0 Comments
Kabisayaan sa Baguio – Benguet:
Tulay sa Pag-oorganisa sa mga Mala-manggagawa Isang mahusay na construction worker si Bay Henry Flores. Skilled kumbaga. Galing siya ng Cebu. Naninirahan siya at marami pang ibang Bisayang construction workers sa San Carlos, Barangay Irisan. Manggagawa ng isang sub-contractor ng PLDT naman si Bay Danny Dulnuan, galing ng Dumaguete, at naninirahan din sa Irisan. Lider-vendor naman si Bay Norr De Lima, isang Waray, nasa komunidad ng Aurora Hill. Regular na nakapwesto sa Teachers' Camp at John Hay at halos bahagi na ng lokal na turismo ang kanilang pagiging vegetable vendors. Si Bay Gil Ganados, galing Bohol, naninirahan sa Swamp Area, La Trinidad, ay presidente ng Baguio-Benguet Drivers and Operators Association. Treasurer naman dito si Bay Rodel Lawan, galing Tabogon, Cebu, naninirahan ngayon sa Tomay, La Tinidad. Ito ang organisasyon ng mga haulers ng gulay mula vegetable farms sa iba't ibang bahagi ng Benguet patungo sa La Trinidad Trading Post. Ito rin ang nakaugnay sa mga vegetable farmers, marami sa kanila ay mga Bisayang nakapag-asawa na ng mga Igorot. Si Bay Rudy Bulawan, galing Samar, at si Bay Serge Pila, galing Cebu, ay mga opisyal ng Trucks and Traders Association. Ito naman ang organisasyon ng mga traders at truck owners-drivers na nagbababa ng mga gulay sa Pampanga, Tarlac, Divisoria, Balintawak, at iba pang bahagi ng Metro Manila. Kasapi din nila ang nagdedeliber sa Lucena City, Legazpi City sa Bicol, sa Samar, Ilo-ilo at Cebu. Umaabot sa 1.475 million kilos ang bolyum ng gulay na nadidistribyut araw-araw sa mga sentrong pamilihan sa mga nabanggit na lugar mula sa grupong ito. Isang kumpol din ang mga Waray sa Balili, La Trinidad (likod ng Benguet State University). Sila naman ang nagtatrabaho bilang mga vendors, packers at kargador sa Trading Post. May isang grupo rin ng Kabisayaan sa bukana ng San Vicente sa Camp 7 na naglalako naman ng daing sa buong bahagi ng Baguio, La Trinidad at iba pang bahagi ng Cordillera. Isang kumpol rin ang Kabisayaang construction workers sa Dominican, Lourdes. Marami ring vendors at comboy (kargador) sa palengke ng Baguio City ang mga Kabisayaan. Isang seksyon din ang Kabisayaan sa hanay ng taxi drivers at operators, talyer, vulcanizing shops at mga latero ng sasakyan. Ang mga kabisayaang ito ang bumubuo sa Tinabangay Mi Ug Nagkahiusang Bisaya (Nagtutulungan at Nagkakaisang mga Bisaya) o Timun - Bisaya sa Baguio-La Trinidad. Nairehistro sa SEC noong Oktubre at pormal na nabuo sa pamamagitan ng asembliya noong Disyembre 4, 2011. Nilahukan ito ng 111 mga kinatawan mula sa iba't ibang grupo o komunidad ng mga kabisayaan sa Baguio at La Trinidad. Nagsisilbing support system ang Timun - Bisaya para sa mga seksyon ng mala-manggagawa o malaproletaryadong Bisaya. Kakampi nila ang kanilang organisasyon sa usaping pangkagalingan lalo pa't mga "dayo" sila rito at malayo sa kanilang pami-pamilya o angkan na natural na support system ng Pinoy. Subalit lagpas dito ang kahalagahan ng Timun sa gawaing pag-oorganisa sa hanay ng masang anakpawis sa Baguio-La Trinidad. Mahigpit na nakaugnay sa gulong ng lokal na ekonomiya at signipikanteng bahagi na ng produktibong pwersa ang mga sektor at komunidad na kinabibilangan ng mga kabisayaan. Maidudugtong nila tayo sa mga kasamahan nilang malamanggagawa, anuman ang etnikong grupong kinabibilangan. Nakaugnay din ito sa pambansang ekonomiya dahil sa vegetable trading industry, kung saan naman nakadugtong ang mga haulers, farmers at traders. Bahagi lamang ng penomenon ng domestic at urban migration ang paglaki ng bilang ng kabisayaan sa Baguio-La Trinidad. Isa itong manipestasyon at mukha ng pagiging neo-kolonyal at malapyudal ng bansa. Bahagi na sila ng tuloy-tuloy na paglaki ng bilang ng malamanggagawa na signipikanteng bahagi ng tinataguriang "informal sector." Paghahanap ng trabaho at kabuhayan ang dahilan sa patuloy na paglaki ng urban migration. Alam nila na ang kanilang praktikal at araw-araw na buhay ay kaugnay na ng suliranin ng sektor o komunidad na kanilang kinabibilangan. Ang pagharap sa kanilang mga usapin sa kabuhayaan ay bahagi na sa kabuuang pagharap natin sa usapin ng vendors, packers, comboy, farmers, truckers, construction workers, drivers, manggagawa sa talyer at autoshops, manggagawa sa komunikasyon, technicians, maliliit na negosyante, mga kasambahay, at iba pang nabubuhay sa para-paraan, anumang etnikong grupo ang kinabibilangan. Ang pagharap sa kanilang mga usapin ay bilang bahagi ng lokal na ekonomiya at ng produktibong pwersa ng Baguio at La Trinidad-Benguet na apektado rin ng mga patakaran at polisiyang pambansa. Ang paglawak ng Timun ay makakaambag sa paglawak at pagpapalalim ng ating gawain sa hanay ng malaproletaryado. Ang pagbubuo ng Timun ay pagtugon natin sa hamon ng pagpapakahusay sa mga iskema at pamamaraan ng pagharap sa hanay ng mga malamanggagawa. ### Subic, Zambales - “Shipbuilding is a high risk job; laxity on safety measures turns a shipyard into a gravely dangerous zone” this is the statement of Alfie Alipio, President of Samahan ng mga Manggagawa sa Hanjin Shipyard (SAMAHAN) in response to the accident that occurred yesterday at the Subic Shipyard or PHILSECO a shipbreaker company after a portion of a scaffold collapsed claiming the lives of five Pinoy workers while injuring six others.
“This horrible accident puts into the limelight the struggle for workplace safety of the Filipino workers in HANJIN’s Subic shipyard,” said Precy Dagooc, secretary general of labor center Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN). Adding that, “if this accidents could happen in a company (PHILSECO) that strictly implements health and safety rules how much more in HANJIN a South Korean shipbuilding giant whose laxity on health and safety implementation caused for the death of 4 workers out of 28 serious accidents in the last five months. It can be recalled that last October 4, 2011 the Commission on Human Rights called for a dialogue with the management of Hanjin Heavy Industries and Construction Phils. Inc. (HHICPI), the Task Force Hanjin headed by the Region III labor department, SAMAHAN and the Church Labor Conference. The initial dialogue exposed a wide gap in health and safety implementation, the labor department’s leniency in compelling HANJIN to comply in Philippine and internationally recognized labor laws such as the right to workplace safety, right to self-organization and collective bargaining agreement. “The rise of work-related deaths and the lack of financial support to the families of the victims is also a growing concern,” noted Alipio, “last May 27 another worker Aries Ariel Aquillo died from multi organ malfunction his family only received a Php 2, 000 donation from the HAnjin management.” MAKABAYAN alongside the Church Labor Conference demands onto P.Noy to bring justice to the Filipinos, uphold human dignity and save the lives of the 21,000 shipbuilders; HANJIN must comply to Philippine labor laws. ###
Start blogging by creating a new post. You can edit or delete me by clicking under the comments. You can also customize your sidebar by dragging in elements from the top bar.
|