isinusulong ng buong kilusan kung saan ang kabataang-estudyante ay nasa unahan ng pagbabandila nito. Pinatatagos ang propaganda sa iba pang mga uri at sector upang mahamig ang mga ito sa pambansa-demokratikong kilusan at epektibong malantad ang kabulukan ng umiiral na sistema.
Sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong kilusang propaganda, ang mga progresibong kabataan ay nagmamantini ng mahigpit na ugnay sa batayang masa. Mula sa karanasan ng masa sa produksyon at pagsasamantala, nabibigyan ang kilusang propaganda ng kongkretong nilalaman at porma.
Integral na bahagi ng pambansa-demokratikong kilusang propaganda ang pagtataguyod at paglaban sa pambansa demokratikong kultura. Puspusang itinataguyod ng kilusang kabataan ang pambansa-demokratikong kultura na kumakatawan sa mga adhikain ng mamamayang Pilipino. Puspusan nitong pinupuna at inaatake ang kulturang kolonyal, burges at pyudal na nagluluwal ng dekadenteng kultura.
Inaatake ng kilusang kabataan ang kolonyal at pyudal na sistemang pang-edukasyon habang kasabayang itinataguyod ang makabayan, siyentipiko at pang-masang edukasyon. Inilalantad nito ang oryentasyon at nilalaman ng edukasyon na nasasalamin sa mga libro, kurikulum, kurso at iba pa na nagtataguyod ng elitismo at komersyalisasyon ng edukasyon. Ipinaglalaban nito ang siyentipiko, makasaysayan at makabayang pagsusuri sa lipunan at lumilikha ng mga kontra-institusyong mapagdadaluyan ng edukasyon at kulturang pambansa-demokratiko. Ang kilusang kabataan ay gagampan ng mahalagang tungkulin sa pagtataas ng antas ng literacy ng mamamayan, mangalaga sa kanilang kalusugan at kalinisan, at pagpawi sa kamangmangan at superstisyon.
Ang kolonyal, burgis at pyudal na kultura ay naghahasik ng eskapismo, obskurantismo, indibidwalismo, superstisyon at iba pa. Sinusuhayan ito ng pyudal, imperyalista at pasistang ideolohiya na ipinalalaganap ng reaksiyon. Ang paglaganap ng kaisipan at values na pilit na ipinunla sa mahabang panahon sa isip ng mga mamamayan ay mahalagang sangklap sa pagpapanatili ng kasalukuyang kaayusan. Ginawa nitong katanggap-tanggap sa mamamayan ang mapang-api at mapagsamantalang sistema ng lipunan.
Lilinangin ng pambansa-demokratikong kultura ang paglikha ng makabayan, siyentipiko at pangmasang sining at panitikan. Nagpapaunlad ito ng isang pambansang wika kasabay ng pagkilala sa pag-iral ng mga lokal na lenggwahe. Igigiit nito ang tunay na kasaysayan ng lipunang Pilipino at ang papel ng mamamayan sa paglikha ng kasaysayan. Patatampukin nito ang mahusay na moral values na may malinaw na commitment sa paglilingkod sa sambayanan at disiplina kaugnay nito.
Ang kulturang umiiral sa ilalim ng naghaharing sistema ay reaksyunaryo at retrogresibo, pinipigilan nito ang pag-unlad. Ang paglalantad at paglaban sa kulturang ito ay siya na ring proseso sa paglikha at pagtataguyod ng bago, maunlad, siyentipiko, at pambansa demokratikong kultura.
- Isulong ang mga pakikibaka para sa mga sektoral na kahilinagn at interes ng mga kabataang-estudyante.
Ang mga pakikibaka para sa kagalingan at karapatan ng mga kabataang-estudyante ay umiinog sa paglalantad sa kolonyal, represibo, at komersyalisadong edukasyon. Itataguyod nito ang panawagan para sa isang makabansa, pangmasa at siyentipikong edukasyon. Mananawagan ito sa isang sistema ng edukasyon na naglilinaw sa kakayahan, kaalaman at talino ng kabataang Pilipino para sa makabayang industriyalisasyon at pagpapaunlad ng produktibidad sa kanayunan. Tinututulan nito ang edukasyon na naghahasik ng indibidwalismo, kaisipang kolonyal at burges. Militante nitong lalabanan ang militarisasyon at represyon sa kampus, panunupil sa demokratikong karapatan ng mag-aaral na nag-oorganisa at nagpapahayag.
Mahalagang tungkulin ang pamunuan ang pagkilos at pakikibaka ng kabataang-estudyante sa pagsusulong ng kanilang sektoral na kahilingan at interes. Ang pakikibaka para rito ay nakapagkakamit ng mga solidong tagumpay kaugnay ng mga suliranin ng estudyante sa mataas na matrikula, kakulangan sa mga pasilidad, at serbisyo hanggang sa karapatan sa malayang konseho ng mag-aaral at pahayagan at kalayaang mag-organisa at mamahayag. Ang mga pagkilos na ito ay naglalantad sa kabulukan ng umiiral na sistema ng edukasyon at sa buong lipunan, kasabay na nagbibigay ng kongkretong karanasan sa pakikibaka sa kanilang hanay. Sa pamamagitan ng pakikibakang ito malawakang napupukaw, naoorganisa at napapakilos ang malaking bilang ng estudyante.
Ang gawaing masa sa hanay ng kabataang-estudyante ay nagsisimula sa pagsusuri sa obhetibong kalagayan ng sektor. Mula sa kanilang obhetibong kalagayan puspusang pinupukaw, inoorganisa at pinapakilos sila. Ngunit hindi ito dito nagtatapos gayong ang mgha pakikibaka para sa kagalingan at karapatan ng mga estudyante ay mainam na tungtungan sa malawakang pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kanila, mulat na dinadala ang mga pakikibakang ito sa pag-uugnay sa isyu ng mamamayan lalo na sa pakikibaka sa batayang uri. Tinutuntungan ang inaabot na sigla ng kilusang kabataan para sa kanilang kagalingan at interes tungo sa pambansa-demokratikong kilusang propaganda at pampulitikang pakikibaka ng buong mamamayan laban sa imperyalismo at mala-pyudalismo at paghahapag sa pambansa-demokratikong alternatibo sa mga suliranin ng bayan.
- Umugnay at sumuporta sa kilusang manggagawa at kilusang magsasaka at sa mga pagkilos at pakikibaka ng iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektor ng lipunan.
Ang kilusang kabataan ay nagmamantini ng mahigpit na ugnay sa kilusang manggagawa at sa mga pagkilos at pakikibaka ng iba’t-iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektor sa lipunan. Partikular sa kalunsuran, mayor ang papel ng kilusang kabataan kasama ang uring manggagawa sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong kilusang masa sa kalunsuran.
Mahigpit na katuwang ng kilusang manggagawa ang kilusang kabataan sa pagsusulong ng kilusang welga. Ang mga progresibong aktibista ng kilusang kabataan ay pwersang tumatagos sa mga pabrika at impresa sa kalunsuran upang ipaabot ditto ang pambansa-demokratikong linya at programa. Katuwang ang mga kabataan sa pag-oorganisa ng mga manggagawa at sa pagsusulong ng mga pakikibakang pang-unyon at pampulitika. Tagapag-tanggol ang kilusang kabataang-estudyante sa mga isyu at pakikibaka ng uring manggagawa.
Aktwal na lumalahok ang mga kabataan sa picketline ng mga nagwewelgang manggagawa. Ginagawa nitong paaralang bayan ang mga picketline para sa pag-aaral sa lipunan. Kapit-bisig na ipinagtatanggol ang picket sa pangdarahas ng estado at mga kapitalista. Inaari nilang sariling pakikibaka ang mga pakikibaka ng uring manggagawa para sa mataas na sahod at iba pang benipisyo at nagsisikap na iugnay ang mga partikular na usaping ito ng mga manggagawa sa mga saligang suliranin ng buong lipunan. Sa prosesong ito, lalo namang tumatalas ang pandama at pang-unawa ng mga kabataang-estudyante sa pagiging makatarungan ng pambansa-demokratikong alternatiba at sa pagsisikap na baguhin ang kaayusang panlipunan. Mahigpit ring kaugnay ng mga kabataang-estudyante ang isinusulong ng kilusang guro. Kumon na suliraning kinakaharap ng mga estudyante at guro ang komersyalisasyon ng edukasyon at paggamit dito para sa pagpapalaganap ng burges at pyudal na kultura. Ang siglang kilusang kabataan ay nagbibigay inspirasyon at tulak para sa mga guro sa paglahok nila sa mga usaping pangkabuhayan, pang-edukasyon at panlipunan.
Ang mga gawain sa simula ay konsentrado sa pagpukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa masang kabataan at estudyante. Habang kinakamit ang lawak at lalim ng gawain sa hanay ng sector, inaani nito ang isang antas ng respektabilidad na kahit sa iba pang sector sa loob ng paaralan ay nagagawa nitong mapukaw, maorganisa at mapakilos. Sa pag-abot sa ganitong antas, nagagawa ng kilusan ng kabataang-estudyante at kilusang guro na gawing paaralan para sa pag-unawa sa lipunan at pambansang demokrasya ang paaralan kahit na sa limitadong paraan.
Ang mga kabataang estudyante na matatagpuan sa mga komunidad ng maralitang taga-lungsod ay malakas ding pwersa para sa pagsusulong ng mga pagkilos at pakikibaka ng mga maralitang taga-lungsod para sa kanilang pangkabuhayan at pampulitikang mithiin. Kagyat na inaabot ng kanilang gawaing pagpukaw at pag-oorganisa ang mga kabataang hindi nag-aaral.
Sa kanayunan, isasalin ng mga kabataan sa mga organisasyong magbubukid ang sigla at dinamismo ng mga pormasyong kabataan. Ilulunsad sa mga organisasyong naturan ang sustenidong pagsasanay at pag-aaral. Wastomg gagamitin ang mga kaalamang teoretikal na natututunan sa kapakinabangan ng masang magbubukid. Anupa’t maglalangkap ang sigla, talas, at kapangahasan ng kabataan sa tatag, determinasyon, at karanasan ng magsasakla sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka.
- Tumulong sa pagbubuo ng pambansa-demokratikong alyansa at sa pagkabig sa iba pang positibong pwersa.
Angn pambansang-demokratikong alyansa ay mahalagang sandata para maipagtagumpay ang pambansang demokrasya. Binubuo nito ang pagkakaisa at paglaban ng lahat ng demokratiko at makabayang pwersa at uri sa lipunan upang kamtin ang pambansang demokrasya laban sa imperyalismo at mala-pyudalismo. Ang pambansa demokratikong alyansa ay pinamumunuan ng uring manggagawa. Ang mga saligang alyansa ay uring manggagawa at magsasaka ang pundasyon nito. Mahalaga nag paglahok dito ng peti-burgesya bilang aktibong pwersa at ang pagkabig sa pambansang burgesya bilang isa pang positibong pwersa. Sinasamantala nito ang hidwaan at pagkakahati-hati ng mga reaksyunaryong kumakatawan sa reaksyunaryong estado.
Malaki ang maitutulong ng kilusang kabataan sa pagbubuo ng pambansa-demokratikong pagkakaisa ng sambayanang Pilipino at sa pagkabig sa iba pang pwersa at uri na nagtataguyod sa pambansang demokrasya. Malaking posiyento ng mga estudyante ang galing sa uring peti-burges. May natural na silang ugnay sa iba pang seksiyon ng peti-burgesya tulad ng mga propesyunal,, mga empleyado sa gobyerno at iba pang malalaking korporasyon. Dahil sa kanilang posisyon sa lipunan, kataggap-tanggap sa hanay ng peti-burgesya ang kanilang mga pananaw sa at adhikain. Kaya nilang impluwensiyahan ang opinyong publiko sa mga usapin/isyung may kinalaman sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan at makabig ang pagkatig dito ng peti-burgesya. Maaring sumanib at isustini ng kilusang kabataan ang iba pang pormasyon ng peti-burges na mapagdadaluyan ng pambansa-demokratikong pagsusuri at paninindigan, dalhin at iugnay ang ang kanilang mga pagkilos sa pagkilos ng mamamayan at magpaunlad ng pambansa-demokratikong elemento sa hanay nila.
- Iugnay ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka ng mga mamamayan, bansa at nasyunalidad ng daigdig laban sa imperyalismo at likumin ang pinakamalawak na pandaigdigang suporta para dito.