Makabayan Orientation
Mga Saligang Paniniwala, Prinsipyo at Paninindigan ng Manggagawa Para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN)
Ang MAKABAYAN ay isang Sentrong Unyon at Pampulitikang Sentro sa kilusang Paggawa.
Ang Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan o MAKABAYAN ay isang sentrong unyon at pampulitikang sentro sa Kilusang Paggawa. Binubuo ito ng mga unyon, asosasyon, at iba pang samahan at indibidwal na lider/organisador manggagawa at mala-manggagawa na nakahandang itaguyod ang mga prinsipyo, paniniwala, adhikain at mga paninindigan ng MAKABAYAN.
Paniniwala at Prinsipyo -- Tunay, Progresibo at Militanteng Unyonismo.
TUNAY – Naniniwala na magkasalungat o di mapagkakasundo ang interes ng manggagawa at kapitalista. Ang mangagawa ang lumilikha ng kapital at sa kabilang banda ang sobrang halagang likha ng paggawa ay kinakamkam ng uring kapitalista. Ang pag-angkin ng kapitalista sa likhang kapital ng paggawa ang pinag-uugatan ng pagsasamantala at mga kahirapang dinaranas ng uring manggagawa at iba pang pinagsasamantalahang uri.
PROGRESIBO – Naniniwala na ang suliranin ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan ay mahigpit na kaugnay ng problema ng lipunan kaya’t itinataguyod nito ang mga pang-unyong pakikibaka at iba pang pakikibaka sa reporma sa balangkas ng pampulitikang pakikibaka. Nililinang nito ang angking lakas at kapangyarihan ng unyon, asosasyon, liga at iba pang samahan ng manggagawa. Isinasanib ang kanyang lakas sa lakas ng iba pang unyon upang higit na maging epektibo. Tinutuklas nito ang kabuluhan ng pakikipagkapit-bisig sa iba pang organisasyon ng mamamayan para sa mga komon na pakikibaka. Kinikilala ng manggagawa na tanging sa pagsama-sama makabubuo ng makapangyarihang lakas upang baguhin ang lipunang mapagsamantala at mapangapi. At sa ultimo ay kinikilala na tanging dalawang-yugtong pakikibakang pambansa-demokratiko at sosyalista ang tanging landas sa pagwawakas ng lahat ng anyo ng pagsasamantala ng tao-sa tao.
MILITANTE – Sama-sama at militanteng pagkilos ang pangunahing paraan sa pakikipaglaban para sa kanilang pangkabuhayan at pampulitikang kagalingan. Umaasa ito pangunahin sa pagbubuo ng makapangyarihang lakas ng uri at iba pang pinagsasamantalahang uri para kamtin ang tagumpay sa mga pakikibaka. Sa lahat ng pagkakataon ginagabayan ang kanilang pakikibaka ng prinsisyo ng “matalinong paggamit ng welga” na nangangahulugan ng pagpapakilos ayon sa interes at kakayahan at naayon sa ipinapahintulot ng kalagayan. Ito ang paniyak para muling makapagpanibagong lakas at mapaunlad ang tunay, progresibo at militanteng kilusang manggagawa.
Ang mga paninidigan ng MAKABAYAN:
1. Ang MAKABAYAN ay naninindigan na ang kilusang manggagawa sa
Pilipinas ay bahagi ng pandaigdigang kilusang proletaryo. Layon nito na kamtin ang resolusyon sa mga kontradiksyon ng kapitalismo, itatag ang sosyalismo sa buong daigdig at sa gayo’y palayain ang uring proletaryo sa pang-aaliping sahuran.
At dahil dito, ang MAKABAYAN ay Internasyunalista. Naniniwala ito na ang uring manggagawa ay hindi nahahangganan ng teritoryong pambansa tulad na hindi nahahangganan ang katunggali nitong uring burgesya. Na sa katunayan, ang buong daigdig ay saklot ng monopolyo kapital at tanging sa pagsusulong ng pandaigdigang kilusang sosyalita makahuhulagpos ang mamamayan ng daigdig sa lahat ng anyo ng pagsasamantala at kaapihan.
Ngunit ang proletaryado ng bawat bayan ay kinakailangang magguhit ng
landas tungo sa makauring paglaya alinsunod sa kasaysayan at sirkunstansya ng pag-iral sa bawat bayan, ang kilusang manggagawa sa Pilipinas ay may partikular na landas na dadaanan bunga ng katangiang neokolonyal at malapyudal ng kaayusang panlipunang iniiralan nito.
Tatahakin ng kilusang mangagawa sa bansa ang landas ng pambansa-demokratikong pakikibaka upang wakasan ang neokolonyal at malapyudal sistemang panlipunan. Sa prosesong ito, tinitiyak na naitataas ang makauring kamalayan ng uring manggagawa at pamumuno nito sa buong masa ng sambayanan. Ang nabuong nagsasariling lakas ng uring manggagawa sa proseso hanggang mapabagsak ang imperyalistang paghahari sa bansa ay esensyal sa pagpapabagsak ng burgesya at pagtatayo ng sosyalismo at kongkretong ambag kilusang manggagawa sa daigdig.
2. Ang MAKABAYAN ay naninindigan sa pagsusulong sa tuloy-tuloy na
dalawang yugto ng pakikibaka: Ang pakikibaka para wakasan ang dominasyon ng dayuhang monopolyo kapital sa bansa o pambansa demokratikong pakikibaka, at pakikibaka para sa Sosyalismo.
· Pambansa Demokratikong Pakikibaka – Ito ang pakikibaka para sa pagkakamit ng ganap na pambansang kasarinlan at patrimonya. Pakikibaka laban sa Neo-Kolonyal na paghahari ng Imperyalismo, pangunahin ng Imperyalistang US sa ekonomiya, pulitika at kultura ng bansa. Layunin ng pakikibakang ito na isabansa ang mga pangunahing industriya at iba pang mahahalagang sektor ng ekonomiya na maglalatag ng batayan para sa pagpapa-unlad ng nagsasariling ekonomiya ng bansa.
· Pakikibaka para sa Sosyalismo. – Pagtatayo ng makauring estado ng uring manggagawa na magiging instrumento para unti-unting wakasan ang kapitalistang pagsasamantala hanggang sa ganap na mapawi ang lahat ng anyo ng kahirapan at mga pagsasamantalang dinaranas ng mga manggagawa at mamamayan. Ito ang magpupuspos sa pakikibaka hanggang sa makamtan ang sosyalismo. Kung kaya’t ang uring manggagawa ay hindi lamang lalahok bagkus ay tungkulin nitong pamunuan ang pambansa demokratikong pakikibaka. Sa pamamagitan nito ay mailalapit at maipapaunawa natin sa iba pang uring pinagsasamantalahan ang pangangailangan at kahalagahan ng pakikibaka para sa sosyalismo.
Sa Pilipinas, Ang kilusang manggagawa ay daraan sa dalawang yugto
ng proletaryong pakikibaka. Ang unang yugto ay ang demokratikong pakikibaka ng bayan, at makaraan nito ang pakikibaka para sa sosyalismo.
Lulutasin muna ng proletaryado, kasama ang iba pang demokratikong uri,
ang usapin sa demokrasya, ilalatag ang mga kondisyon para sa pag-unlad ng uring proletaryo at saka makasusulong sa sosyalistang rebolusyon. Kakamtin sa pamamagitan ng pambansa demokratikong pakikibaka ang pambansang kasarinlan, igigiit ang pambansang pagpapasya sa sarili labman sa pang-aapi at pagsasamantalang imperyalista at ang demokrasya sa ekonomya at pulitika sa buong bayan laban sa monopolyo ng kasabwat ng imperyalismo na lokal na reaksyon.
Ang pakikibaka sa pambansang demokrasya ang lilikha ng mga pang-ekonomya, pampulitika at pangkulturang kondisyon para sa matagumpay na pagsusulong ng pakikibaka para sa sosyalismo at sosyalistang konstruksyon.
3. Naninindigan ang MAKABAYAN sa namumunong papel ng kilusang
manggagawa sa pagsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka para wakasan ang paghahari ng dayuhang monopolyo kapital sa pangunguna ng imperyalismong US sa bansa.
Ang uring manggagawa (at mala-manggagawa) ang pinaka abanteng uri sa
pandaigdigang sistemang kapital. Wala siyang pag-aaring kasangkapan sa produksyon kaya’t ang pagbebenta ng lakas paggawa ang tanging ikinabubuhay. Ang halaga ng kalakal ay nagmumula sa lakas-paggawa ngunit sa kapitalistang lipunan, ang halagang ito ay napupunta at nakokosentra sa kamay ng mga kapitalista. Dahil dito, walang pundamental na pag-unlad na makakamit ang uring manggagawa hanggang hindi nagwawakas ang paghahari ng uring kapitalista. At bilang pinaka-pinagsasasamantalahang uri, ang uring manggagawa ay hindi matatahimik na katunggali ng kapitalismo. Ang uring manggagawa ang pinaka interesado sa pagbuwag ng kasalukuyang sistemang panlipunan.
Ang uring manggagawa ang pinakamaunlad na pwersa sa produksyon dahil
sa kanilang araw-araw na paglahok sa organisadong paglikha ng produksyon. Sila rin ay disiplinado, organisado, bukas sa pulitika at pinakapuspusang naghahangad ng pagbabago. Ito ang mga batayan kung bakit ang uring manggagawa ay may namumunong papel sa pagsusulong ng dalawang-yugto ng pakikibaka.
Samantala, ang uring mangagawa sa Pilipinas ay hindi makaunlad bilang uri katulad ng mga kapatid na manggagawa sa mauunlad na bansa dahil sa neokolonyal-malapyudal na katangian ng lipunan. Pinanatiling atrasado, non-industriyal at agraryan ang ekonomiya para patuloy na maging export-oriented, import-dependent at debt driven. –Kaayusang nakalapat sa paghitit ng anumang likas at likhang yaman ng bansa palabas-tungo sa monopolyo kapital.
Gayunman, sa kabila ng obhetibong limitasyong ibinunga ng ipinataw na kaayusang panlipunan ng imperyalismo, ang manggagawang Pilipino pa rin ang pinakaabanteng uri sa sa bansa at kung gayun ay nasa katayuan para pamunuan ang masa ng sambayanan sa pakikibaka.
4. Ang MAKABAYAN ay naninidigan na ang kilusang manggagawa ay
saligang kilusang masa sa kalunsuran na sa pangunahin at kalakhan ay hayag at ligal. Ngunit sa mga panahong may rebolusyonaryong daluyong lalampas sa balangkas ng depensiba at ligal.
Nangunguna (lead) at pangunahing (main) pwersa ng kilusang masa sa kalunsuran ang kilusang manggagawa. Ang uring manggagawa kasama ang mala-manggagawa ang bumubuo o kumakatawan sa pinakamalaking sektor at uri sa mga urban at sentrong bayan, kayat magagawa nilang buuin ang makapangyarihang lakas ng inaaping uri sa kalunsuran.
Ang kilusang manggagawa ay isinusulong kakawing ng pakikibaka ng iba pang mga demokratikong uri’t sektor para sa pambansang kasarinlan at demokrasya at bumubuo ng praktikal na pakikipagkaisa sa pampulitikang kilusan ng iba pang demokratikong uri at sektor.
Kaugnay nito, mahalaga mabuo ang mahigpit na ugnayan ng kilusang manggagawa at kilusang kabataan/estudyante. Makatuwang kilusang manggagawa at ang kilusang kabataan/estudyante sa pagpapalakas ng kilusang masang urban dahil karaniwang hindi tali sa produksyon ang mga kabataan. Ang paglakas ng magkatuwang na kilusang ito ay pumupukaw at nagpapakilos sa mga panggitnang uri sa kalunsuran. At naagpapalakas sa opinyong publiko pabor sa progresibo at militanteng kilusang masa.
5. Ang MAKABAYAN ay naninindigan na tungkulin ng uring manggagawa
na buuin ang batayang alyansa ng manggagawa, mala-manggagawa at maralitang magsasaka sa kanayunan upang buuin at palakasin ang kilusang masa sa kanayunan. Ito ay magsisilbing katuwang ng kilusang masa na binubuo at pinamumunuan ng uring manggagawa sa kalunsuran. Ang mahigpit na ugnayan ng lumalakas na kilusang masa sa kalunsuran at kanayunan sa pamumuno ng uring manggagawa ang mapagpasyang magpapabagsak sa naghaharing sistema sa ilalim ng imperyalistang kapangyarihan.
6. Ang MAKABAYAN ay naninindigan na upang matiyak ang pagtahak sa
tuluy-tuloy na dalawang-yungtong pakikibaka, ang kilusang manggagawa ay dapat na may malalim at matibay na sosyalistang ubod na magtataguyod ng wasto at matibay na pamumuno sa masang manggagawa.
Kaugnay nito, ang MAKABAYAN ay magtitiyak na ang kilusang unyon ay nakapaloob sa balangkas pampulitikang kilusang proletaryo at kung gayon ay pinauunlad ang mulat-sa-uring unyonismo. Ang mga unyon/balangay ng MAKABAYAN ay pauunlarin batay sa linya ng ‘industriya’/serbisyo at teritoryal.
Titiyakin din nito ang na mahigpit na itinataguyod at ipinapalaganap ang siyentipiko at makauring pananaw ng proletaryado na tatanglaw sa pakikibaka at pamumuno ng uri.
Makaraang ipagtagumpay ang demokratikong pakikibaka, ang klilusang manggagawa ang magiging pangunahing pwersa para sa pagtataguyod ng sosyalistang pakikibaka at konstruksyon sa Pilipinas.
Unang Konggreso ng MAKABAYAN
Oktubre 21- 23, 2006