Save Luzon from a nuclear catastrophe! Help educate our people about the perils of the Bataan Nuclear Power Plant!
We encourage everyone, specially teachers and students to help disseminate the issue about the perils of reopening the Bataan Nuclear Power Plant. You can find materials here to help you discuss the issues. You can also contact us via email or this site if you want our assistance in conducting discussions in your school, barangay or network.
Susugalan mo ba ang panganib ng plantang nukleyar?
Sa Bataan Nuclear Power Plant, nakasalang ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga minamahal sa buhay at mga susunod na salinlahi.
Lalo’t desidido at determinado ang mga pro-nukes, sa pangunguna ni Cong. Mark Cojuangco at Cong. Herminia Roman na paganahin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa bisa ng panukalang HB 6300 (An Act Mandating the Immediate Rehabilitation, Commissioning and Commercial Operation of the Bataan Nuclear Power Plant or Bataan Nuclear Power Plant of 2009).
Mula simula, pinuruhan ng dalawang tusong Kongresista ang probinsya ng Bataan, partikular ang bayan ng Morong na syang tahanan ng BNPP.Umugong ang bali-balitang may inilaang P50 Milyon para basagin ang anti-nukleyar na sentimyento ng taga-Bataan. Usap-usapan ding may Vice Mayor na pinagbili ang paninindigan sa halagang limang milyong piso.
Walang pinalampas na pagkakataon si Cojuangco, (karay nuong una ang mga konggresistang napapirma nya sa kanyang panukala) na mag-ronda barangay sa Morong, pilit kinukumbinsi ang mga tao na kaunlaran at trabaho kung sila’y susugal sa BNPP. Kaalinsabay nito, sunod-sunod namang naglabas ng pamprobinsya at pambayang resolusyon na tumututol sa BNPP.
At para tapatan ang sunod-sunod na pagkilos ng mga anti-BNPP, naglunsad ng rali sa Morong nuong Mayo 15 si Cojuanco hakot naman ng mga pro-nukes na kalakhan ay galling labas ng probinsya!
Sa Kongreso, naihabol ni Cojuangco ang pagbasa ng HB 6300, ibig sabihin maari nang isalang sa plenaryo at pagbotohan ang naturang panukala sa pagbukas muli nito sa Hulyo 27.
Kasabay ng bulldozer tactics ni Cojuangco, ay ang mapanlinlang na linya ni Roman at mga kaalyado nito. Malaki din di umano sa kanila ang usapin ng kaligtasan, ngunit hangga’t wala pang ginagawang pag-aaral kaugnay nito, ay huwag din muna magsitutol ang mga tao.
Kung ating titingnan, ang linya ni Roman ay naglalayon na pahupain ang nag-aalab na damdamin kapwa ng mga Bataeno at ng mga karatig na lugar.
Tandaan nating matagal nang hinusgahan ng mga eksperto at siyentista na depektibo at di-ligtas na pagganahin ang naturang planta, dati na itong nahusgahang lagpak sa lahat ng pamantayan ng International Atomic Energy Agency (IAEA).
At dahil hindi mapa-atras sa pamamagitan ng kanilang salengkwang na mga argumento, ikinumbina na ang taktikang panunupil at pananakot, tulad ng pag-aresto kay Archie Bathan, isang lider-kabataan ng Nuclear Free Bataan Movement-Youth at pananakot sa iba pang mga lider at kasapi ng kilusang anti-nukleyar sa Bataan.
Inaasahan marahil ng mga may pakana nito na sa pagdakip kay Bathan ay madiskaril ang lumalakas na kilusang lumalaban, ang matatakot at mahahati ang lakas nito upang di na makapalag sa paspasang ratsada ni Cojuangco.
Hindi malayong mangyari sa BNPP Bill ang paspasang pagkakapasa na nakita natin sa Con-Ass (HR 1109) lalo’t kalakhan sa ating mga Kongresista’y sanggang-dikit sa administrasyon. Ang pagdebelop ng plantang nukleyar ay bahagi ng programa sa enerhiya ng Adminsitrasyong Arroyona ipinangangalandakan ng ni Angelo Reyes na kalihim ng Department of Energy. Kaya sobrang gitgit ng tambalang Mikee at Mark na maipasa ito sa Konggreso.
Samantala, kung sakaling matuloy naman ang Charter Change, tiyak na tatanggalin ang mga probisyong kumokontra sa armas nukleyar, basurang nukleyar at maging ang pagkakaroon ng plantang nukleyar. Karagdagang pasakit na naman sa abang Juan dela Cruz!
Huwag nating hayaan mahati ang ating hanay ng mga baluktot na mga paliwanag, panunupil at pananakot. Higit nating patibayin ang ating pagkakaisa upang bigyan ng mapagpasyang dagok ang hindi mamamatay-matay na isyu ng plantang nukleyar.
Hindi natin kailangang isugal ang kaligtasan at kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay. Kapag umandar ang plantang nukleyar, mga unang segundo pa lamang nito ay tila tik-tak ng time bomb. Malalagay tayong mga mamamayan sa ilalim ng pamalagiang pangamba at ligalig hindi pa man nagaganap ang aktwal na inaasahang sakuna.
Hindi ito dapat pahintulutan. At dahil wala tayong ibang maaasahan, nakasalalay ito sa kamay at kapasyahan nating mga mamamayan. Kailangan nating kumilos para tumutol at lumaban. At kailangang ngayon habang mayroon pang panahon.
Ikaw ang kailangan ng laban na ito. Lumahok Salakbayan Laban sa Plantang Nukleyar na gaganapin sa Hunyo 20bilang komemorasyon sa makasaysayang Welgang Bayan laban sa plantang nukleyar na naganap nuongHunyo 20, 1985.
BATAAN: SALAKBAYAN ROUTE JUNE 20,2009
NORTH: KITAAN
Layac: 9amSamal Plaza: 9am/ 11am MARTSA to Abucay 12nn ABUCAY /MARTSA to Bgy. Tuyo
SOUTH: KITAAN
Mariveles Plaza :6:30amMorong Plaza: 7amOrion Plaza: 8am / 10am MARTSA to Pilar12nn Pilar (ESPADA)/ MARTSA to Bgy. Tuyo
**SALUBONG Bgy. Tuyo: 1pm/ 2pm MARTSA to Balanga
**Balanga Town Plaza: 4pm PROGRAMA
*Log on nfbmnet.multiply.com for more information. Ipasa sa iba pagkabasa.
Buwan ng Hunyo: tapos na ang dalawang buwang bakasyon ng mga mag-aaral at kabataan; Araw ng Kalayaan, mga karaniwang kaganapang iniuugnay sa ika-anim na buwan ng taon.
Para sa mamamayan ng Bataan,ito ang buwan pagpapakita pagkakaisa at paninindigan laban sa Plantang Nukleyar , dalawampu’t apat na taon ng nakalilipas.
Huwebes, Hunyo 20, 1985 animo’y ghost townang buong Bataan - walang pasok sa eskwelahan at pabrika, walang tao sa bukid,walang sasakyan sa lansangan; abala ang mga maybahay sa pag-aayos ng pamatid-uhaw o kaya’y pantawid-gutom sa libo-libong nagmamartsa laban sa Bataan Nuclear Power Plant, ang tinaguriang Halimaw ng Morong. Ang mga barikada’t tangke ng mga Philippine Constabulary (PC) ay walang nagawa sa malakas na daluyong ng mamamayang nagkakaisa.
Makaraang bumagsak ang Diktaturyang Marcos, nagpasya ang pumalit na rehimeng Aquino na huwag nang pagganahin ang kontrobersyal na plantang nukleyar. Marahil nahintakutan sa naganap na pagsabog ng nuclear reactor #4 sa Chernobyl, Rusya. Tinatayang 65 milyong katao ang inabot ng kontaminasyon at mahigit sa 400,000 katao ang sapilitang inilikas sa mga lugar na nakapalibot sa Chernobyl.
Ngayon, habang ang mga komunidad natin ay nakaharap sa bantang panganib ng muling pagpapagana ng BNPP, hamon sa atin ang muling balikan ang tagumpay ng nakalipas na Welgang Bayan.
Sa totoo, naka-amba nang iratsada sa Kongresoang HB 6300 (An Act Mandating the Immediate Rehabilitation, Commissioning and Commercial Operation of the Bataan Nuclear Power Plant or Bataan Nuclear Power Plant of 2009) sa muling pagbubukas ng Kongreso sa darating na Hulyo 27.
Ang mga pabor sa BNPP sa pangunguna ni Cong. Mark Cojuangco ay inuulit lamang ang mga baluktot na dahilan upang kumbinsihin ang taumbayan na muling pagkagastusan ng milyun-milyon ang planta sa Morong. Ito raw ay magdudulot ng pag-unlad at trabaho.
Pinakita na ng mga naunang pag-aaral sa BNPP na ang pagkakapwesto nito sa gilid ng Bulkang Natib at depektibong pagkakagawa ay mitsa ng kamatayan para sa mga karatig na komunidad at probinsya.
Dahil sa ibinubuga nitong radiation, tumataas ang posibilidad ng pagkakasakit ng kanser at leukemia. Kung magka-nuclear meltdown naman, pulbos ang 50 kilometer radius, habang kontaminado na ang kabuuang isla ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas.
Sa totoo, ang pagpapagana ng isang plantang nukleyar ay napakagastos – milyong piso para maipatayo, milyong piso para mag-angkat ng panggatong na uranium, milyon din para sa pagdispatsa ng basura o nuclearwastes.
At pagkatapos ng takdang buhay ng isang planta nukleyar, panibagong gastos na naman ang pagpapasara o de-commissioning!Aba! Sa hirap ng buhay ngayon, marami pang mas magandang pagkagastusan kaysa sa mapanganib na BNPP!
Buhay at kapakanan natin ang nakataya sa usaping ito. Kung kayo’y kumbinsido at desididong labanan ang BNPP, aksyon ang kailangan!
Kausapin ang mga kapamilya at kababayan, kunin ang suporta ng mga taong-simbahan at lokal na opisyal upang mas maraming tao ang makaalam at makialam sa muling pagbubukas ng planta nukleyar. Magtayo ng samahan laban sa planta nukleyar tulad ng Nuclear Free Bataan Movement Network o NFBM-NET.
Sumama sa darating na Hunyo 20 patungo ng Balanga, Bataan at sa iba pang pagkilos ukol sa BNPP. Kailangan ka ng laban na ito.
June 15
Start of Church Bell tolling
4pm Bataan-wide
Morong Torch Parade and Noise Barrage
Morong Town Plaza
June 16
Abucay Torch Parade and Noise Barrage
Abucay Town Plaza
June 17
Fluvial Parade/Program
1pm Balanga Town Plaza
June 18
Anti-BNPP Forum in the Town of Limay with Torch Parade
Limay Town Plaza
June 19
Dinalupihan Torch Parade and Noise Barrage
DinalupihanTown Plaza
June 20
Salakbayan Laban sa Planta Nukleyar
( Commemorating 1985 Welgang Bayan)
1pm Salubong Bgy. Tuyo
4pm Program Balanga Town Plaza
*Log on nfbmnet.multiply.com para sa karagdagang impormasyon. Ipasa ito sa iba pagkatapos basahin.
Yesterday, June 3, Mark Cojuangco was able to have his sponsorship on the BNPP BIll! He was allowed to dleiver his sponsorhip but the debate on the bill was deferred when Congress reconvenes its session in July.
Cojuangco’s sponsorship speech contains the same points he has been raising for months such as: 1) that nuclear power is the most economical, 2) that it is the safest energy option for the Philippines and 3) that eating a banana has more radiation compared to a nuclear plant !
He even accused oppositors, Greenpeace and like-minded groups, for "fear mongering" !
This morning (June 4), No to BNPP members joined a media forum organized by the Foundation for Sustainable Society, Inc. (FSSI) in time for the commemoration of the World Environment Day. Speakers in the forum are FSSI Executive Director Emma Lim-Sandrino, FDC vice president Etta Rosales, Engr. Obet Versola of the Philippine Greens, and Francis dela Cruz of Greenpeace. In the forum, the groups urged the Congress to junk House Bill 6300 and reiterated the following arguments:
Faulty Assumptions
There are too many faulty assumptions in Cojuangco’s speech to count. For one, the contraction of our economy suggests decreasing energy demand. As for cost, spending billions of dollars on upgrading and refurbishing an aging nuclear plant, importing uranium fuel, and hiring an army of foreign technicians to rehabilitate, commission, and operate it are not the things our economy needs right now.
In addition, even if rehabilitated, the BNPP will not pass the current international safety fundamentals required of nuclear facilities.
Feasibility Study
Before Congress can have an informed discussion of BNPP, there must be an independent feasibility study focusing on environment, health and safety, and costs. This appears in the consolidated HB 6300, but is buried deep in the bill. It is the only section of the bill which includes a specific appropriation of P100 million. No financial costs are listed elsewhere in the bill, leading NO to BNPP to argue that congress members are being asked to vote on a high risk project with uncertain costs.
Conflict of Interest
A feasibility study on BNPP rehabilitation should take into account the findings of earlier technical audits of the BNPP, such as the $9.5 million NES study conducted in 1990, and which so far, remains unavailable to the public. To avoid conflict of interest, the feasibility study should also be undertaken by an independent body or firm having no interest in bidding for the rehabilitation project. If Korea Electric Power Corp. (Kepco) is being considered as a bidder for the rehabilitation project, it should be disqualified from conducting the feasibility study.
Losing Steam
The original version of the BNPP bill carried 185 co-authors. This is down to 125 in the current consolidated bill. In addition to the loss of 60 co-authors, there are other indications that the bill is losing steam. Department of Energy Secretary Angelo Reyes remarked to the media last month that it would take 15 years to build up the technical capacity to operate the plant, and that rehabilitating it would also need the support of all stakeholders, something it does not currently enjoy. In March, the Bataan Provincial Board passed a resolution unanimously rejecting the rehabilitation.
A. Ripe for Railroading House Bill 4631 (HB 4631) sponsored by Pangasinan Congressman Mark Cojuangco failed to pass the House Committee on Appropriations, instead of $1B to re-commission the three-decade old nuclear power plant the Committee ruled to allot Php 100 Million for a ‘ feasibility study’ (this despite past voluminous studies on the plant). Immediately, the bill was modified by members of the Committee on Energy and Appropriations (most of them are signatories to Cojuangco’s HB 4631) and was re-submitted to the Committee on Rules in substitution to four earlier bill pertaining to the BNPP (HB 1039, HB 4631, HR 250, HR 257). This came to be known as HB 6300 (An Act Mandating the Immediate Rehabilitation, Commissioning and Commercial Operation of the Bataan Nuclear Power Plant or Bataan Nuclear Power Plant of 2009). This bill is largely lifted from the Cojuangco proposal minus Section 21 (funds for the rehabilitation would be sourced from the national budget or through loans) and Section 22 (ten percent surcharge shall be levied on power consumers for the operation of the BNPP), in its place is the passage that allots Php 100 Million from the budget of the Department of energy “for the conduct and completion of a validation/feasibility study to determine the viability of rehabilitating, commissioning and commercially operating the BNPP as a nuclear facility…” Currently, it is one of Congress’ seven priority bills and being part of the ‘business of the day’, the bill can be tackled any time. And with more than a hundred endorsers to its credit, it is highly likely that the pros will pull out all the stops to pass the BNPP bill before Congress closes by June 3 (with possible two-day extension). B. White Terror TacticsIn the past, security elements like military, police and para-military forces have been deployed by government to ‘cool the fires of protest’ by sowing seeds of fear and discord, including tagging and branding legitimate organizations as terrorist or rebel fronts. Such was the context of the illegal arrest of Archie Bathan, an anti-nuke activist in the town of Samal, Bataan. The arrest was headed by 303rd PNP Mobile Group based in Camp Tolentino, Balanga Bataan. Along with two others, Bathan was subjected to ‘enhanced interrogation techniques’ (beaten and kicked). He is charged with illegal possession of firearms. Members of NFBM believe that attacks will intensify rather than lessen as the pro-BNPP are hell-bent on operating the plant. But rather than cowering in fear, such white terror tactics only embolden the resolve of the network and its supporters. C. Remembering Our Victorious Past, intensifying the Campaign Twenty-five years ago, thousands braved the ire of a dictator and marched against the Bataan Nuclear power Plant in what came to be known as Welgang Bayan Laban sa Plantang Nukleyar in 1984 and June 18-20, 1985. This was instrumental in the final push to mothball the controversial plant. It is this victory that we commemorate and hope to emulate as the campaign to dismantle the BNPP moves beyond the province of Bataan. This is the vision that the Nuclear Free Bataan Movement and its network will now work towards alongside continuing to strengthen the grass roots backbone of the campaign. Already, chapters and sectoral affiliates of the network have laid the foundation for more effective information dissemination, able to secure the support of local government, the religious (of different denominations) as well as other community-based organizations to further the call of dismantling the plant. Different forms of protest actions would be popularized and regularized by NFBM to make a mark on the public consciousness such as petition-signing, protest-centers, streamer-hanging, bell-tolling at a defined time and day among others. This June, NFBM Net will conduct a SALAKBAYAN LABAN SA PLANTANG NUKLEYAR (Caravan-March Against BNPP) which will culminate on June 20, contingents from NCR and Central Luzon are expected to participate in this event with the days leading up to it would be peppered with localized build-up activities. Following in the tradition of Welgang Bayan, there would be contingents per town merging at designated points along the route. A program would be conducted at Bgy. Tuyo in Balanga when all the contingents have finally converged. Other cities across the country are expected to echo the commemoration of Welgang Bayan with coordinated creative mass actions in their respective localities. ####
Modyul Hinggil sa Pagtalakay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP)at Mga Batayan ng Ating Pagtutol
(Unang Borador)
Layunin:
Nilalayon ng modyul na mabigyan ng gabay ang mga speaker o nagnanais na makapagtalakay sa usapin ng BNPP at makapaglinaw sa mga batayan kung bakit ito dapat na tutulan ng mamamayan.
Pangunahing layunin nito ay magkaroon ang mga tagapagtalakay ng malalimang pag-unawa sa BNPP:
-kasaysayan nito mula sa simula (pagpapatayo, pangungutang at pagbabayad-utang, kurapsyon, protesta at pagsasara);
-mga tangkang pagbuhay dito hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng pagtutol ng mamamayan;
-ang mga nananatili at kasalukuyang batayan ng pagtutol;
-at ang kahalagahan ng pagbubuo ng pinakamalawak na pagkakaisa at lakas ng mamamayan para muling mapigilan ang pagbuhay sa BNPP hanggang sa ganap na paglalansag dito.
Nililinaw ng modyul ang mga mahahalagang usaping dapat na puntuhan o bigyang-diin ng mga tagapagtalakay, laluna sa usapin ng mga batayan ng pagtutol.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, magkakaroon ng maraming may kakayahan na talakayin ang usapin para maipalaganap ang ating mga pagsusuri at tindig sa nakararaming mamamayan.
Balangkas:
I.Introduksyon
II.Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP):Isang Pagpapakilala
a.Deskripsyon
b.Baybay sa Kasaysayan – Kronolohiya mula sa pagtatayo, pagpapasara, at mga tangkang pagbuhay dito (hanggang sa kasalukuyan) at ang Kaakibat na Protesta ng Mamamayan
i.Mga Taong 1976-1986 (Ang pagtatayo ng BNPP sa ilalim ng diktadurang Marcos at ang pagpapasara dito kasabay ng pagpapatalsik sa diktadura)
ii. Mga Taong 1991-1997 (Ang tangkang pagbuhay sa BNPP sa ilalim ng mga administrasyong Aquino at Ramos);
ii.Taong 2008 – (Ang muling pagbuhay sa BNPP sa pamamagitan ng HB 4631 at ang programang nukleyar sa Ilalim ng Gubyerno ni GMA)
III.Ang Mga Batayan ng Ating Pagtutol sa BNPP
a.Mapanganib sa Buhay at Kalikasan
b.Magastos at Hindi Kapakipakinabang
c.Hindi Solusyon sa Kasalukuyang Krisis sa Enerhiya
d.Ang Nukleyar Bilang Negosyo
IV.Mga Alternatibo at Ligtas na Mapagkukunan ng Enerhiya
V.Ang Ating Pusisyon at Kampanya
BNPP: Ang Dambuhalang Panganib (Isang Pagtalakay)
I. Introduksyon
Layunin:
Makapagbigay ng maikling background kung bakit usapin ang BNPP sa kasalukuyan at bakit natin kinakailangang maglinaw ng pusisyon hinggil dito.
Laman:
Niraratsada ngayon sa Kongreso ang pagdinig sa House Bill 4631 na isinumite ni Rep. Mark Cojuangco, anak ni Eduardo ‘Danding’ Cojuangco noong Hulyo 2008. Nilalayon nitong isaayos, ikomisyon at komersyal na buksan ang Bataan Nuclear Power Plant o BNPP. Ito ang mismong BNPP na ipinatayo sa Morong, Bataan dalawampu’t limang (25) taon na ang nakalilipas.Ang mismong planta na tadtad ng mga depekto,testimonya sa kurapsyon at anomalya ng rehimeng Marcos at naipasara ng taong 1986 dahil sa napakalakas na pagtutol ng mamamayan.
Isang kaparehong panukala naman ang inihain sa Senado ni Miriam Defensor-Santiago (SB 2665) noong Oktubre 7, 2008 na kasalukuyang nakaabang sa Senate Committee on Energy.
Para mabilis na maaprubahan ang panukalang batas, paimbabaw kundiman lansakang walang katotohanan at labis na pabor sa mga nagsusulong ng bill ang mga inilunsad na ‘public hearings’ ng House Commiittee on Energy sa pamumuno ni Rep. Mikey Arroyo (anak ni GMA).Hindi pinaabutan o sadyang di pinadalo ang ilan sa mga kongresistang myembro ng komite na kilalang tutol sa BNPP sa ilang pagdinig na tatalakay sa merito ng panukalang batas.Sa dulo, tahimik at agarang aaprubahan ito ng Energy Committee.
Ang aktwal na debate sa loob ng Kongreso ay nasimulan lamang nang mapunta sa House Committee on Appropriations para aprubahan ang hinihinging $1 bilyon inisyal na pondo para sa rehabilitasyonng BNPP.Madidiskaril ang planong pabilisin ang pag-apruba nito sa Appropriations Committee dahil sa interbensyon ng mga opositor na kongresista at protesta ng simbahan, mamamayan ng Bataan, mga grupong progresibo.
Ang inaprubahan sa Appropriations Committee ay ang pumapatungkol sa pagsasagawa ng feasibility study na nagkakahalaga ng P100 milyon. Bagama’t walang nabago sa pamagat at iba pang bahagi ng panukalang batas, ang pagkakasingit ng pangangailangan ng feasibility study ay nakaantala sa layunin ng mga proponent na ratsadahin ang pagpasa ng HB 4631.
Gayunman, buo pa rin ang kumpyansa nila Mark Cojuangco at Mikee Arroyo na ideclarang tiyak na maaprubahan ang panukala dahil nakuha na ito ang lagda at pagsang-ayon ng mayorya ng kasapian ng Kongreso sa bilang na 184[1].
Liban sa mga pagsisikap sa Kongreso, ang Department of Energy, sa pangunguna ni Sec. Angelo Reyes ay tuluy-tuloy na nagtutulak ng programang nukleyar. Ang mga aktibidad ng departamento ay nakatuon para ikundisyon ang isip ng publiko na nukleyar ang kasagutan sa krisis sa enerhiya.
Sa gitna ng ganitong mga kaganapan, napakahalaga na muling unawain ang usapin sa BNPP at maglinaw ng kinakailangang tindig hinggil dito. –Ang panukalang batas na niluluto sa Kongreso ay magdudulot ng malaking kapahamakan sa mamamayan, at kung gayon ay marapat na tutulan at labanan.Kailangang maging maingay at malaganap ang pagtutol para hindi maisakatuparan ang maitim na balakin ng mga proponent. Hindi dapat maulit ang mabilis at matahimik na pagkakapasa nito sa House Committee on Energy.
II.Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP):Isang Pagpapakilala
Layunin:
Maipakilala kung ano ang BNPP – deskripsyon nito;kasaysayan mula sa pagtatayo; mga tangkang pagbuhay; mga karugtong na usapin gaya ng kurapsyon at anomalya, mga usapin hinggil sa kaligtasan (safety), gastos (cost) at utang (debt); at ang kaakibat na pakikibaka ng mamamayan ng Bataan at mamamayang Pilipino laban dito.
Babaybayin sa bahaging ito ang mga importante at krusyal na panahon sa pagtunton sa kasaysayan ng BNPP.Mahahati ito sa tatlong panahon:
ØMga Taong 1976-1986 (Ang pagtatayo ng BNPP sa ilalim ng diktadurang Marcos at ang pagpapasara dito kasabay ng pagpapatalsik sa diktadura);
ØMga Taong 1991-1997 (Ang tangkang pagbuhay sa BNPP sa ilalim ng mga administrasyong Aquino at Ramos);
ØTaong 2008 (Ang muling pagbuhay sa BNPP sa pamamagitan ng HB 4631 ni Rep. Marcos Cojuangco at ang programang nukleyar ng gubyerno ni GMA)
Laman :
a.Deskripsyon
Ang BNPP ay isang 357 ektaryang pasilidad na nasa Napot Point sa Morong, Bataan. Itinayo ito ng Westinghouse Electric Company mula 1976 hanggang 1984 sa halagang 2.3 bilyong dolyar o apat na beses na mas malaki sa inisyal na alok (ng Westinghouse) na 600 milyong dolyar.
Sa ilalim ng batas militar, inanunsyo ni Diktador na si Ferdinand Marcos noong Hulyo 1973 ang desisyon na magtayo ng plantang nukleyar.Ito diumano ang sagot sa 1973 krisis sa langis na bunga ng Middle East oil embargo.Naniniwala si Marcos na ang tunguhing nukleyar ang solusyon para matugunan ang papalaking pangangailangan ng bansa sa enerhiya at para mabawasan ang ganap na pagsalig sa imported na langis.
Sinimulan ang konstruksyon ng BNPP noong 1976, saglit itong pinahinto noong 1979 matapos ang aksidente sa Three Mile Island, isang nuclear facility sa U.S.Nakumpleto ang pagtatayo ng pasilidad noong 1984. Ang BNPP ay dinisenyo para lumikha ng621 megawatts ng elektrisidad.
b.Baybay sa Kasaysayan – Kronolohiya mula sa pagtatayo, pagpapasara, at mga tangkang pagbuhay dito (hanggang sa kasalukuyan) at ang Kaakibat na Protesta ng Mamamayan
i.Taong 1976-1986 (Ang pagtatayo ng BNPP sa ilalim ng diktadurang Marcos at ang pagpapasara dito kasabay ng pagpapatalsik sa diktadura)
Sa umpisa pa lamang ng pagpapanukala hanggang pagsisimula ng pagtatayo ng plantang nukleyar sa Bataan ay may mga lumabas nang pag-aaral ang ilang siyentista na kumukwestyon sa pagiging ligtas ng naturang planta gaya ng:
1.12January 1977 Hernandez-Santos Report, “Report on the evaluation of the geological ang seismological studies made on the Phil. Nuclear Power Plant – I Site”, na nagsabing“…the above review has revealed the high risk potential for the protection of health and safety of the public if the proposed site is accepted.High probability earth motions associated with earthquakes due to the Manila Trench-West Luzon Trough displacements and presence of probable fault in the plant location may lead to structural failures causing the release of radioactive materials from the plant or may cause extensive damage to the plant”;at,
2.25 January 1979 Sonido Memorandum na nagkumpirma sa pagkakaroon ng faultline sa site ng BNPP, “Numerous seepages along fractures in otherwise impermeable rocks, and variable depths of a “tuff” horizon in more than 30 boreholes in the plant site suggest that the area had been tectonically active…”
Ang mga usapin laban sa BNPP ay pangunahing iinog sa safety issues laluna matapos ang Three Mile Island accident noong 1979.
Noong mga panahong iyon ay hindi pa masyadong mahigpit ang International Atomic Energy Agency (IAEA) sa usapin ng geological site clearance[2] kaya’t magagawang maitayo ang plantang nukleyar sa paanan ng isang natutulog na bulkan (ang Mt. Natib).
Sing-aga rin ng 1977 ay nagpahayag mismo ang Philippine Atomic Energy Commission ng pangamba nito sa usapin ng pagtatapon ng nuclear wastes.Sinabi nito sa International Atomic Energy Agency na ”…sapagkat nakapwesto sa volcanic belt ang bansa, at wala itong istableng salt rock formation…ang pangmatagalang pagtago at pagdispatsa ng nuclear waste ay nakadepende sa pag-aayos ng isang pagbabaunan sa labas lang ng bansa”.
Sa paglipas ng panahon hanggang sa pagtatapos ng konstruksyon ng BNPP taong 1984, magiging malaking isyu din ang usapin ng kurapsyon na kaakibat ng pagtatayo ng planta.
Nakita ng mamamayan ang matinding kurapsyon at paggiit ng kapangyarihan ng diktadurang Marcos sa BNPP. Hawak ng Westinghouse Electric Co. ang pinakamiserableng rekord sa kaligtasan. Sa sampung mayor na aksidente mula 1969 hanggang 1979, apat rito ang nangyari sa mga plantang kinomisyon ng Westinghouse[3]. Sa kabila nito, isang kontrata sa pagitan ng Westinghouse Electric Company at gubyerno ng Pilipinas ang naganap, sa pangunguna ni Herminio Disini.
Si Disini ay crony at siyang ginawang dummy ni Marcos[4]. Mula sa kasunduan, nakapagbulsa si Disini ng $17 milyon na pinaniniwalaang napunta sa mga kamay ni Marcos.
Mas malala, ang ginamit na pondo sa pagpapatayo ay umabot sa gahiganteng US$2.3 bilyon mula sa unang tinayang kabuuang gastos na US$600 milyon noong 1975. Liban pa dito, umabot sa US$640 milyon ang halaga ng bayad sa interes lamang.
Dahil dito, sinalubong ng malakas na pagtutol ng mamamayan ang BNPP. Sinimbolo nito ang mga kamalian ng Rehimeng Marcos, isang testimonya sa pagkagahaman at kurapsyon ng dalawang dekadang diktadura.Sa pangunguna ng Nuclear-Free Bataan Movement (NFBM) at Nuclear-Free Philippines Coalition (NFPC), naisulong ang isang masigla, maingay at determinadong kilusang masa laban sa BNPP.
Sa kaigtingan ng kampanya laban sa BNPP, isinigaw ng buong probinsya ng Bataan kasama ang malawak na lokal at internasyunal na suporta, ang pagpapatigil nito. Ang probinsya ay naglunsad ng matatagumpay na welgang bayang inilunsad noong dekada otsenta (80s).-- Unang Welgang Bayan Laban sa Plantang Nukleyar (Disyembre 1984) at Pangalawang Welgang Bayan Laban sa Plantang Nukleyar na nagparalisa sa buong probinsya ng Bataan at nilahukan ng 55 libong-katao (Hunyo 1985).
Ang kampanya laban sa BNPP ay sumabay sa kampanya sa pagpapatalsik sa diktadura. Nang mapabagsak ang diktadurang Marcos at maganap ang panibagong aksidente sa Chernobyl[5] noong 1986, tuluyan itong ipinasara ni dating Pangulong Cory Aquino.
ii.Taong 1991-1997 (Ang Tangkang Pagbuhay sa BNPP sa ilalim ng mga Administrasyong Aquino at Ramos)
Isang maituturing na akto ng agarang pagbaligtad matapos ang desisyon ng pag-mothball sa BNPP noong 1986 ay nang ilatag ni Aquino ang policy decision hinggil sa pagkakautang. Oktubre ng taon ding iyon, sa harap ng US Congress, si Aquino sa kanyang talumpati ay nangakong ang Pilipinas aymagbabayad sa lahat ng pagkakautang na ginawa ni Marcos kasama na ang “fraudulent loans” tulad ng utang sa BNPP.
Dahil sa desisyong ito, humina ang kaso ng gubyerno ng Pilipinas (isinampa ng gubyernong Aquino nang magdesisyon itong ipasara ang planta) sa Westinghouse na nakadulog sa US.Gaya ng inaasahan, humina rin ang desisyon ng gubyerno na ganap na isara ang BNPP.Taong 1991, pumasok ang gubyernong Aquino sa isang negosasyon sa Westinghouse para sa unang pagtatangka na buhayin ang BNPP. --Nagkaroon ng settlement agreement para sa rehabilitasyon at operasyon ng planta sa Morong.
Binuo ang Presidential Committee on the Phil. Nuclear Power Plant (PC-PNPP) sa pangunguna ni dating Senador Rene Saguisag.Nilayon ng binuong komite na magsagawa ng technical audit[6]at makapaglunsad ng isang ebalwasyon sa BNPP. – Kung ito ba ay paaandarin bilang plantang nukleyar at ligtas ba itong buksan?; Kung hindi, pwede ba itong ikumbert sa isang combined cycle plant?
Nakasaad sa ebalwasyon na isinagawa ng PC-PNPP na:
Six major audit findings were highlighted by the audit team:
1.deficient fire protection systems,
2.unusually large number of field change notices or FCNs,
3.test programs that do not meet local and foreign standards of acceptability,
4.safety-related electrical components do not meet physical separation requirements,
5.anchor bolts and base plate installations do not meet regulatory standards, and
6.potential seismic interaction problems endanger the safety of the plant.
Taong 1992, ipinasa sa ilalim ng pangungulo ni Fidel V. Ramos ang R.A. 7638 o ang Department of Energy Act of 1992. Nagbunga ito ng Philippine Energy Program para sa mga taong 1998-2035, kung saan malinaw na tinanggap ang nukleyar bilang opsyong pang-enerhiya.Patunay dito ang panukala ng gubyernong Ramos na gumawa ng pag-aaral sa sampung (10) posibleng nuke site sa bansa:
1. Mapalan Point, Morong, Bataan 2. Port Irene, Aparri, Cagayan 3. San Juan, Batangas 4. Palicpican, Ternate, Cavite 5. Padre Burgos, Quezon 6. Baluangan, Cawayan, Negros Oriental 7. Talusan Point, Sipalay, Negros Occidental 9. Piacan Point, Siocon, Zamboanga del Norte 10. Cauit Point, Siocon, Zamboanga del Norte
Sa panahong ito ng tangkang pagbuhay sa BNPP, tumingkad na rin ang usapin sa pagbabayad sa mabigat-na-pasaning utang sa BNPP (onerous debt and cost issues), liban sa dati nang usapin ng kaligtasan at pinsala sa kapaligiran (health, safety and environmental hazard issues).
Natalo ang gubyerno ng Pilipinas sa kasong isinampa sa Westinghouse (1993), kaya’t kahit pa sarado ang planta, patuloy na babayaran ng mamamayang Pilipino ang halaga ng buong kasunduan.Umabot sa dalawampung porsyento (20%) ng kabuuang utang sa mahigit na tatlumpung taon ang utang mula sa BNPP. Noong 2004, isang pagtaya ang inilabas na kinailangang bayaran ng mamamayan ang mga behest loans na ginamit sa BNPP sa halagang PHP 155,000 kada araw[7]. Natapos lamang ang pagbabayad sa bulto ng pagkakautang noong Abril 2007 na nilaanan ng $50 Milyon o P2.5 Bilyon mula sa pambansang budget ng 2007.Ang ilang bahagi ng utang naman ay inilipat sa mas mababang interes na Brady Bonds ay sa 2017 at 2018 pa matatapos bayaran.
Dahil sa mga dati na at mga dagdag pang batayan, muling isinulong ang panibagong agos ng kilusang masa para mapigil ang tangkang pagbuhay sa plantang nukleyar kasabay ng panawagang isuspindi ang pagbabayad ng utang mula dito.Hinarangan din ang balak ni Ramos na magkaroon ng emergency powers (para di umano masolusyunan ang krisis sa kuryente) pero sa katunayan ay para supilin ang oposisyon sa BNPP at lakas nukleyar.
Sa ikalawang pagkakataon, nakamit ng kilusang masa laban sa BNPP ang isang antas ng tagumpay.Naisantabi ang mga balakin ng gubyernong Ramos na isulong ang programang nukleyar.
iii.Taong 2008 (Ang Muling Pagbuhay sa BNPP sa pamamagitan ng HB 4631 at ang Programang Nukleyar sa Ilalim ng Gubyerno ni GMA)
Ang HB 4631 o ‘Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) Commissioning Act 2008 ay naglalayon na muling buksan at simulan ang komersyal na operasyon ng plantang nukleyar sa Morong, Bataan sa taong 2012.
Ang nasabing bill, na agad na naipasa sa House Committee on Energy na pinamumunuan ni Rep. Mikey Arroyo (Lakas, Pampanga at anak ni Gloria Macapagal-Arroyo) ay isang consolidated bill ng apat (4) na House Bills at House Resolutions na isinumite sa Kongreso na may magkakakaparehong layunin - House Bills 4631 and 1039 ni Rep. Marcos (Mark) Cojuangco (NPC, Pangasinan) at Rep. Jose Solis (Kampi, Sorsogon) at House Resolutions 257 and 250, na isinumite ni Reps. Herminia Roman (Lakas, Bataan) at Roger Mercado (Kampi, Southern Leyte).
Dapat tutulan ang buong laman at esensya ng HB 4631 – ang muling pagbuhay sa BNPP. Gayunman, may mga partikular na nilalaman pa ang panukala na kwestyonable at maaari pa ring puntahan para lalong bigyan ng batayan ang pagbasura dito:
a.Hindi nito tinutugunan ang mahigpit na pangangailangan ng pagsasagawa ng feasibility study para sagutin ang tanong kung ligtas ba o hindi na buksan ang planta at hindi rin nito kinikilala ang mga nauna nang mga pag-aaral na nagsasabing hindi ligtas ang planta ;
b.May probisyon ito na “10 years exemption from the requirement of nationality” Ibig sabihin, maaaring ipaubaya ng buo ang rehabilitasyon at operasyon ng BNPP sa isang dayuhang kumpanya.Nilalabag nito ang probisyon sa Konstitusyon na hindi nagpapahintulot sa 100% pag-aari sa mga kalupaan, negosyo at mga istratehikong pang-ekonomikong aktibidad sa bansa ;
c.Ang Section 22 ng nasabing panukala ay hinggil sa “nuclear tax” na kailangang singilin para sa pagmamantini ng planta.Ito ay 10 sentimong surcharge na ipapataw sa mga kumukunsumo ng kuryente, sa madaling sabi, sa mamamayan.Sa aktwal, mangangahulugan ito ngdagdag na P30 sa bayarin sa kuryente ng isang average Filipino household na may regular na konsumong 300 kwh kada buwan.
Kasabay ng pagsusulong ng HB 4631, isinusulong naman ng gubyerno ang isang hiwalay na hakbang ngunit may-iisang-tunguhin, sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE) at sa pag-aari nitong NAPOCOR.Bumuo ang DoE ng mga ‘core groups’ na magsasagawa ng dalawang taong pag-aaral para sa panukalang muling buhayin ang paggamit ng enerhiyang nukleyar sa bansa.Enero pa lamang noong nakaraang taon (2008), sinabi na ni (Ret.Gen.) Angelo Reyes, kalihim ng DoE na, “...ang gubyerno ay bukas sa opsyong nukleyar, at kung sakali ay gusto naming muling balikan ang opsyong ito, tutal naman ay mukhang papunta naman tayo sa ganong direksyon.”
Nobyembre 2008, pumirma sa isang Memorandum of Understanding ang National Power Corporation (NAPOCOR) at Korea Electric Power Corporation (KEPCO) na naglalayong magsagawa ng isang pag-aaral (feasibility study) para sa posibleng pagkomisyon ng BNPP na tatagal ng tatlong taon.Ang Korea ang sinasabi ng NPC at Department of Energy na gagawing modelo.
Ang totoo, nakaranas ng mga problema sa planta ng Gori 2 (itinayo noong 1983) ang Korea na isa sa ipinangangalandakang modelo. –Simula na ito ng ng pangamba ng publiko.Sa katunayan, sa labing-apat na mekanikal na problemang naidokumento sa mga plantang nukleyar sa Korea nitong nakaraang taon,lima dito ay kinasasangkutan ng mga Gori reactorsna gawa din ng Westinghouse .
III.Ang Mga Batayan ng Ating Pagtutol sa BNPP
Layunin:
Mabigyang-diin ang mahahalagang isyu na tinutuntungan ng ating pagtutol sa BNPP.Ang maraming mga partikular na usapin ay ipinailalim natin sa apat na mayor na kategorya o usapin: 1.) Mapanganib sa buhay at kalikasan -- pangunahing pumapatungkol sa health, safety at environmental hazard issues na kakabit ng BNPP; 2.) Magastos at hindi kapakipakinabang – pangunahing pumapatungkol sa debt at economic cost issues; 3.) Hindi solusyon ang nukleyar sakrisis sa enerhiya – sagot sa pangunahing argumento ng mga proponents ng BNPP na may krisis sa enerhiya; at 4.) Ang nukleyar bilang negosyo – ang totoong dahilan sa likod ng muling pagtutulak ng programang nukleyar sa daigdig at sa bansa.
Laman:
1.MAPANGANIB sa BUHAY at KALIKASAN
Ang mga panganib na dudulot sa publiko ng BNPP ay hindi maaaring ipagwalambahala lalo’t lumipas na ang mahigit 25 taon mula nang itayo ito.
i.Nananatiling bulnerable ito sa mga lindol at pagyanig maging pagputok ng bulkan dahil sa lokasyon nito.
-Nasa paanan ito sa Mt. Natib, isang namamahingang bulkan kagaya ng Mt. Pinatubo, na siyang bumubuo sa buong hilagang Bataan Peninsula[8];
-Napakalapit nito sa Manila Trench-Luzon Trough tectonic structure[9];
-Sa kasaysayan, nagkaroon na ng mganapakalalakas (high magnitude) na lindol sa loob ng daang kilometrong sakop nito. Noong 1970, isang lindol ang naganap sa loob ng 1-2 kilometrong radius mula sa BNPP[10]. Ang paggalaw na naganap ay maaaring sa kadahilanan ng mga faultlines sa lugar o magma;
-Sinasabi ng Satellite ng daigdig na posibleng mayroong faultline sa ilalim ng mismong kinatatayuan nito;
-Dokumentado ang pagkakaroon ng aktibong faultlines sa karatig na Subic Bay. Kada 2,000 taon ang paggalaw nito. Naidokumento ang huling paggalaw nito 3,000 taon ang nakararaan[11].
Kaya naman, maaaring magbunga ng pang-istrukturang pagkasira sa planta ang malakas na lindol at presensya ng mga faultlines sa ilalim nito, at sa pinakagrabe, ang pagbuga ng mga radioactive na materyal.
ii.Kinakitaan din ng maraming depekto ang istruktura at disenyo ng BNPP.
-Mayroong naitalang 4,000 ‘matinding depekto’ ang plantang ito sa disenyo, konstruksyon, kalidad, pagkakagawa at pamamahala ng proyekto[12]. Kinomentuhan din ng ulat ang kawalan ng suportang panggastos gaya ng insurance, training, permanenteng tapunan ng mga nuclear waste, decommissioning, pang-biglaang plano at aksidente;
iii.Sa karanasan ng mga lugar na may nakatayong plantang nukleyar,may mga ulat na ng toxic waste contamination, pagkakasakit dahil sa pagka-expose sa radiation at pagdami ng environmental pollutants.
-May mga pag-aaral na nagsasabi na maging sa normal na operasyon ng planta nukleyar, ito ay naglalabas ng radiation na nakapipinsala sa mga hayop, halaman at tao. Maraming radioactive na elementong nasasagap ng katawan ang may tendensyang mamuo sa ilang bahagi ng katawan kagaya ng ‘iodine-131 (thyroid glands), strontium-90 (bones) and cesium- 137(muscles)’. Ang pinupuntirya nito ay ang selula (cells).Mas madalas ang mga insidente ng pagkakasakit ng leukemia at cancer sa loob ng 5-10 kilometro (radius) mula sa planta.
-Kung tuluyang mapapagana ang planta, magiging problema ang pagtatapon ng mga duming nukleyar nito na aabot sa humigit-kumulang 20-30 tonelada kada taon.Sinabi na ito mula pa noong 1977 ng Philippine Atomic Energy Commission o PAEC. Sa totoo, hanggang ngayon, wala pang naipapakitang teknolohiya para sa permanente at ligtas na pagtatapon o pagdispatsa ng mga duming radioactive, saanman sa mundo;
-Nanganganib din ang mga kalapit na pinanggagalingan ng tubig sa pagkasaid o kaya’y ‘thermal pollution’dahil kinakailangan ng malaking suplay ng tubig sa pagpapalamig sa sobrang init na mga reactors;
-Maaari ring makalikha ang planta ng ‘weapons-usable plutonium’. Ang malilikhang plutonium na kasing-laki ng bola ng tennis ay makagagawa ng armas na kayang pumatay ng libong katao.
iv.Wala ring garantiya na di magkakaron ng aksidente o aberya kapag nag-oopereyt na ang planta nukleyar tulad ng mga aksidenteng naganap nuon sa Three-Mile Island sa US (1979), Chernobyl sa Rusya (1986) at Kashiwazaki sa Japan (1997) na nakapinsala sa maraming tao.
2.MAGASTOS at HINDI KAPAKIPAKINABANG
i.Ang planta nukleyar ay lumalabas na mas mahal kaysa sa iba pang maaaring pagkunan ng enerhiya dahil sa mahabang panahong ginugugol sa pagpapatayo nito.Karaniwang 300% mas malaki keysa sa unang estimate ang aktwal na nagagastos sa pagpapatayo pa lamang.
-Sa kaso ng BNPP, ang halagang US$650 Milyon na orihinal na nakatakda sa pagpapagawa ng dalawang plantang nukleyar ay umabot sa gahiganteng US$ 2.3 Bilyon.
ii.Magastos din ang aktwal na pagpapatakbo ng plantang nukleyar bukod pa sa magpapalala ng ating pagsandig sa dayuhang pagkukunan ng gatong (fuel). Tulad ng langis, iaangkat natin anguranium para patakbuhin ang BNPP.[13]
iii.Tatlong dekada lamang ang buhay ng isang tipikal na planta nukleyar at pagkatapos, kailangang gumastos ng $300 Milyon - $450 Milyon para ipasara ito (de-commissioning).
iv.Ang pagdispatsa ng nuclear waste ay kakain din ng malaking halaga,lalo na’t240 libong taon (o 6,857 henerasyon!) ang tagal nang panahong gugugulin bago masabing ito ay ligtas na o nawala na ang radiation.
v.Hindi kata-katakang ang mamamayan na naman ang sasalo sa pagbabayad ng $1 bilyon na inisyal na tinatayang kakailanganing pondo para sa rehabilitasyon ng BNPP (na tiyak na madadagdagan kapag natuloy itong paandarin).Ayon sa panukala ni Cojuangco ang tinatayang $1 Bilyong halaga para sa pag-komisyon ng BNPP ay kukunin mula sa utang at sa tinatawag na nuclear tax o dagdag na Php 0.10/kwh sa konsumo sa kuryente ng bawat mamamayan.[14] Ibig sabihin, patuloy pa ring papasanin ng taumbayan ang pagbabayad sa operasyon ng BNPP!
3.Hindi Solusyon ang Nukleyar sa Kasalukuyang Krisis sa Enerhiya
Ang mga tagapanukala ng muling pagbubukas ng BNPP sa pangunguna ni Rep. Marcos Cojuangco ay naglatag ng dalawang sumusunod na mayor na argumento:
·Bilang solusyon sa inaasahang power shortage na 3, 000 MW sa 2012; at
·Mas murang alternatiba lalo na sa kasakuluyang dinaranas na krisis sa enerhiya.
Ngunit ano ang totoo?
i.Kasalukuyang lumilikha tayo ng enerhiyang higit sa ating kinukunsumo. Nito lamang Abril 2008, ipinakita ng datos ng Department of Energy na ang kabuuang ‘installed generating capacity’ sa pambansang saklaw ay 15,937.1 MW.83% o 13, 205 MW nito ay sinasabing maaasahang kapasidad.Ang pinakamataas na pangangailangang naitala ay umabot lamang sa 8,999 MW, (6,443 MW mula sa Luzon; 1,102 MW sa Visayas; at 1,241 MW mula sa Mindanao) noong taong 2007. Dahil hindi natin nagamit ang 4, 212 MW lampas sa ating pangangailangan, kung gayon, nangangahulugan ito na may labis sa enerhiya kaysa sinasabing kakulangan nito.
ii.Marami pang ibang pagkukunan ng enerhiyang mas mura at likas sa bansa tulad ng tubig, init ng araw, singaw ng lupa, hangin, natural gas, deuterium at bio-fuel. Ayon din mismo sa Department of Energy, marami pa sa mga ito ang di pa nalilinang –geothermal (1, 200MW), hangin (7, 400MW) at tubig.
4.ANGNUKLEYAR BILANG NEGOSYO
i.Kumpetisyon sa bentahan ng nukleyar at hindi pagtugon sa pangangailangan sa enerhiya sa panahon ng krisis ang siyang dahilan ng muling pagbuhay sa industriyang enerhiyang nukleyar sa daigdig.
Ang kumpetisyon ng mga malalaki at makapangyarihan na makopo ang kita mula sa plantang nukleyar ang nagiging sanhi ng muling pagbuhay ng interes dito sa iba’t- ibang parte ng daigdig. Tatagos ito hanggang sa lokal, kung saan lumalaro ang interes nina Cojuangco at Arroyo sa sektor ng enerhiya, na sya namang maglalagay sa mamamayan sa bingit ng alanganin.
Halos kabi-kabila ang pag-apruba ng mga kasunduan hinggil sa nukleyar ng mga makapangyarihang bayan sa pangunguna ng US, France, Canada at Russia.Hindi rin naman magpapahuli ang mga bagong lumilitaw na makapangyarihang bayan gaya ng Tsina at India na direktang naglaan ng malaking pondo ng gubyerno sa pagpapa-unlad ng industriyang nukleyar.
Ang nagaganap ay labanan ng mga malalaking industriya upang manalo sa mga kontrata sa labas ng kanilang bansa.
Ito rin ang dahilan ng mahigpit na ugnayan ng mga gubyerno at mga korporasyong nukleyar. Kinakailangan ang malaking suporta ng mga gubyerno para maisulong ang mapanganib na negosyong ito.
Ang mga korporasyong nukleyar ang pinakamalalaking grupo na nagla-lobby at pumupondo sa pulitiko (political funders).Maging mga opisyales ng gubyerno (kagaya mismo ng Administrasyong Bush at maging ni Obama[15]) ay may direktang taya o interes sa negosyong ito.Kapalit nito, naglaan ang administrasyon ni George W. Bush ng malaking bulto ng buwis ng mamamayan bilang subsidyo sa enerhiya—nagkakahalaga ng $20 bilyon—sa ‘atomic power’ noong 2007-2008. Nagharap naman ngayon siObama ng panukalang batas para makabawi ang ekonomiya ng US (stimulus package) na magbibigay daan sa posibleng $50 bilyong ‘loan guarantee’ para sa industriyang lakas-nukleyar.
ii.Ang muling pagbuhay sa BNPP ay parte ng isanggrandyosong plano upang monopolisahin ang sektor ng enerhiya ng mga Cojuangco at iba pang malalaking pangalan sa pagnenegosyo sa Pilipinas.
Sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas, sila-sila ring mga malalaking pangalan sa negosyo ang nagkukumpetisyon sa larangang ito – mga Lopez, Zobel, Ongpin, Pangilinan, at ang Cojuangco na pinakabago ngunit pinakaagresibo.
Sa pamamagitan ng San Miguel Corporation (SMC) na pag-aari ng kanilang pamilya, pumasok na rin ang mga Cojuangco sa negosyo ng enerhiya at di-birong puhunan ang inilagak nila dito. Di-biro ito dahil sa layunin nitong kontrolin ang power sector, na isa sa mga negosyong may pinakamalaking kita.Kamakailan lang ay nakuha ng SMC ang 27% share sa Meralco o Manila Electric Co. (pinakamalaking power retailer sa bansa) na naglagay sa kanya bilang pangalawa sa pinakamalaking shareholder nito kasunod ng mga Lopezes na may 33%.
Kung isasama natin sa share ng mga Cojuanco ang 7%share ng SSS, Land Bank at Development Bank of the Philippines (DBP) sa MERALCO na binili ng Global 5000, isang investment company na pinaniniwalaang kaalyado ng SMC, kaya na nitong palitan ang pamumuno ng mga Lopez.
Tiniyak din ng SMC na makuha ang 51% share o mayorya ng Petron Corporation na naglagay sa Petron bilang subsidiary ng SMC sa ngayon.Nito ring nakaraang 2008 ay nagtangka ang mga Cojuangco na makuha ang 20 taong konsesyon para sa pagpapagana ng mga linya ng transmisyon (ng elektrisidad).
Kung gayon, maaaring tingnan na nakabalangkas sa malaking interes ng kanilang pamilya sa negosyo ng enerhiya ang panukalang batas (House Bill 4631) na isinusulong ni Rep. Mark Cojuangco na naglalayong muling buhayin ang BNPP sa “makaluwang-matang” halaga na US$1 bilyon.
Si Rep. Mikey Arroyo naman, na biglang naging tagapangulo ng Komite sa Enerhiya ng House of Representatives ang naghawan ng daan para iratsada at maaprubahan ang panukalang batas sa antas ng komite.Maliban pa dito, pinaplano niyang magkaroon ng pagbabago sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na lalong magpapabilis sa pribatisasyon ng Industriya ng Elektrisidad.
IV.Mga Alternatibo at Ligtas na Mapagkukunan ng Enerhiya, susi sa seguridad at kasarinlan sa enerhiya
Layunin:
Maipakitana sa angking katangian ng Pilipinas— napaliligiran ng tubig, pulu-pulo, bulubundukin at mabulkan at nakalugar sa tropical zone kung kaya bantad sa araw ay maraming alternatibong mapagkukunan ng enerhiya na hindi pinagtutuunan ng pansin at lubusang namamaksimisa ng gubyerno. Higit pa, ang mga ito ay ligtas, di-nauubos o renewable, sustenable, mura at kayang pamahalaan ng mga komunidad. Ang paggamit ng energy source na mayaman sa kapaligiran ang siyang susi upang makamit ng bansa ang seguridad at kasarinlan sa enerhiya.
Laman:
Sa halip na ipagpilitan ang lakas nukleyar, na pinatunayan na sa kasaysayan at sigurado ang siyentipikong tuntungan ng pagiging delikado at mapaminsala nito, dapat na paunlarin ang mga alternatibong ligtas, renewable at sustainable na paraan sa paglikha ng kuryente.
Maraming mapagkukunan ng enerhiya sa kalikasan, mula sa araw at tubig halimbawa.Bukod pa, nariyan ang hangin, alon, lupa, mga mineral, biomass conversion, at marami pang iba.
SOLAR (ARAW)
Ang solar power ay ang paggamit ng init o liwanag na nagmumula sa araw upang lumikha ng kuryente. May dalawang klase ito.Ang solar thermal process na ginagamitan ng enerhiya mula sa araw nang hindi ito ginagamitan ng kuryente.Ginagamit ito sa pagtunaw, pagpapatakbo ng makina at pagbibigay ng init (heating) at lamig (refrigeration).Ang ikalawa ay ang solar electric system na lumilikha ng kuryente sa pamamagitan ng prosesong photovoltaic.Ang malawakan at sentralisadong paggamit nito ay akma sa pangangailangan ng industriya.
Marami nang mga bansa ang gumagamit ng solar energy. Sa Malaysia ay ginagamit ang solar crop at timber dying.Sa Thailand, ang pag-iinit ng tubig sa paggamit ng araw ay ginagamit sa mga sentrong pangkalusugan sa malalayong lugar.
Sa Pilipinas, bilang bansang may tropikal na klima at maaraw, malakas ang ating kakayahan na gumamit ng enerhiyang mula sa araw.Maaraw sa bansa pitong oras kada araw at maaliwalas ang panahon sa loob ng 200 araw sa isang taon.Ang sikat ng araw sa Luzon pa lamang ay higit para lumikha ng kuryente para sa pangangailangan ng bansa. Samantala, pinakamaganda ang klima at maarawMindanao kumpara sa dalaawang mayor na isla ng Luzon at Kabisayaan.
HYDRO (TUBIG)
Malaking bahagi rin ng kuryenteng ginagamit ngayon ay nagmumula sa hydro power.Ngunit sa kasalukuyan,18% pa lamang ng 2.2 milyon na megawatts na potensyal na enerhiyang makukuha sa tubig ang ginagamit.Gumagamit pa lamang ang Asya ng 19%ng potensyal nito samantalang matatagpuan dito ang 28% kapasidad ng hydro power.
Ang hydro power ay paglikha ng kuryente mula sa enerhiyang nililikha ng umaagos na tubig.Ang tubig na ito ay babagsak naman sa turbine.
Isa sa malaganap na paraan ng paglikha ng kuryente mula sa tubig ang pagtatayo ng mga dams.Bagamat hindi matatawaran ang pagtatayo ng mga dams, hindi rin maisasantabi ang negatibong epekto nito sa kalikasan.Maaaring sirain ng mga dams ang ecological balance ng mga ilog, lawa at maaring maging sanhi ng pagbaha, pagguho ng lupa, sedimentasyon at iba pa.Napipinsala din ang kabuhayan at kultura ng mga komunidad na malapit sa mga dams.
Isang paraan para maiwasan ang problemang ito ay ang pagtatayo na lamang ng mga maliliit na proyektong hydroelectric sa halip na mga malalaking dams.Sapat ang kakayahan ng mga ito upang tugunan ang pangangailangan sa kuryente ng mga maliliit na komunidad.
Mayroon ding tinatawag na ocean thermal energy.Ito ay enerhiyang nakukuha sa dagat at sa mga tropiko na may pagkakaiba ang temperatura ng tubig sa ibabaw (mainit) at sa ilalim na may babang 1.000 metro (malamig).
GEOTHERMAL (SINGAW NG LUPA)
Ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa o lakas geothermal ay maaaring lumikha ng enerhiya.Ang enerhiyang ito ay nagmula sa tinatawag na sariling reaksyon ng kalikasan – ang pag-aagnas ng mga elemento ng lupa. Sa kalagayan ng Pilipinas na mabulkan at bulubundukin, maraming mga lugar ang maaaring maging source ng geothermal energy kung puspusan lamang na magsasaliksik at mageeksperimento.
HANGIN
Para sa maliliit nakomunidad, malaki ang potensyal ng hangin sa paglikha ng kuryente at sa pag-iipon ng fuel sa loob ng malaking electricity grids.Kailangang puspusang itulak ang pananaliksik at eksperimento nito para magamit at maksimisa ang buong potensyalidad nito at kalaunan ay mapaliit ang gastos.
Sa ngayon, ang 15 windmills sa Bangui, Ilocos Norte ang unang matagumpay na windmill farm sa bansa na nakapag-gegenerate ng 24.75 megawatt. Ang konstruksyon nito ay nagkahalaga ng $48Milyon na pinautang ng Danish government sa pribadong sector. Ang elektrisidad na naliklikha nito ay binibili ng electric cooperative sa probinsya sa mas mababang halaga (kumpara sa mga kumpanyang pag-aari ng estado). Ito ngayon ang sumasagot sa 40% ng kabuuang pangangailangan ng probinsya sa elektrisidad. Bukod dito, ang pribadong kumpanyang nagpapatakbo nito, ang Northwind ay kumikita ng tinatawag na carbon credit na katumbas ng $1.5M Milyon sa loob ng sampung taon. Dahil malinis na source of energy ang windmill farm, nakakakuha sa World Bank sa pamamagitan ng pinamamahalaan nitong carbon credit fund na bahagi pa ng Kyoto protocol para bawasan ang greenhouse gases.
BIOMASS
Ang enerhiyang nililikha mula sa halaman at dumi ang tinatawag na biomass.Ang kakambal na produkto ng agrikultura at forestry at ang dumi ng mga hayop ay sinusunog upang maging panggatong o fuel.Ang tubo, na lumilikha ng ethanol (ethyl alcohol) ay isang halimbawa ng biomass crop.Sa Pilipinas ay ginagamit na ang alcogas - pinaghalong gasoline at ethanol (15%), bilang pamalit sa regular na gasolina.Sa paggamit ng biomass mula sa halaman, dapat na ang mga lupaing ginagamit para sa pagtatanim ng pagkain ay hindi papalitan ng pananim na para sa produksyon ng bio-ethanol tulad ng balak ng gobyerno sa pamamagitan ng RP-China Agreement, kapag nangyari ito, makukumpromiso ang seguridad sa pagkain ng bansa.
Maaaring idebelop ang biomass bilang source ng enerhiya sa antas ng farms o maliliit na komunidad para ma-recycle ang mga dumi ng tao at hayop at mga organikong sangkap bilang enerhiya.
Maraming pang mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya na dapat nating pagbuhusan ng talino at panahon upang makamit ang seguridad at kasarinlan sa enerhiya.Higit pa, marami sa mga ito ay di-mauubos (sapagkat nandyan lang sa kalikasan) kaya’t sustenable at maaaring pamahalaan ng mga komunidad.Ang mga alternatibong ito ang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.
V. Ang Ating Pusisyon at KAMPANYA
Walang makatuwirang dahilan upang muling buhayin ang BNPP, sa katunayan, ang mga dating dahilan ng pagtatakwil dito ay nanatili sa kabila ng paglipas ng panahon.Hangga’t may plantang nukleyar na nakatayo tulad ng BNPP, habang-panahong hindi ligtas ang mamamayan.
Kung gayon, kinakailangan muling magtipon ng sapat na lakas upang biguin ang lahat ng hakbang na ulitin ang isang kamalian.“Huwag nating payagan na malinlang tayo ng isang mapaminsala, pabigat at di kapaki-pakinabang na kasunduan na papasanin ng susunod na mga henerasyon.”At para tuluyan nang maibaon ang pabalik-balik na tangkang pagbuhay sa BNPP,dapat na ipanawagan at itulak ang ganap na paglalansag dito.Ang ultimong layunin ay ang ganap napagtatapos ng usapin.Kung wala na ang plantang pinag-uusapan , wala nang batayan ang muling pagbuhay dito.
Kasabay ng paglaban sa BNPP,lalabanan din ang iba pang tangka na makapagpatayo ng planta nukleyar saanman sa bansa.Ayaw natin sa nukleyar! Sa halip,ay bigyang-daan ang mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiyang hindi nakapipinsala sa buhay ng tao at sa kapaligiran.
Para tiyakin na matibay na maisusulong ang kampanya laban sa BNPP at nukleyar, muling binuhay ang Nuclear-Free Bataan Movement (NFBM).Naitayo na ang NFBM sa Bataan hanaggang sa halos lahat ng mga munisipalidad dito.Binubuo ito kapwa ng mga beterano ng matatagumpay na Welgang Bayan at pagkilos nang dekada ’80 at ’90 at ng mga bago ngunit masisigasig na pwersa sa hanay ng iba’t ibang sektor – simbahan, kabataan, magsasaka’t mangingisda, manggagawa, kaguruan, kababaihan,katutubong mamamayan, mga lokal na opisyales at empleyado ng gubyerno, mga propesyunal at iba pang indibidwal.Nakapagsasagawa na ito ng pag-iingay sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng mga protest actions gaya ng mga rali, caravan, peace cycling, mga forum, concert, pagpapadami at pagpapamudmod ng mga polyeto, primer at iba pa.
Gayundin,itinatayo na ang NFBM-Network sa iba’t ibang lugar sa labas ng probinsya ng Bataan – sa NCR, Central Luzon,Northern Luzon,Visayas at Mindanao.Nilalayon na ang NFBM-Net ay maging pangunahing behikulo ng pagkilos ng mamamayan sa pambansang antas.Kinikilala ng NFBM-Net na ang laban sa BNPP ay hindi lang laban ng mamamayan ng Bataan at Central Luzon kundi laban ng mamamayang Pilipino.Pinagsisikapan din na maitayo ang network hanggangibayong dagat para likhain din ang malakas na international pressure laban sa pagbuhay ng BNPP(*May hiwalay na papel na tumatalakay sa NFBM-Net).
Magsagawa at/o lumahok sa mga kilos protesta laban sa BNPP at paggamit ng lakas nukleyar.Paabutin sa pinkamasaklaw ang mga pagsusuri at pusisyon upang ang pinakamalawak na bilang mamamayan ay maging mulat at maging kaisa sa pagtutol sa BNPP at lakas nukleyar.Ipagtanggol natin ang ating mga komunidad sa dambuhalang panganib na BNPP!Tutol tayo noon, Tutol tayo ngayon, Lansagin ang Plantang Nukleyar sa Morong!#####
fn:\ Modyul sa Pagtalakay sa BNPP
042909
Inihanda ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD) para sa Nuclear-Free Bataan Movement-Network (NFBM-Net)
[1] May 184 kongresista ang lumagda bilang taga-endorso ng Cojuangco bill, 24 ay mula sa National Capital Region, 75 sa Luzon, 40 mulaVisayas, 38 mula sa Mindanao at pitong (7) party-list representatives.
[2]Ang IAEA ay isang ahensyang nagtatakda ng mga pamantayan na dapat sundin ng mga pasilidad na nukleyar at sumusubaybay sa mahusay na paggana ng mga ito.Taong 1997 ay maglalabas ito ng IAEA Volcanic Protocol (1997) na mahigpit na nakasaad na di dapat nagtatayo ng planta nukleyar sa mga lugar na may volcanic at tectonic activity.Ito ay matapos ang aksidente noong Hulyo 1997 sa pinakamalaking pasilidad nukleyar sa Japan, ang Kashiwazaki-Kariwa facility.Tinamaan ito ng lindol na 6.8 ang magnitude. Natapon ang mahigit 400 drum ng nuclear waste sa sahig ng naturang planta at nakunan ng kamera na umalon ang tubig na nakapaligid sa reactor core ng mahigit isang metro ang taas, at ang tubig ay natapon sa sahig (radioactive din ito). Mula noon, ang planta ay ipinasara na.
[3]Richard Udell, “ Public Citizen’s Nuclear Power Safety Report “, 1981
[5]Noong April 26, 1986, nagkaroon ng pagsabog sa Chernobyl Nuclear Power Station reactor number 4. Ang ibinugang radioactive elements nito ay “200 times greater than the atomic bomb at Hiroshima.” Tinatayang nasa 65 milyong katao ang inabot ng kontaminasyon at mahigit sa 400,000 katao ang sapilitang inilikas sa mga lugar na nakapalibot sa Chernobyl. Naapektuhan ang ilang bahagi ng Europa at Rusya (dating USSR) na umabot sa 150,000 kilometro kwadrado (kalahati ng kalupaan ng Pilipinas na 300,000 kilometro kwadrado). sa kasalukuyan ay may mga namamatay pa mula sa pagka-expose sa radiation dalawampung taon na ang nakararaan at umabot ang pinsala sa USD 200 Bilyon. (estimate)
[6]“The audit was actually conducted by a National Union of Scientists (NUS)-assembled international and multidisciplinary team of over 15 nuclear experts from the US, Germany, Brazil, South Korea and Japan. … The team looked into the field implementation of the plant design, quality assurance and control, and construction practices, among others. It also visited the plant site, interviewed the personnel of the PNPP, PAEC [Philippine Atomic Energy Commission] and IAEA [the international agency for atomic energy], and inspected and reviewed all documents pertaining to the facility.”
[8]Kinatatangian ang mga Caldera volcanoes (Mt. Pinatubo at Mt. Natib) ng mahabang panahong pagkakatulog at napakalakas na pagsabog kapag nagising. Bilang panuntunan, kapag mas mahaba ang panahon ng pagkakatulog ng bulkan, mas maraming panahon ang pag-iipon nito ng sumasabog na enerhiya, at inaasahang mas malakas ang pagsabog.
[9] 1977 Report on the Evaluation of the Geological and Seismological Studies Made on the Philippine Nuclear Power Plant -1 Site ni Nuclear Technologist III Elmer C. Hernandez at Senior Nuclear Technologist Gabriel Santos, Jr.
[11]“Cabato, M. E. J. A., Rodolfo, K. S., and Siringan, F. P. (2005). History of Sedimentary Infilling and Faulting in Subic Bay, Philippines revealed in high-resolution seismic reflection profiles: Journal of Asian Earth Science Vol. 25: 849-858.
[12]Napatunayan ito sa isang serye ng mga teknikal na pag-audit na isinagawa ng National Union of Scientists noong 1986, 1988 at 1990.
[13]Mababa ang enerhiyang mula sa planta nukleyar sa mga bansang tinaguriang ‘nuclear powers’ sapagkat ito ay nilagakan ng subsidyo (isang sitwasyong malayong mangyari sa Pilipinas). Limampu’t walong porsyento (58%) ng suplay ng uranium sa daigdig ay kontrolado lamang ng tatlong bansa, kabilang ang US at Canada kung saan anim na bansa lamang ang nag-eeksport nito sa ngayon.
[15]Dalawa sa pinakamalalaking taga-pondo sa kampanya ni Obama ay sina Frank M. Clark at John W. Rogers Jr., mga punong opisyal ng Exelon.Maging ang chief strategist nito na si David Axelrod, ay minsang naging consultant ng kumpanya. Ang Exelon ang pinakamalakingUS nuclear power plant operator.
We are Filipinos who view with concern and alarm the proposal to revive the Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) located at Napot Point in Morong, Bataan.
We have not forgotten that this plant is conceived from a corrupt and anomalous deal struck during the Marcos dictatorship which profited the Marcos cronies and burdened the public for the last three decades, the time it took to write off theUSD 2.3 Billion cost of constructing the plant.
The plant in question is riddled with defects from its cover design, construction, quality assurance, workmanship and project management; it sits on a geologically unsafe location and poses a very high risk to the lives and livelihood of underlying communities and provinces.
Also, there is yet to be any effective technology to store or dispose nuclear waste.
We believe that there is no need to burden the people twice with this white elephant, whose revival will cost a whooping USD 1 Billion. And we view with wariness and misgiving the alleged benefits pointed out by pro-BNPP legislators.
We call on our legislators and public officials to look beyond self-serving interests and uphold interest of future generations and reject the BNPP.
We believe that BNPP remains to be:
·Deadly and Dangerous
·Burdensome to the public and
·Unnecessary
Thus, we are coming together, from all walks of life, to join in a broad call to oppose the resuscitation of this plant known as the “Monster of Morong “.
Protect our Communities from Danger! Oppose the Revival of the BNPP!
Start blogging by creating a new post. You can edit or delete me by clicking under the comments. You can also customize your sidebar by dragging in elements from the top bar.