Pangkalahatang Programa ng Pagkilos ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD):
Ang mga pangkalahatang prinsipyo, layunin at tungkulin ng KPD ay nasa balangkas at alinsunod sa pampulitikang linya, prinsipyo at oryentasyong pambansa-demokratiko. Naninindigan ang KPD sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino upang wakasan ang pang-aapi at pagsasamantala sa ilalim ng isang lipunang neokolonyal at malapyudal at kamtin ang pambansang paglaya at panlipunang pagbabago.
Ang mga prinsipyong ito ang nagbibigkis at gumagabay sa pangkalahatang programa ng pagkilos ng KPD. Tinutupad ito ng KPD bilang pampulitikang sentro na may mahigpit na ugnay pangunahin sa pinakamalawak na masang anakpawis (manggagawa at mala-manggagawa kapwa sa kanayunan at kalunsuran), kinakabig ang pakikiisa at suporta ng mga panggitnang-uri at pwersa at ibinubukod at nilalabanan ang mga prinsipal at sagadsaring kaaway ng buong mamamayan.
Ito ang Pangkalahatang Programa ng Pagkilos ng KPD:
1. Lansagin ang neokolonyal at malapyudal na kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng paglaban sa imperyalismo – ito ay pagkakamit ng tunay na kalayaan at soberenya na nakasalalay sa pakikibaka para sa pambansang paglaya mula sa dayuhang dominasyon.
Upang makamit ito, kinakailangang makibaka ang mamamayang Pilipino laban sa imperyalismo at sa iskemang globalisasyon nito sa kasalukuyan, gayundin sa mga lokal na kakutsaba nito sa pamamagitan ng paglalansag at pagpapalit sa neokolonyal na estado ng lokal na naghaharing uri. ;
2. Kamtin ang isang nagsasariling ekonomya na iluluwal ng paglalansag sa pagsasamantalang imperyalista at pyudal sa pamamagitan ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.
Pauunlarin ang ekonomya sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng produksyong agrikultural bilang pundasyon tungo sa pagpapaunlad ng mga batayan at istratehikong industriya. Dapat na ipagtanggol at pangalagaan ang pambansang patrimonya mula sa pandarambong at abuso ng dayuhang monopolyo kapital at iba pang dayuhang interes.
3. Bawiin mula sa kontrol ng dayuhan at isabansa ang mga pangunahing industriya at kagamitan sa produksyon at tiyakin ang makatarungang pakinabang ng mga manggagawa;
4. Pawiin ang lahat ng sagwil sa kasarinlan. Wakasan ang mga di-pantay na kasunduan at dikta ng mga dayuhang kapangyarihan;
5. Itaguyod ang demokratikong karapatan ng mamamayan. Ipawalambisa ang mga batas at kautusang yumuyurak sa karapatang demokratiko at kalayaaang sibil ng mamamayan;
6. Palayain ang kababaihan sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala at igalang ang pantay na karapatan ng kababaihan;
Ang paglaya ng kababaihan ay nangangahulugan ng paglalansag sa tatlong- saping pang-aapi-- pambansa, makauri, at pangkasarian. Kailangan sa pakikibakang ito ang paglahok mismo ng kababaihan lalo na mula sa uring manggagawa at magsasaka. Ang pakikibaka para sa paglaya ng kababaihan ay mahalaga, bagama’t may kakanyahan, at di-maihihiwalay na bahagi ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya.
7. Kilanlin ang karapatan ng mga katutubong Pilipino na paunlarin ang kanilang ekonomya, kaayusang pulitikal at kultura;
Ang pambansang minorya o mga katutubong Pilipino ay may mga pangkulturang tradisyon, katutubong sistema ng pamamahala sa kanilang komunidad at kabuhayan at pang-ekonomiyang sistemang minamantini upang buhayin ang kanilang mga pamayanan sa gitna ng pananalasa at pandarambong ng estado at korporasyong dayuhan sa pambansang patrimonya. Ang pagtataguyod sa kanilang katutubong karapatan ay nangangahulugan ng paggalang sa kanilang karapatan sa paggamit at pagpapaunlad ng mga likas na yaman ayon sa kanilang pangangailangan.
8. Iwaksi ang dekadenteng imperyalistang kultura at atrasadong pyudal na kaisipan at itaguyod ang kulturang bayan, syentipiko at makabayang pananaw;
Mahalagang instrumento sa pambansang paglaya at panlipunang pagbabago ang isang makabayan, siyentipiko at pangmasang edukasyon. Layunin ng pangkulturang kilusang masa ang paglagot sa kadena ng kolonyal, pyudal at patriyarkal na kulturang pumipigil sa paglahok ng mamamayan sa mga progresibo at rebolusyunaryong gawain.
9. Itaguyod ang ugnayang panlabas na nakabatay sa karapatan ng mga bansa at lahi. Itaguyod ang paggagalangan at tutulan ang anumang anyo ng panghihimasok sa yaman at teritoryong saklaw ng isa’t-isa;
10.Itindig ang pamahalaang kakatawan sa interes at kapangyarihan ng mamamayan. Buuin sa ubod nito ang batayang alyansa ng manggagawa at magbubukid at ang pakikiisa ng kabataan, propesyunal, relihiyoso, makabayang negosyante at tapat na lider ng bayan.
Nakasalalay ang kapangyarihan ng inaaping mamamayan sa pagbubuo ng organisadong lakas na nakasalig sa batayang alyansa ng manggagawa't mala-manggagawa kapwa sa kanayunan at kalunsuran. Ang kapangyarihang ito ang magsisilbing pundasyon para sa pagbubuo ng lakas ng mamamayan tungo sa pagtatayo ng isang tunay na demokratikong pamahalaang magtataguyod sa kanilang pang-ekonomya, pampulitika at makataong karapatan.
Pangunahing panlipunang malasakit ang pangangalaga sa interes at kagalingan ng mamamayan. Sa pamamagitan ng demokrasyang bayan, hahanguin ang mamamayan mula sa kahirapan, pauunlarin ang kanilang kabuhayan, titiyakin ang kaseguruhan sa trabaho at isang makataong kondisyon sa paggawa kasama na ang pabahay, edukasyon, at kalusugan.
Isinusumite para sa Pormal na Pag-apruba/Pagpapatibay
Sa Ikalawang Pambansang Kongreso ng KPD
Mayo 4-6, 2005