Anti-Terror Bill, Anti-Wiretapping Law Amendment, etc. etc.… Higit na Kapangyarihan sa EstadoIbayong panunupil sa mga karapatan ng mamamayan sa panukalang konstitusyon. Lalong pagbangis ng tiraniya sa lehislatibong adyenda ng gubyernong Duterte.
Sa SONA, sa pagbubukas ng 18th Congress, ihahanay ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanyang legislative agenda— salansan ng prayoridad niyang isabatas sa gitna ng pandaigdigang pagkondena sa mga extra-judicial killing (EJK) sa kanyang war on drugs, sa nalalantad niyang kataksilan sa pagpapaubaya ng WPS sa kontrol ng Tsina, sa lumolobong utang dahil sa build, build, build; at, sa lumalawak nang oposisyon sa kanyang paghahari. Sa ubod ng adyendang ito ay ang higit na pagbigat ng kamay na bakal ng kanyang tranikong rehimen at pagpapataw ng mga bagong buwis na pipiga sa mamamayan.
0 Comments
Coconut farmers: Sawa na kami sa mga pangako“Coco Farmer’s Trust Fund, Ipasa! Isabatas!” ang sigaw ng 75 magniniyog sa harap ng Malacañang noong ika-10 ng Abril upang kondenahin ang pag-veto ni Pres. Rodrigo Duterte sa Coconut Farmers and Industry Development Bill at Philippine Coconut Authority (PCA) Bill. Ang dalawang panukalang ito ang susi sana upang tuluyan nang maipamahagi sa mga magniniyog ang coco levy fund – ang 75 bilyong pisong halaga ng buwis na siningil sa mga magniniyog noong panahon ng Martial Law na ipinangakong gagamitin sa pagpapaunlad ng industriya ng pagniniyog sa bansa. Ang consolidated version ng dalawang panukala na resulta ng isinagawang bicameral conference meeting ay isinumite sa pangulo noong Agosto 2018 upang pirmahan. Ngunit pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, muli na namang binigo ang mga magniniyog nang i-veto ng pangulo ang mga panukala nitong Pebrero ngayong taon. “Niyurakan at trinaydor kami ng Pangulo sapagkat isa ito sa mga pangako niya sa’min bago pa man siya maluklok sa pwesto,” sabi ni Jhun Pascua, isang lider magniniyog. “Sawang-sawa na kami sa mga pangako,” dagdag niya. Biguin ang Pagkukonsolida ng Tiranikong Paghahari! Ilang araw na lamang eleksyon na. Mayo 13, magpapasaya para sa kinabukasan ng bayan ang milyun-milyong botante. Anu-ano mga usapin at linyang batayan sa pagpapasaya? Demokrasya laban sa Tiraniya. Soberanya ng bayan laban sa paghahari ng dayuhan. Kalayaan at karapatan laban sa panunupil. Paghahari ng batas laban sa paghaharing diktador. Demokrasyang bayan laban sa dinastiyang pulitikal. Ito ang mga isyung batayan at linya sa pagpapasya o pagboto. Nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo Ang mga isyung nabanggit sa unahan ay sistematikong natitipon sa nakareserbang Konstitusyong Duterte-Arroyo. Lantad ang layon ng rehimeng Duterte na konsolidahin ang paghahari nito. lihim na iniratsada sa House of Representatives (HoR), sa pamumuno ng ganid-sa-kapangyarihang Gloria Macapagal-Arroyo, ang panukalang konstitusyong ipapalit sa Konstitusyong 1987. Tinawag itong Resolution of both Houses (RBH) No. 15 at sinalang sa pagboto ng plenaryo ng HoR nuong Disyembre 11, 2018. Vote for the People’s Interest: |
AuthorWEDECIDE espouses alternative politics. It is a people's electoral campaign advancing people's issues and agenda. ArchivesCategories
All
|