First draft Kasalukuyang Sitwasyon sa Bansa at Ang Ating mga Tungkulin Sa pagtatapos ng unang dekada ng ikatlong milenyo, ang buong daigdig at sa gayon ang Pilipinas ay binabayo ng matinding krisis. Inilalantad ng krisis ang kabulukan ng imperyalistang sistemang sumasaklot sa daigdig, gayundin ang pagkabangkarote ng neokolonyal, malapyudal na kaayusang nIlikha nito sa Pilipinas. Ang pinaunlad na mga produktibong pwersa na nasa komand ng pribadong capital - makina, mga capital goods at paggawa (labor) ay araw-araw na nilulustay ng krisis. Samantala’y malawakang winawaldas ng mga imperyalista at papet na estado ang tipong panlipunang yaman sa anyo ng pampublikong pondo upang suhayan at isalba ang dambuhalang pribadong pandaigdigang capital. Sa kabilang banda’y malawakan namang winawasak ng imperyalismo ang kabuhayan at mga karapatan ng masang proletaryo at iba pang mamamayan ng buong daigdig. Lalong tumalim ang mga saligang kontradiksyon ng kapitalismo sa kasalukuyang krisis ng rurok nito, ng imperyalismo. Litaw ang marahas at mapangwasak na saligang katangian ng pribadong kontrol sa tipong panlipunang yaman. Sa kasalukuyang sitwasyon, lalung tumatampok ang pangangailangan para sa pagsusulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo. Pinatayampok ng krisis ang mga katangiang—bulok, dekadente at parasitiko ng kapitalismo sa monopolyong yugto nito. Nagpapatuloy na krisis ng pandaigdigang kapitalismo Taong 2009 ganap na sinaklot ang daigdig ng bagong palo ng pangkalahatang krisis ng imperyalismo. Unang kwarto pa lang, naging ganap na ang resesyon sa pandaigdigang ekonomya. Nagsipag-atrasan kundiman bumara at bumagal ang produksyon sa iba’t ibang bayan. Tumigil ang mga makina at paggawa. Kaakibat nitong tumumal ang kalakalan at pamilihan. Nayanig ang pamumuhay ng milyon-milyong mamamayan – nawawalan ng tahanan, natatanggal sa trabaho, dumaranas ng gutom. Taong 2008 pa lang, nagkukumahog na ang pinakamalalaking pandaigdigang kapital at kanilang mga gubyerno sa pag-aapuhap ng pang-ampat sa krisis. Gamit ang kapangyarihang pang-estado, winaldas nila ang bilyon-bilyong dolyar ng salaping publiko para suportahan ang pinakamalalaking kapital sa pinansya sa daigdig sa dinaraanang proseso ng panibagong mga lamunan at pagsasanib (mergers) na lohikal na hinahahanggahan kapag may matinding krisis. Ngunit kahit ito ay di nakasapat. Ang bilyon-bilyon ay naging trilyon-trilyon nitong taong 2009. Ngunit ang krisis ay nagpapatuloy. Mula ikalawang kwarto, ang mga burges na ekonomista ay nag-iilusyon na ng “pagbawi”. Bawat maliit na pag-usad sa isang aspeto ng ekonomya – panandaliang pagsigla ng pamimili, panandaliang pagbuti ng export, panandaliang paglaki ng produksyon - ay pinalalaki bilang senyales ng “pagbawi”. Ngunit ang mga ipinagpapalagay na “senyales” ng pagbawi, na kalakha’y bunga ng malakihang paggastos at pangungutang ng mga gubyerno, ay pinawawalang-saysay ng patuloy na tanggalan sa trabaho, ng papaliit na kakayahang mamili ng mga tao, at ng nakaambang krisis bunga ng mga nagsilobong publikong utang (public debt) laluna ng mga kapitalistang estado/gubyerno tulad ng US, Japan at mga bansang EU. Ang pansamantalang pag-ampat sa isang bahagi, tulad ng pagkita ng sinalbang pinakamalalaking bangko at institusyon sa pinansya, ay kinukutkot naman ng nagbabantang pagsabog sa iba pang bahagi at sa kabuua’y nagpapakita sa pagugumiit ng pangkalahatang krisis na pumalo. Nariyan ang banta ng pagsabog ng krisis sa komersyal na real estate (bienes), ang pagpalya ng malalaking pandaigdigang mangungutang (tulad ng Dubai World), ang pinangangambahang pagpalya ng mga gubyerno sa kanilang pagkakautang, ang mabilis na debalwasyon ng US dollar at nililikha nitong kaguluhan sa pandaigdigang sistema ng pananalapi at kalakalan. Pagdausdos sa katayuan ng US bilang nag-iisang imperyalistang superpower Pinakamatinding tinamaan ng krisis ang ekonomya ng nag-iisang imperyalistang superpower, ang US. Umatras na ang kabuuang GDP nito ng 2.61% [mula 13,321.1 (Q3, 2007) tungong 12,973.0B (3Q, 2009)] buhat noong mag-umpisa ang resesyon. (Bureau of Economic Analysis, Department of Commerce). Pinakamabilis ang naging pagliit sa konstruksyon, pagmamanupaktura at sa information technology. Higit pang lumaki ang depisitong piskal (fiscal deficit) o taunang pananalapi ng gubyernong pederal ng US. Umabot na ito sa $1.4 trilyon sa piskal na taong Setyembre 2008-Setyembre 2009. Katumbas ito ng halos 13.1% ng GDP o kabuuang halaga ng produkto at serbisyo. Itinulak ang paglaki ng depisito ng paggastos ng pondong publiko para isalba ang mga pinakamalalakng institusyon sa pinansya tulad ng Goldman-Sachs, Citibank, JP Morgan, gayundin ng eskalasyon pa ng gyera ng pananalakay sa Afghanistan at pagmantine ng mga tropang Kano sa Iraq. Ayon sa inspector-general ng TARP, abot na ng $23.7T ang nailaan ng gubyerno sa anyo ng mga perang ipinamigay, pautang, garantiya sa utang at iba pang mga subsidyo sa mga higanteng institusyon sa pinansya samantalang $30B naman kada taon ang ginagastos para sa gyera sa Afghanistan. Upang tustusan ang depisito, ibayong pangungutang ang naging pantugon ng gubyernong US. Lumubo na ang utang nito sa mahigit $12 trilyon noong Oktubre 2009 mula sa $10 trilyon noong Setyembre 2008. (Financial Times, November 2009). Upang di tumigil ang operasyon, hihilingin ng gubyernong Obama sa Kongreso ang pagtataas ng takdang maksimum na limit sa pwedeng utangin lampas sa $12.1T na itinakda noong maagang bahagi ng 2009. Papabigat ang pasaning bayad-utang (debt servicing). Noong Setyember 2008 – Setyembre 2009, umabot na sa $383B ang binayaran ng US sa interes pa lang ng kanyang mga utang. Sa ganitong tantos, 40 cents sa bawat 1 dolyar ng singil na buwis mula sa mga mamamayan ang pumupunta sa bayad-interes. At sapagkat kasama sa pangungutang ang pag-iimprenta ng bagong salapi, mabilis na dumadausdos ang halaga ng dolyar sa palitan nito sa ibang salapi. (Mula 1971, bumaba na ang halaga ng dolyar ng 2757% relatibo sa ginto. Ang halaga ng 1 onsa ng ginto noong 1971 ay $35 kumpara ngayon na pumapatak sa $1000 ang isang onsa ng ginto.) Walang puknat na ang paghamon dito, sa pangunguna ng China, bilang siyang pandaigdigang salapi sa kalakalan. Sa proseso’y nadede-istabilisa ang kabuuang pandaigdigang sistema ng pananalapi, pautang at kalakalan. Si Obama na mismo, sa kanyang pagbisita sa China, ang nagsabing kapag di makontrol ang lumalaking depisito sa badyet (at kaakibat nitong pangungutang), may peligrong tumungo ang ekonomya ng US sa panibagong pagbagsak na tinawag niyang “double dip recession”. Lumilitaw din ang banta ng double dip recession mula pang-iipit sa pautang ng apat na pinakamalalaking bangkong nakinabang sa stimulus plan – ang Bank of America, JP Morgan, Citigroup at Wells Fargo. Sa kabila ng mga ulat ng lumaking kita at pagbibigay sa mga opisyal nila ng mga mga compensation at bonuses na abot sa $150 B, sa katunaya’y lumiit pa ng 15% ang kanilang pautang sa nakaraang anim na buwan. Abot sa $1.1T ng inilabas na pondong publiko ang kanilang inirereserba sa tinataya nilang pwersadong pagbura sa talagang di na mababayarang mga pautang. Ang pagtanggi ng mga malalaking bangkong maglarga ng pautang ay patuloy na umiipit sa mga maliit at katamtamang laking prodyuser at kaakibat nito, ay puimipigil sa paglikha ng mga empleyo. . Ang proletaryong Amerikano ang bumabata sa tindi ng krisis. Ayon mismo kay Bernanke, mahigit 8M trabaho ang nawala mula Disyembre 2007. Ang tuluy-tuloy na pagtatanggal sa trabaho ay humangga na noong Oktubre sa 10.2% na tantos ng disempleyo (o kabuuang 15.4M na walang trabaho) sa buong bansa mula sa kulang 5% tantos bago Disyembre 2007. Sa 15 magkakaibang lugar sa US, umaabot sa mahigit sa 15% ang upisyal na tantos ng disempleyo. Maraming burges na ekonomista , tulad ni David Rosenberg, punong ekonomista ng Canadian wealth management firm Gluskin Sheff, na nagsasabing aabot pa ito sa 12% sa pinakamataas. Dumoble rin ang bilang nyaong mga naghahanap ngunit walang makitang buong-panahong paggawa (underemployed) at sa gayo’y nagkakasya sa karaniwang 33 oras ng paggawa kada linggo. Batay sa mga datos ng gubyernong US, kapag isasama ang mga napwersa sa maikling oras ng pagtatrabaho (underemployed) at yaong mga di na naghahanap ng trabaho (2.4M ng“discouraged workers”), ang tunay na tantos ng disempleyo ay aabot sa 17.5% ng lakas paggawa, isang antas na kahalintulad ng depression. Halos di gumagalaw ang nominal na pasahod. Noong Nobyembre 2009, 0.1% paglaki lang ang naitalang paglaki. Sa buong taon, ang karaniwang arawang sahod ay lumaki lang ng 2.2% habang ang karaniwang lingguhang sahod, sapagkat apektado ng nabawasang oras-paggawa, ay lumaki lang ng 1.6%. Kapag susukatin sa aktwal na halaga, dahil sa tumaas ang presyo ng mga bilihin ng 2.8%, ang aktwal na halaga ng sahod ay lumiit pa ng mahigit 1%. Sa pagbaba ng pasahod at sa pagkakarga ng mas maraming trabaho sa mga naiwan pang me empleyo nagmumula ang sinasabi ng Department of Labor na pagtaas ng produktibidad ng 8.1% noong ikatlong kwarto, pinakamataas na tantos na inabot nito sa nakaraang 6 na taon. Tunay na ang krisis ay naging okasyon para sa pagpapatindi ng pagsasamantala sa masang proletaryong Amerikano! Bunga nito, tampok ang pagbaba ng uri ng pamumuhay ng maraming manggagawang Amerikano. Abot na noong Setyembre sa 1.09M ang bilang ng pamilyang nawaIan o napipintong mawalan ng bahay (Office of Thrift Supervision and the Office of the Comptroller of the Currency. Maging yaong mga tinatawag na prime borrowers ay pumapalya na rin sa pagbabayad. Bumagsak na noong Setyembre ng 13% ang pangungutang gamit ang mga credit card matapos ang 13% ring pagbagsak noong Agosto, patunay ng pagririyenda sa pamimili ng maraming pamilyang Amerikano. Sa kabila nito, nanatiling $889.4 billion ang kabuuang utang ng mga mamamayan o $7,537 na karaniwang pagkakautang (indebtedness) ng bawat tahanan ( Federal Reserve, G.19 Release, November 7, 2009). Ayon sa Lowcards.com tumataas rin ang tantos ng palya sa pagbabayad sa mga utang gamit ang credit card. Tinatayang ___% na ng pamilyang Amerikano ang dumaranas ng matinding kahirapan at may napaliit na kakayahang mamili. At sapagkat ang paggastos ng mga mamamayan ang sumusustento sa 70% ng ekonomya ng US, tinatayang patuloy pang liliit ang GDP ng US. Kahit mga ekonomistang Amerikano tulad ni Bernanke ay nagsasabi na kung may magaganap man na rekoberi sa maikling panahon, ito ay ‘jobless recovery’, o sa madaling sabi, walang idudulot na paghusay sa katayuan ng pamumuhay ng maraming walang empleyo. Inilalatag sa panahon ng kasalukuyang krisis ng kalagayang iiralan ng paggawa makaraan nito. Ayon kay Robert Reich, kalihim sa paggawa sa ilalim ng administrasyong Clinton, pinabilis ng resesyon ang “istruktural na pagababago” sa ekonomya. Ipinupwersa ng kapitalistang sistema sa mga manggagawa ang isang rehimen ng ibayong pinababang pasahod at kabawasan sa mga benepisyo. Sa kondisyong ito itinutuntong ni Obama ang panukalang istratehiya ng muling pagpapalakas sa export ng US, o sa madaling sabi, istratehiya ng ibayong pakikipagkumpetensya upang sikuhin ang mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Proteksyonismo (para sa Amerikanong capital) ang lohika ng istratehiyang Obama. Permanenteng pagpapababa sa istandard ng pamumuhay ng uring manggagawang Amerikano ang kahulugan nito. Inilantad ng krisis ang saligang karupukan ng ekonomyang US na kinatatampukan ng paghina ng industriyal na produksyon, ng pagdepende sa pampubliko at pribadong pangungutang, at pangingibabaw ng pagkita sa pinansyal na ispekulasyon. At kahit ang humina nang industriyal na kapasidad ay di pa lubusang mamaksimisa para sa higit pang pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa, kasama na ang paggawa ng manggagawa. Malaking bahagi (35%) ng produktibong pwersa ay nilulustay ng kapitalistang ekonomya. Ang krisis sa US ay sumalamin lang at naghudyat ng palo ng krisis ng buong kapitalistang sistema na hanggang sa kasalukuya’y bumabayo pa sa kabuuan ng pandaigdigang ekonomya. Binabago nito ang konfigurasyon ng imperyalistang daigdig. Dumadausdos ang US sa katayuan bilang nag-iisang imperyalistang superpower, ibayo pang pinahihina ang katayuan ng UK, habang nagpapalitan ang China, Germany at Japan sa kanilang mga katayuan. Tumitindi rin ang krisis sa iba pang kapitalistang bayan Nagpapatuloy at tumitindi pa ang krisis sa ibang imperyalistang bayan. Nananatili ang krisis pinansyal sa Britanya. Kamakailan lang, ipinatupad ng gubyerno ang pinakamalaking pagsagip sa isang bangko. Naglaan ng £25.5B na karagdagan sa dati nang nailargang £26 B para sagipin ang Royal Bank of Scotland at ng karagdagang £6B na pwede nitong muling kunin kapag kailangan. Naglaan din ng £5.7B para naman saluhin ang Lloyds Banking Group na nauna nang lumamon sa bumagsak na Halifax/Bank of Scotland (HBOS). Itong pinakahuling pag-bail out, na umabot sa £37B, para lang i-istabilisa ang mga mga bangko ay patunay ng tindi pa ng krisis. Laluna’t bago matapos ang Nobyembre, muling niyanig ang mga pinansyal na institusyon ng Britanya ng pagdeklara ng Dubai World ng “pagtigil ng pagbabayad-utang sa susunod na di kukulangin sa anim na buwan”. Sa loob lang ng isang araw, £44B ang nawala sa halaga ng mga sapi sa stock market sa London. Pinakamatinding tinamaan ang mga bangkong nakapagpautang nang malaki sa Dubai World at mga subsidiaryo nito – HSBC($17B) at Standard Chartered, Citigroup UK, Lloyds and Royal Bank of Scotland. Ang panibagong paglalarga ng pondong publiko para sa pagsalba sa naturang mga bangko ay ginawa sa kabila ng malaking depisito sa badyet na umaabot na sa 6.8% ng GDP. Ayon sa IMF, ang malaking depisitong ito ang naghahanay sa UK bilang isa sa mga pinakabulnerable sa tinatayang magiging pagtaas ng interes sa pautang. Nakaamba na ang malamang na pag-downgrade sa credit rating ng GB mula AAA. Halos di gumagalaw ang GDP ng eurozone. Lumiit ito ng 0.2% ng ikalawang kwarto bagama’t lumaki ng 0.4% ng ikatlong kwarto. Mas paggamit ng pondong publiko (sa bawat bansa at sa antas ng eurozone) para sa pagsalba sa mga institusyon sa pinansya at sa pagtitiyak ng pautang ang nagdala ng ganitong pananatiling nakalutang pa ng ekonomya sa eurozone. Bahagyang umusad ang Germany at France noong ikatlong kwarto, ngunit tulad sa US, ito’y tulak ng malakihang paggaqstos ng gubyerno (France 30 million euros); Germany 85 billion euros). Ang iba pang mga ekonomya (Italy, Spain, ___) ay patuloy na lumiliit sa kabila ng buhos ng pondong publiko. Ngunti ang mga stimulus plans ay magwawakas na. Samantala’y nagpapatuloy ang paglaki ng disempleyo. Ang paglakas ng euro mismo ay pagmumulan ng problema sa mga industriyalisadong ekonomyang naka-angkla nang malaki sa export ng produkto at kapital sa isang pandaigdigang pamilihang katatampukan ng pukpukang kumpetisyon sa hinaharap. Ang Germany, kung saan ang ekonomya ay ___% nakadepende sa export, binabagabag na ng malaking pagliit nito. %1.17 B Ang Japan ang isa sa mga ekonomyang talagang barado. Di pa man ito ganap na nakakabawi sa mahabang pagkakabara ng ekonomya sa halos kabuuan ng 1990s. Baon ang gubyerno sa utang (180% ng GDP ang kabuuang utang) nililimitahan nito ang kakayahan ng gubyerno sa pag-bak-ap a pribadong capital. Sa China tumatanaw ang imperyalistang daigdig para sa pagbawi. Naglaan ang gubyerno ng China ng $586 billion ng pondong publiko para bigyang sigla ang kapitalistang ekonomya – para sa impraistruktura, at para pangsagip sa mga bangko at paglikha ng trabaho. Tulad din sa ibang kapitalistang bansa, may ibinigay ang sinasabing stimulus plan na bahagyang sikad sa ekonomya. Noong ikatlong kwarto, lumaki ang GDP ng 8.9% at tinatayang aabot ng 8.3% ang magiging paglaki sa buong taon. Gayundin, ang mga murang produktong pang-export ng China ay umambag upang malampasan nito ang Germany bilang siyang pangunahing exporter ng daigdig. Tumuntong ang export nito sa $1.2 T, lampas sa tinatayang %1.17 T na exdport ng Germany sa nakaraang taon. Patuloy na ineengganyo ang mga mamamayan na gumastos upang malikha ang lokal na pamilihan, kahit man lang para sa sa edukasyon at kalusugan. Ngunit ang China ay binabagabag ng malaking pagliit ng tantos ng paglaki ng kanyang GDP (mula sa 11.6% noong 2006, 13.0% noong 2007 at 9.8% noong 2008) , ng mababa pang karaniwang kita ($6,000 noong 2008) at lumalaking disparidad sa kita(gross inequity in income), ng napaka-tagibang na pag-unlad sa pagitanng iilang sentrong ng industriya at malawak na atrasadong kanayunan, ng malakingbilang ng walang trabaho kapwa sa kanayunan at kalunsuran, at ng mabilis na lumalaking nakatatandang populasyon (aging population) at maliit na nakababatang pwersa sa paggawa. . Masahol pa, ito’y mahigpit na nakadepende sa pandaigdigang kapitalistang pamilihan para sa kanyang pagsusustini ng pag-unlad. Wala sa pusisyon ang China na isalba ang pandaigidigang kapitalista nang hindi niliilikha ang panloob na batayan sa sariling malalaking panloob na kaguluhan. Ang pangkalahatang krisis ngayon ng kapitalismo, na ayon sa maraming ekonomista ay nagbabantang tumungo sa depresyon, ay bunga ng pagtalim ng mga kontradiksyon ng imperyalistang sistema. Inilitaw nito ang pinakamasahol na katangian ng imperyalismo – ang mapangwasak na katangian nito. Kagutuman, kawalang tahanan, kawalang-trabaho para sa milyun-milyong mamamayan sa lahat ng sulok ng daigdig sa isang banda, at sa kabilang banda, nakatiwangwang na mga produktibong pwersa - makina, hilaw na material, at lakas-paggawa at mga produkto ng sosyalisadong paggawa. Isang kabalintunaang hatid ng monopolyong control sa pandaigdigang yaman ng iilang dambuhalang pandaigdigang kapitalista. Ang pandaigdigang krisis na ito ang pangunahing kondisyong nakakaimpluwensya sa katayuan/kalagayan sa ekonomya at pulitika ng mga bansa sa daigdig, maging sa Pilipinas. Matinding krisis sa ekonomya at pulitika sa Pilipinas Sabayang pumapalo ang tuminding krisis ng bangkaroteng import-dependent, export-oriented na ekonomya ng Pilipinas at ang pagsagad ng krisis ng anti-demokratiko, reaksyunaryong sistemang pulitikal. Matinding kahirapan, kaapihan at desperasyon ang hatid nito sa mamamayan. Higit pang lumalalang krisis sa ekonomya Ang ilusyon ng rehimeng GMA na makakaiwas sa krisis ang Pilipinas ay parang bulang pumutok sa harap ng kalagayan ng lalong paghihirap ng mamamayan at pagdausdos ng kabuuang pambansang ekonomya. Ang kabuuang GDP mula Enero hanggang Setyembre ay lumaki lang ng 0.7%. Taliwas sa inaasahan, 0.8% lang ang naging paglaki ng GDP noong ikatlong kwarto (Q3). Ito’y matapos ang pagliit noong unang kwarto at 0.8% lang na paglaki noong ikalawang kwarto. Serbisyo pa ang nagdala ng paglaki nito (4%), bahagya lang ang naging paggalaw ng agrikultura (1.6%) habang lumiit nang malaki ang industriya (-4.4%). (PDI, 27 November). Sa panukat ng Value of Production Index (VaPI), ang manupaktura ay nagrehistro ng 15.2% pagliit mula Agosto 2008 hanggang Agosto 2009. Ang siyam na mayor na sector na nagrehistro ng malalaking pag-atras ay : produktong petrolyo (-53.3%); muebles at kahalintulad (-39.2%); produktong katad (-34.2%), mga inumin (-25.2%), batayang metal (-23.7%), electrical na makinarya (-21.3%), kasuotang paa at iba pang kasuotan (-18.7%); papel at produktong papel (-17.9%) at kahoy at produktong kahoy (-10.7%) (Monthly Integrated Survey of Selected Industries, NSO) . Mapapansing ang kalakhan ay yaong may kaugnayan sa produksyon at yaong mga di esensyal na pangangailangan, kapwa nagpapakita sa pagtumal ng produksyon at gayundin ng pagtitipid ng mga mamimili. Ang kabuuang tuwirang dayuhang puhunan noong ikatlong kwarto na dumaan sa Board of Investments (BOI), Clark Development Corporation (CDC), Philippine Economic Zone Authority(PEZA) at sa Subic Bay Metropolitan Area ay bumagsak ng 84.4% sa PhP10.4B mula sa PhP66.7B noong parehong kwarto ng nakaraang taon. Ito ang pang-apat ng kwarto ng tuluy-tuloy na pagliit sa aprobadong tuwirang dayuhang pamumuhuna, at pinakamalaking pagliit sa nakaraang 3 kwarto. Tuluy-tuloy ang pagbagsak ng kita sa export, laluna ng electronics. Sa unang pitong buwan ng 2009, $10 bilyon ang iniulat na pagliit ng kita bunga ng tuluy-tuloy na pag-atras ng export. (Business section, Phil. Star, 09/21/09).) Samantala’y mabilis ding lumiliit ang kabuuang importasyon. (give data)Ang lumiliit na importasyon ay nagbabadya ng higit pang papaliit na produksyon. Umabot ang depisito sa badyet sa P266.1B noong Oktubre, lampas-lampas na sa kabuuang target na P250B para sa buong taon. Bunga ito ng lumiit na koleksyon ng BIR at BoC, maliban pa sa lumaking gastos ng gubyerno para sa panakip-butas na mga “remedyo” sa krisis at pagtugon sa kalamidad. Tinatayang aabot ang depisito sa P324B sa buong taon ng 2009 (PDI, November___; Inilulubog ng papalaking depisito sa badyet ang Pilipinas sa higit pang pagkakautang. Sa taong 2009, karagdagang $3.25 B (please countercheck) ang inutang mula sa labas ng bansa ($1.5 B noong Enero; $750B noong _____; $1B noong Oktubre). Ang kabuuang pambayad-utang (debt servicing) ngayong 2009 ay aabot sa P698.5B – P309.7 B sa interes at P388.8 B sa principal – na 8.7% mas malaki kaysa sa nakaraang taon. Tinatayang higit na hihirit ang pambayad-utang sa susunod na taon bunga ng interes sa mga bagong inutang; (PDI, 27 November) Higit pang lumalaki ang disempleyo. Di sinasalamin ng upisyal na datos (Hulyo’09 : 7.6% na disempleyo; 19.8% na kulang sa empleyo, BLES: Labstat Updates, Sept. 2009) ang aktwal na kalagayan sa empleyo sa Pilipinas. Sa katunayan, ang malaking paglobo ng na-e-“empleyo” sa serbisyo ay resulta ng karagdagang para-paraang pagkita upang maitawid ng mga nawalan ng empleyo ang kanilang mga pamilya sa gutom. Kapag susukatin yaong mga napilitan nang pumunta sa serbisyo bunga ng pagkakatanggal sa trabaho, at yaong mga tumigil nang maghanap ng trabaho, ang aktwal na tantos ng walang empleyo ay aabot ng 40.3% ng lakas-paggawa. Ang export-oriented, import dependent na produksyon, at kaakibat nitong pagkabansot ng produksyon para sa lokal na pangangailangan, ay lumulustay ng produktibong kakayahan ng masang anak-pawis at nagtutulak sa kanila na magkasya sa pagbibigay-serbisyo. Sa nakaraang sampung taon, mabilis na lumaki ang bahagi ng serbisyo sa kabuuang paggawa. (provide data) Kalakhan dito ay nasa para-paraang pagkita tulad ng iba’t ibang anyo ng transportasyon, paglalako, pagbibigay ng personal na serbisyo, at iba pa. Maging ang itinutulak ng rehimen na diumano’y mga”sunshine industries” ay nasa serbisyo – BPOs tulad ng call centers at medical transcriptions, at turismo. Sa pagliit ng pamilihan para sa produktong export bunga ng palo ng pandaigdigang krisis, talagang lalung tatampok ang serbisyo bilang siyang natitirang pupuntahan ng lakas-paggawang Pilipino. Sa loob ng lumiliit na kabuuang importasyon, ang mabilis na lumalaki ay ang importasyon ng mga pinakabatayang pangangailangan. Lumaki ang netong importasyon ng bigas mula __M metriko tonelada noong 1998 tungong ___milyong metriko tonelada noong nakaraang taon. Tinatayang higit pang malaki ang aangkatin para sa 2010. Ang importasyon ng karne ay lumaki ng ____%, ng gulay ng ___%, ng isda ng ___%; ng gatas ng ___% at ng asukal ng ___%. Isinapeligro ng disenyong export-oriented, import dependent ng ekonomya ang seguridad sa pagkain ng bansa. Ang paglobo ng presyo ng bigas noong nakaraang taon (kung kalian umabot sa P49 kada kilo ng bigas) ay bunga ng pagbansot sa lokal na produksyon ng naturang disenyo. Sa kabila ng ipinangangalandakang mababang tantos ng inplasyon, sa katunaya’y mabilis ang naging pagtaas ng mga saligang pangangailangan – ang karneng baboy na dati’y P135 kada kilo ay 160 – 175 na ngayon; ang karneng manok na dating P90 – 100 ay P125 na ngayon, ang asukal na dating P34 kada kilo ay P37 na ngayon; ang mantika na dating P kada litro ay ___ na ngayon. At ito’y sa kabila ng lumiit na kita bunga ng pagkatanggal sa trabaho, o pagbabawas ng araw ng pagtatrabaho o ng pagkakapako ng kita. Ang paparaming peti-burges ay napoproletaryanisa ng kawalan ng mapapasukang hanap-buhay. Kahit ang peti-burges na pamumuhay ng mga pamilya ng dating mga OFW ay umatras bunga ng krisis. Gipit ang pagnenegosyo, produksyon man o komersyo, ng pangkalahatang pagtumal ng pamilihan bunga ng krisis. Mabilis na lumalaki ang bilang ng itinuturing na naghihirap. Noong ____ tinatayang 35% ng pamilyang Pilipino ang maituturing na naghihirap. Kitang migrante ang sumusuhay sa ekonomya Ang pagluluwas ng lakas-paggawa sa pandaigdigang pamilihan ang naging pantakip sa kakapusan sa trabaho at mababang produksyon ng labis na halaga. Kalakhan ng export na paggawa ay nasa gawaing serbisyo rin – domestic helpers, caregivers. Nitong nakaraang tatlong taon, mabilis na dumagdag dito ang mga propesyunal – narses, doctor at guro. Lalo namang pinalaki nito ang kakapusan ng naturang mga serbisyo sa bansa. Malaon nang ang remittances ng mga migranteng Filipino ang nagsusustini sa ekonomya ng bansa. Noong 2008, ang $16.4B remittances ang nag-ambag para makamit ang 3.5% paglaking GNP. Hanggang Hunyo, umabot na ang remittances sa $8.5B at tinatayang sa buong 2009 ay lalampas sa $16.4B na inabot noong 2008, (PhilStar, 08/18/09) laluna nagpipilit ang mga Pilipino sa ibayong dagat na higit na magtipid upang makapagpadala ng mas malaki sa mga kamag-anak na pininsala ng magkakasunod na bagyo. Ngunit kahit ito ay apektado ngayon ng palo ng pandaigdigang krisis. Kapuna-puna ang pagliit ng karaniwang padalang pera ng bawat migranteng Pilipino. Ganoong mabilis na lumalaki ang bilang ng migrante at contract workers, di kasimbilis ang paglaki ng kabuuang remittances. Nooong 2008, lumaki ng __ ang bilang ng OFW ngunit lumaki lang ng ___% ang kabuuang remittances. Lalung pinalalala ng mga kalamidad ang kahirapan ng mamamayan Higit pang pinalala ang kahirapan ng mga mamamayan ng palo ng mga kalamidad na dumadalas at higit na nagiging mapaminsala. Ngayong taong ito, umabot sa ___ ang kabuuang bilang ng bagyong dumaan sa Pilipinas. Pinabaha nito ang __ na lugar sa Pilipinas at lumikha ng mga pagguho sa maraming lugar. Pinakamapaminsala ang magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng. Di kukulangin sa 625 ang namatay sa gitna ng kalamidad. Abot sa _____ ang kabuuang bilang ng tirahan na nasira. Di kukulangin sa ___ ektarya ng taniman at ___ ektarya ng palaisdaan ang nawasak at tinatayang kabuuang P10B ng dapat ani ang nawala. Maraming maliliit at katamtamang laki na produksyon (yaring kamay, pagkain, maliliit na pabrika), komersyal na establisemyento (mula sa pwesto sa palengke, maliliit na tindahan hanggang mga bazaar at mall), at iba pang hanap-buhay (traysikel, jeep, taxi)ang napinsalaan ng puhunan at pansamantalang tumigil. Di bababa sa P15B ng pribadong ari-arian ang nasira. Tinatayang nagdagdag pa ang mga kalamidad ng humigit-kumulang sa 300,000 taong naghihirap sa dati nang tinatayang 35% naghihirap na pamilyang Pilipino. Ang pananalasa, kagyat na pinsala at kasunod pang mga pinsala bunga ng bahang dala ng bagyong Ondoy at Pepeng ay pangmatagalan ang epekto sa kabuhayan ng mamamayan. Muling inilantad ng kalamidad ang labis na kakapusan hanggang kawalang-kakayahan ng reaksyunaryong estado sa pagtugon sa mga sitwasyon ng kalamidad. Umabot ng tatlong araw bago nailikas ang lahat ng mga apektado ng kalamidad. Kalakhan ay nakalikas bunga ng tulong ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Masikip at kapos sa pasilidad sa mga pinaglikasan, dahilan upang magkanya-kanyang paraan ang maraming biktima ng kalamidad. At nangyari ang kinatatakutan. Sumabog ang problema sa leptospirosis sa hanay ng mga biktima. Umabot sa mahigit 2,000 ang tinamaan ng sakit, mahigit 200 ang tuluyang binawian ng buhay. Sa kasagsagan ng problema, ni pangsuri sa sakit ay di sapat na matugunan ng gubyerno. At kahit sa gitna ng kalamidad, di naglubay ang katiwalian/korupsyon sa paggamit ng kaban at rekurso ng bayan. Litaw na nga ang mga kakapusan bunga ng walang humpay na katiwalian, maging ang mga nakalaang relief goods ay inipit pa. Nalantad ito sa pagkadiskubre ng mga itinabing relief goods sa bodega ng DSWD. Masahol pa, kahit sa kabila ng matitinding pagbaha at pagguho (landslides) nitong nakaraang sampung taon hatid ng pagkasira ng kalikasan, walang tugot ang reaksyunaryong estado sa pagtutulak ng pagmimina gayundin sa pang-eengganyo ng dayuhang puhunan para sa mga plantasyon ng African oil palm, jetropa, at iba pang produktong panluwas tulad ng saging, pinya, at abaca. ( ___ pang konsesyon sa pagmimina ang inilabas noong 2008 at 2009. ___ ektarya pa ng bulubunduking lupaing publiko ang sinaklaw ng mga bagong plantasyon.) Kalakhan nito’y naghahawan ng mga bulubunduking lupain. Nagpapatuloy din ang real-estate development maging sa naisapribadong mga palispisan ng bundok. Ang diumano’y komitment para sa pagpigil sa global warming ay nanatiling hanggang salita lamang sa harap ng patuloy na pagpapangibabaw sa interes ng malaking kapital para sa gamit ng lupain. Ipinailalim ng pinakamapaminsalang disenyong neoliberalismo ang buhay at kabuhayan ng mamamayan sa pinakamatinding pagsasamantala at kagipitan. Nililikha rin nito ang pinalalang bulnerabilidad ng buhay, kabuhayan at komunidad nila sa mga kalamidad. Matinding pampulitikang pagkakahiwalay ni GMA at pagsagad ng kabulukan ng reaksyonaryong sistemang pulitikal Sa sagad-saring pangunguyupapa sa imperyalistang interes, at sa garapalang pagpapairal ng sariling makitid na personal at paksyunal na interes, inaani ng paksyong GMA ang malawakang pagkamuhi ng mamamayan. Ang halos pitong taong tuluy-tuloy na negatibong pagtanggap dito ng mamamayan ay patunay sa inabot nitong pampulitikang pagkakahiwalay. At kung ang natatanging papel ni Marcos sa reaksyonaryong pulitika sa bansa ay ang pagpapairal ng hayagang teroristang paghahari ng isang paksyon, na nagpulitisa sa mga upisyal-militar, natatangi namang papel ni GMA ang pag-aalis ng lahat ng balat-kayo sa sinasabing mga “demokratikong” proseso. Nailantad ni GMA sa kasagaran ang katangian ng rekasyonaryong pulitika na pinangingibabawan ng mga monopolistang nagmamaniobra para sa sariling interes. Sa panahon ni GMA nalikha ang klima ng walang-pakundangan, sagad-sarang pagpapairal ng kapangyarihan nang walang iniindang anumang pananagutan sa mamamayan at maging sa mga naitakda nang pampulitikang proseso (climate of impunity). Sa nalantad na sunud-sunod na mga pandaraya sa eleksyon (election 2004 at election 2007), magkakasunod na mga pagnanakaw sa kabang-yaman (Lorenzo, Bolante, Abalos, at iba pang alipures nito), paglabag sa mga demokratikong karapatan, malaganap at walang pakundangang pagpatay ni Palparan at mga katulad niya, mga garapalang maniobra sa Kongreso para ilusot ang charter Change at upang harangan ang mga impeachment proceedings laban kay GMA, ipinakitang makalulusot, at nailulusot ng rehimeng GMA ang sarili at mga kaalyado nito, sa pananagutan sa mga tiwali, at ilegal na mga gawi at hakbang. Inilantad nito ang kahungkagan ng sinasabing mga “demokratikong proseo” – diumano’y eleksyong sumasalamin sa pampulitikang kapasyahan ng mamamayan, paggalang sa mga karapatan, pantay na pananagutan sa batas, atbp. Sa pagmamaniobra ng sariling interes, nabuo ni GMA ang paksyong nakasabwat sa maraming krimen laban sa bayan – mga heneral/retiradong heneral, mga burukrata sa gubyerno, mga tiwali at bayarang upisyal sa Kongreso at lokal na gubyerno, at maging sa mga korte. Napaboran sila sa pakikipagsabwatan kay GMA, at tinamasa ang proteksyon ng kapangyarihang nakaluklok sa Malacanang. Kayat’ di katakataka na umabot ang ganitong klima sa pinakahuling masahol na pagpapakita nito – sa ginawang maramihan at walang-pakundangang pagpaslan g ng mga kaalyado at kaibigan nitong pamilyang Ampatuan sa kanilang mga karibal sa pulitika. Dito, sa walang pakundangan at garapalang pagpapairal ng kapangyarihan para sa sariling interes, tumutuntong ang matinding pagkamuhi ng mamamayan kay GMA. Ito rin ang nagpalalim sa bitak sa hanay ng reaksyon at mga haligi nito. Dahil dito kung bakit matindi ang pampulitikang pagkakahiwalay ng rehimeng GMA. Naging okasyon para sa pagpapakita ng ganitong pagkamuhi ang pagkamatay ni Cory Aquino at ang burol at libing nito. Daan-daang libo ang lumabas sa kalsada upang buhayin ang panawagan para sa pagbabago. Higit pa itong pinaypayan ng mass media na naging kritikal na sa rehimeng GMA.Lumitaw din sa naturang okasyon ang bitak sa hanay mismo ng pamunuang militar gayundin sa hanay ng malaking negosyo at simbahan, kung saan ang malaking seksyon ay tumututol na sa rehimeng GMA. Ipinihit ng pagbulwak ng anti-GMA na sentimyento ng mamamayan ang takbo ng pulitika sa bansa. Binigyang tulak nito ang eleksyon bilang daan sa pagresolba sa krisis ng paggugubyerno at pagtatanggal sa kinamumuhiang gubyerno. Nalikha ang isang kilusan, pangunahin ng mga petiburges, para itambol ang panawagan para sa “pagbabago”. Inilagay ng naturang kilusan ang anak ni Ninoy at Cory na si Noynoy Aquino sa sentro ng elektoral na labanan upang diumano’y katawanin ang pagnanais ng mamamayan sa pagbabago. Mas mapagpasya, iginuhit na ng US ang panuntunan nito sa pagpapalit ng rehimen, Idiniin mismo ni US President Obama na dapat matuloy ang eleksyong 2010. Ganito rin ang tindig ng malakign bahagi ng pamunuan ng simbahan at big business. Ang magkatuwang na paglakas ng kilusan para sa “malinis, matapat at mapayapang eleksyon” at ang pagkatig ng imperyalismong US at iba pang seksyon ng halgii ng reaksyon dito, ay kagyat na nagpakitid sa mga maniobra kapwa ni GMA sa pagharang dito , at gayundin, sa mga maniobra ng mga pwersang kontra-GMA para sa extra-konstiyunal na mga hakbang. Kumakasa ang lahat, maging ang paksyong GMA, sa labanang electoral. Ngunit di binubura ng lumakas na tunguhing electoral ang pagnanais at pagsisikap ni GMA para sa pagpapalawig ng kanyang poder. Ididiskarte at ididiskarte nito ang sariling ambisyon. Ang pagtakbo ni GMA para maging kongresista ay pinaniniwalaang sa layuning makapangibabaw sa Kongreso at gawing daan ito upang itulak ang pagbabago sa porma ng gubyerno tungong parlamentaryo na nilalayong kanyang mapangingibababawan. Gayundin, sinasamantala ni GMA ang nalikhang kaguluhan ng kasuklam-suklam na pagmasaker ng kaalyadong pamilyang Ampatuan sa mga karibal sa pulitika upang subukan ang pagpapairal ng batas-militar. Gayung idineklara lang para sa Maguindanao, di malayong tumatanaw ito sa deklarasyon ng martial law sa iba pang panig ng bansa kapag mailulusot bilang “makatwiran at kinakailangan”. Ang pinakahuling desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot ng pananatili sa poder ng mga kumakandidato ay pumapabor din sa pagpapakana ni GMA. Pinahihintulutan nito si GMA na manatiling pangulo hanggang June 30 kahit pa kumakandidato para sa Kongreso at sa gayo’y nasa katayuang mangasiwa sa isang posibleng lumitaw na sitwasyon ng pagkabigo ng eleksyon (failure of elections) ibunga man ito ng pinag-ibayong karahasan (tulad ng ginawa ng mga alyado nitong Ampatuan) o ng pagpalya ng sistemang automation. Tunay na di magtutugot ang pagpapakana ni GMA na patuloy na mahawakan ang poder. Sa tagumpay ng kanyang pakana naka-angkla ang kanyang paglusot sa maraming pananagutang krimen laban sa mamamayan at lipunan. Isa itong desperadong pagsisikap na pipinsala sa mamamayan gayundin sa reaksyunaryong pampulitkang sistema. Itinulak na nito ang krisis sa paggugubyerno sa loob ng reaksyunaryong pulitka. Nilikha na rin nito ang mga kondisyong naghatid sa reaksyunaryong sistemang pampulitika sa kasalukuyang krisis. Pagtatapos ng panunungkulan ng halos lahat ng “halal” na upisyal maliban sa 12 senador. Eleksyong gagawin sa isang paraan (automation) na di pa nasubok sa nakaraan. Sagad-sarang karahasan at pandarayang nalikha ng klima ng walang-pakundangang paggamit ng kapangyarihan. Bitak na mga haligi ng reaksyon – military, simbahan, malaking negosyo. At kinamumuhiang rehimen na nagmamaniobra para igiit ang sariling kontrol sa poder. Gayundi’y mga mamamayang nagnanais na ng pagpapalit ng rehimen sa kapangyarihan. Ito ang kumbinasyon ng mga kalagayan at salik na nagtatakda ng pluwid na katayuan ng reaksyonaryong sistemang pulitikal at ng potensyal ng pag-iibayo pa ng krisis nito. Nag-iibayong pakiki-alam ng imperyalistang US sa bansa Sa gitna ng krisis, at sa mga pagsisikap nitong kumawala dito, asahang mag-iibayo ang pakikialam ng imperyalismong US sa Pilipinas. Ang imperyalistang US pa rin ang dominadong imperyalistang kapangyarihan sa Pilipinas. Itinakda ito ng pagkasaysaynbg naging lugar nito sa debelopment ng Pilipinas at ng naitatag nitong malalaking interes sa bansa. Sa gitna ng kumpetisyon ng mga imperyalistang kapangyarihan, asahang guguwardyahan nito, ipagtatanggol at gagamitin ang naturang dominansya. Sa nakaraang taon at hanggang sa kasalukuyan, pinakalitaw ang pakikiaalam na ito sa Mindanao at usapin ng Mindanao. Maliban sa istratehikong lugar ng Pilipinas sa geo-politics at miltiar sa Asya, istratehiko ang lguar ng Mindanao at populasyong Muslim ditto sa interbensyon ng US sa Timog Silangang Asya. Tuwirang ginagamit ng US ang mga tropang militar nito, gayundin ang iba’t ibang ahensya, tulad ng USAID, at kontroladong institusyon tulip ng USIP, sa ganitong pakikialam. Kahima’t nauntol ang pinakana nitong BJE noong nakaraan, di nagtutugot ang US sa pagsisikap na ipwesto ang MILF sa isang resolusyon sa problem sa Mindanao. Tuluy-tuloy ang ugnayan nito at ng mga lider ng MILF upang mailusot ang sa balita’y pinasaklaw pang tipong BJE na kaayusan. Mahigpit na nakasubaybay ang US sa magiging pansamantalang resolusyon sa kasalukuyang krisis sa paggugubyerno. Isang higit na mapayapa, di mapangwasak na resolusyon, tulad ng katanggap-tanggap na eleksyon, ang ninanais nito - isang resolusyong magpapaluwag sa paglulusot sa mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas. Makaraan ang eleksyon, ang usapin ng charter-change ang isang malaking usaping sasangkutan ng US, di lamang dahil sa mga probisyong ekonomikal na hinahabol nito para sa kanyang interes kundi higit pa, sa mga pampulitikang probisyon na krusyal para sa muling mas mahigpit, mas matibay na pagpwesto nito sa bansa. “Tuyong-tuyo ang kaparangan” Sa gitna ng pinag-ibayong pagsasamantala, kahirapan at kaapihan, na hatid ng tuminding krisis sa ekonomya at pulitika ng sistema, umiiral ang tila di maipaliwanag na “kalmadong” kalagayan. Wala ang malaganap na mga protesta. Ang tampok ay ang paglaganap ng pangingibang-bayan, na tagos na hanggang sa mga panggitnang pwersa, at ang lumalalang kriminalidad. Ngunit ang “kalma” at “katahimikan” ay mapanlinlang (deceptive). Nasa likod nito ang nagpupuyos na damdamin ng mamamayan. Sa kasalukuyan, ang ekspresyon nito ay makikita sa pag-aasam ng pagbabago, na sa marami ay iniaangkla pa sa pagpapalit ng rehimen. Kaya nga lumalaganap ang boluntarismo para sa “malaya, matapat at mapayapang” halalan. Ngunit ang likas na kabulukan ng sistema ay naggugumiit. Habang nagpipilit makalampas sa pangkalahatang krisis ng imperyalismo ang mga higanteng pandaigdigang kapital, higit pang titindi ang pananalasa nito sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan – sa mga industriyalisadong bansa at gayundin sa mga neokolonya. Ang mag-iibayong kumpetisyon sa pagitan ng mga dambuhalang kapital, na sinusuhayan ng kani-kanilang mga gubyerno, ay sasalin sa higit pang masahol na kondisyon ng masang proletaryo at iba pang masang anak-pawis ng daigdig. Araw-araw, sa iba’t ibang panig ng daigdig, namumuo ang iba’t ibang protesta. Protesta ng mga pinapalayas sa kanilang mga tahanan, protesta ng mga binabawasan ng kita, protesta ng mga nawawalan ng trabaho at tipong salapi, protesta ng mga kabataang napagkakaitan ng akses sa edukasyon. Mula sa kalat-kalat na protesta na ito, muling malilikha ang klima ng paglaban na hahamon sa dominasyon ng imperyalismo sa daigdig. Sa Pilipinas, ang pangako ng pagbabago, na nakahain sa darating na eleksyon, aktwal mang maganap ito, ay di magaganap. Lilimitahan ng nagpapatuloy na krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, at ng mga maniobra at kumpetisyon ng pandaigdigang dambuhalang kapital, gayundin ng mga paglulustay na ginawa ng rehimeng GMA, ang anumang repormang maipatutupad ng alinmang gubyernong papalit. Ang kondisyon ng matinding kahirapan, at kaakibat na sagasa sa mga karapatan, ay patuloy na “tumutuyo sa kaparangan”. Nasa mga rebolusyonaryong proletaryo ang tungkuling likhain ang apoy na magpapasiklab sa naturan. Ang Ating mga Tungkulin Tungkulin ng bawat rebolusyonaryong proletaryo na ilantad ang imperyalismo bilang siyang salot na pumipinsala sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng daigdig, at sagka sa pag-unlad ng sangkatauhan gayundi’y siyang pangunahing pwersang nagtatakda ng atrasadong katayuan ng buhay ng masang anak-pawis na Pilipino. Kaalinsabay na ilantad ang mga lokal na monopolistang pwersang kasabwat nito sa pandarambong sa Pilipinas at mamamayan dito. Tutuntungan ng paglalantad ang kasalukuyang krisis ng imperyalistang sistema, at ang sanlaksa’t isang mga kaganapan sa Pilipinas at daigdig, at sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino, upang gawin ito. Gayundin ang inaasahang mag-iibayong maniobra ng US ng pakikialam sa panllob na pulitika ng bansa. Sa proseso, malilikha ang matibay na anti-imperyalistang pwersa na tumatanaw sa lohikal na kapalit ng imperyalismo – ang sosyalismo – bilang siyang maningning na bukas para sa mamamayan. Pangunahing target ng pagmumulat yaong mga umiinda ng pinakamatinding pagsasamantala at panggigipit sa ilalim ng noekolonyal at malapyudal na sistema at siyang higit na pinipinsala ng palo ng pandaigdigang krisis ng imperyalismo – ang masang proletaryo, malaproletaryo, maralitang magsasaka at mangingisda, at ang proletaryo sa hinaharap – ang mga kabataan-estudyante. Tanging sa kanilang paglaban sa kasalukuyang kaayusan may tatanawin silang magandang bukas. Kumbinasyunan ang malaganap na prop-ed sa krisis ng mga kilos/pakikibakang masa upang mapakitunguhan ang impak nito sa kanilang buhay. Bawat sektoral na kilusan ay magbibigay pansin sa pagpapatampok sa mga problema ng kani-kanilang sector at sa pagbubuo ng mga taktikal na kilusan para sa pakikitungo sa mga ito. Kabisahin ang buhay ng mga itinakdang target sa bawat area ng gawaing masa at sapulin ang impak ng krisis sa buhay nilang ito. Matiyagang ipaliwanag sa kanila ang krisis at ugat ng kanilang kahirapan at tipunin ang mga pinakaabante sa hanay nila upang makatulong sa pagbubuo ng pakikiisa ng masa sa pagharap at pakikitungo sa mga kongkretong problemang matutukoy. Sa pakikitungo, magsimula sa mga kakayaning pangmasang kilos hanggang abutin ang lakas para sa puspusang pakikibaka. Sa proseso ng gulong, pakitunguhan maging ang mga pampulitikang patakaran at hakbang na umaapekto sa buhay at pakikibaka ng masa. Partikular na usaping susubaybayan ang mga pampulitikang maniobra/pakikialam ng US. Dapat itong ilantad sa bawat galaw nito at hubaran ng mga mapagkunwaring bihis. Sa pagsusulong ng anti-imperyalistang kilusan, maasahang makakabig na alyado ang peti burges at iba pang panggitnang saray. Di sila ligtas sa palo ng krisis. Inu-uk-ok ng krisis ang kanilang inabot na istandard ng pamumuhay at ang kanilang mga pagsisikap na paunlarin pa ito. Gayundi’y sensitibo sila sa mga usapin ng mga demokratikong karapatan, soberanya at patrimonya - mga likas na burges na konsepto. Partikular na pokus ay sa nakararaming seksyon ng petiburgesya – mga guro, mga kawani ng gubyerno at mga pribadong korporasyon, at gayundin ang mga abugado at taong simbahan. Dama ng mga guro at kawani ang epekto ng krisis sa iba’t ibang anyo ng palo nito – presyo ng mga bilihin, patakarang piskal, hanggang pagkakapako ng sweldo at mga benepisyo. Habang nagsisikap na itagos sa kanila ang kampanyang ed-prop kaugnay ng imepryalistang krisis, kailanma’t maabot, dapat pakitunguhan ang mga epekto ng krisis sa buhay nila upang tuntungan ng pagpapalalim ng kanilang anti-imperyalsitang tindig. Ngunit sa lahat ng pagkakataon, dapat pagsikapang maipaunawa ang kongkretong ugnayan ng krisis at imperyalsimo sa mga problemang kanilang kinakaharap. Ngunit higit pa, sikaping abutin sila ng kampanyang prop-ed kaugnay ng iba’t ibang usaping pulitikal na lumilitaw. Gayundi’y ipaunawa sa kanila ang pagiging makatarungan at makatwiran ng mga pakikibakang isinusulong ng batayang masa. Ang lahatang pampulitikang paglalantad ay nakatutulong upang makalampas sila sa makikitid nilang interes bilang mga panggitnang saray at naglalapit sa kanila sa linya ng rebolusyonaryong proletaryo. Ang mga abugado at taong simbahan at iba pang propesyunal ay nahihila ng malalaking usaping panlipunan, lalu’t higit ng malalaking usaping pulitikal sa lipunan at mga usaping panlipunang may kagyat na humanitarian na kabuluhan. At sapagkat malalaking usaping pulitikal ang tatampok sa gitna ng sabayang palo ng krisis sa ekonomya at pulitika, mahusay ang kondisyon upang abutin, pukawin at sikaping makaisa sila. Ang prosesong electoral (kampanya hanggang botohan), gayung may tendensyang maglihis ng pansin sa krisis, ay magagamit bilang dagdag na larangan sa pagsusulong ng mga interes ng masa. Iguguhit ng mga interes at isyu ng nakararaming masa ang mga demokratikong usaping dapat pinakikitunguhan ng pulitika sa lipunan. Kamtin ang malaking lundag sa pulitika, organisasyon at ideolohiya Ang kabuuan ng obhetibong sitwasyon ay nagbibigay oportunidad para sa pagpapataas ng antas sa pulitika ng mga pwersang abot ng mga rebolusyonaryong proletaryo. Sa puspusang pagsisikap, mabubuo sa proseso ng pagpapatupad sa mga pampulitikang tungkulin ang isang kilusang malalim ang pagkakaunawa sa imperyalismo at lipunang Pilipino, isang kilusang balon na hahanguan ng mga karagdagang proletaryong rebolusyonaryo. Upang matugunan ito, bawat yunit ng Partido ay magsikap na buuin ang matibay na kapasyahan na suungin ang landas ng mabilis na pagsulong at kumumpas alinsunod dito. Pagbutihin ang pag-aaral sa sitwasyon at sa larangang kinikilusan, kabisahin ang mga usaping panlipunan, buuin at balangkasin ang wastong rebolusyonaryong proletaryong tindig sa bawat usapin at kalagayang kakaharapin, pahigpitin ang ugnay at pakikiisa sa masa at matiyaga at wastong gumabay sa proseso ng kanilang pagsulong - sa ganito tunay na maitatatag ang rebolusyonaryong proletaryong Partido sa unahan ng pakikbaka ng masang anak-pawis. Mahalagang armasan ng mga rebolusyonaryong prolertaryo ang sarili ng proletaryong rebolusyonaryong teorya, laluna ng teorya sa ekonomyang pampulitika, na mahalagang armas sa pag-unawa sa imperyalismo, sa lipunang Pilipino at sa kasalukuyang krisis na dinaraanan nito. Mulat ding gamitin ang dayalektikong materyalismo sa bawat praktikal na pag-aaral na gagawin upang matumbok ang mga wastong pagsusuri at hakbang. Sa masinop na pag-aaral at puspusang paggawa, makatatanaw ang Partido sa higit na malalaking pagsulong sa darating na taon. PEC-NPC Enero 2010 (kalakip ang hiwalay na papel hinggil sa ating pakikutngo sa eleksyon) Ang Ating Pakikitungo sa Eleksyon Ang mga eleksyon sa Pilipinas, kailanma’t ginaganap, ay nagiging isang pansamantalang pre-okupasyon ng mamamayan. Una, sapagkat ang kalakhan ay bahagi ng isang angkan o pamilya na isinasangkot ng mga naglalabanang pulitiko sa kanilang ribalan. Di nga ba’t ang pulitka sa Pilipinas ay tumutuntong sa sistema ng pyudal na patronahe na naglilinang ng angkan-angkan na suporta sa bawat kandidato/prospektibong upisyal ng gubyerno? Pangalawa, sapagkat ang eleksyon sa Pilipinas, ay knatatampukan ng malaking paggastos ng pera at sa gayo’y lumilikha ng pagkakakitaan sa maraming mamamayan – taga-kampanya, tagagawa ng poster at iba pang campaign paraphernalia, tagapag-dikit ng mga poster at tagapamahagi ng mga campaign materials, pagluluto para sa mga kampanyador, pagbibigay ng aliw, at samut-saring okupasyon sa kondisyon ng maraming taong gumagalaw. Ngunit may particular na kabuluhan sa maraming mamamayan ang darating na eleksyon. Ang kanilang pagkasuklam sa rehimeng GMA at sa garapalang mga maniobra nito para makapanatili sa poder, ay sumasalin sa pagnanais nilang matuloy ang eleksyon at maganap ito nang “malaya, mapayapa, at matapat”. Dito nagmumula ang bolunterismo kaugnay ng eleksyon. Makikita ito sa mga sensitibo-sa- pulitika na propesyunal gayundin sa maraming kabataang nag-rerehistro sa iba’t ibang kilusang may kaugnayan sa eleksyon. Lehitimong pagtatakwil sa rehimeng GMA at paghahangad ng demokrasya ang tinutuntungan ng bolunterismo. Isa itong positibong debelopment. Ngunit sapagkat di tumutuntong sa malalim na pagkilala sa katangian ng pulitika sa bansa, bulnerable ito sa paggamit para sa makikitid na interes ng mga pulitiko, at kapag di wastong napamunuan, ay maaring magbunga ng pagka-unsyami. Sapagkat kahit ang pangakong pagbabago, na mangyari pa’y hanggang reporma lamang, ay di maibibigay ng alinmang papalit na rehimen. Ang mga suliranin ng bayan na pinatampok ng krisis, ay mag-iibayo pa, habang nagpapatuloy ang krisis, nagmamaniobra ang iba’t ibang dambuhalang kapital at imperyalistang kapangyarihan na kumawala dito, at tumitindi ang kanilang kumpetensya para sa pagbawi. Ang bagong rehimen ng pinaigting na pagsasamantala sa masang anak-pawis na pinorpodyek sa buong daigdig ay iiral sa neokolonyal, malapyudal na Pilipinas. Lalu pa nga itong paiigtingin ng kinasadlakan ng Pilipinas sa ilalim ng walang pakundangang pagnanakaw, pangungutang at paglulustay ng rehimeng GMA. Ngunit matutuntungan ang kasalukuyang electoral na proseso (kampanya at botohan) at particular na interes dito ng malaking seksyon ng mamamayan upang buhayin at pasiglahin ang mga talakayan at pag-aaral sa demokrasya, at sa paglalantad sa saliga’y anti-demokratikong katangian ng reaksyunaryong pulitika sa bansa. Ang mga interes at pakikibaka ng nakararaming mamamayan, laluna yaong isinusulong kaugnay ng krisis, ay mga usapin sa demokrasya – demokrasya sa ekonomya, pulitika at kultura - at maigigiit maging sa loob ng proseso ng electoral na kampanya. Mahalagang abutin ang mga bagong napupulitisang mga pwersa, laluna ang mga kabataan, upang ang kanilang karanasan sa pagsangkot sa eleksyon ay mabilis na makapagturo sa kanila sa pangangailangang itaguyod ang demokrasya lampas sa paglahok sa reaksyunaryong eleksyon. May mga progresibong gagamit ng puwang na binubuksan ng eleksyon upang makapwesto sa iba’t ibang institusyon/yunit ng gubyerno. Maari at dapat silang suportahan, laluna laban sa mga despotikong karibal. Tutukuyin ng kinauukulang mga yunit ang mga ito. Sa pagsuporta, di kinakailangang itaya ang mga organisasyong napamumunuan ng Partido. Ang suporta ay maaring sa pamamagitan ng pagpapagulong sa hanay ng ating mga organisadong pwersa at kanilang abot, ng positibong pagkilala natin sa progresibong katangian ng mga ito, aty bentahe ng may mga progresibong nakapwesto. Kapag talagang kinakailangan, at kapag kakayanin, maaring magtalaga ng mga pwersang papaloob sa electoral na makinarya ng mga sususportahang kandidato. Ito’y dapat piling-pili, at gagawin kapag malilinaw ang pakinabang sa pultika sa proseso pa lang ng kampanya. Mangyari pa’y di ito dapat makapaglihis ng pansin ng mga yunit ng Partido sa pangunahing pampultiiakgn tungkulin sa kasalukuyan. Ang kondisyon ng eleksyon ay kondisyon din ng paglalarga ng salapi ng mga pulitiko. Magagamit ang kondisyong ito para sa pagpapalitaw ng pinansya para sa kilusan. Gayunman, tulad sa iba pang mga gawain, dapat tiyakin ang pagpapangibabaw sa mga pampulitikang layunin, at gawin ito alinsunod sa natipong lakas at sa gayo’y nang may pagtitimpi. } Mayroong partikular na kabuluhan ang eleksyong 2010 sa punto na nagdudulot ito ng pagkakataon na muling buhayin sa hanay ng mamamayan ang pag-asa ng pagbabago. Ang hangarin sa pagbabago na pangunahing itinataguyod ng pulitikalisadong seksyon, laluna ng peti-burgesya (middle class), ay lampas sa simpleng pagpapalit ng tao at labanan ng mga personalidad. Ang ganitong pag-asa ay sumibol sa pagkamatay ni Cory Aquino. Ang paglalamay at, laluna, ang paglilibing sa kanya ay naging okasyon sa pagpapamalas ng mamamayan ng pagkamuhi at protesta sa rehimeng GMA. Si Cory ay ginawang simbolo ng galit at paglaban ng mamamayan sa rehimen. Nag-aanyo ito ngayon sa nauna nang kampanya na itinutulak ng 2 pinakamalaking radio-tv media network at ng Simbahan para sa malinis at matapat na eleksyon at responsableng pagboto. Makabuluhang maituturing din ang nadedebelop na kilusan ng mga First Time Voters o mga kabataang bagong botante. Gayung makitid sa mga panawagang “bantay boto” at “malinis at tapat na eleksyon,positibo na itong panimula ng kanilang pagsangkot sa mga usaping lampas sa campus para tumungo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan at pampulitika. Sa kabila nito ay nangingibabaw ang makitid na pananaw at linya ng paglalabanan ng mga personalidad at karakter. Malaking halimbawa nito ang paghahambing kina Cory at Gloria na nauwi sa paghahambing ng mga ugali at personal na mga katangian. Ang ganitong manipestasyon ng tradisyunal na pulitika ng mga patron (patronage politics) ay malakas na dinadala ng karamihan sa mga nagnanais na kumandidato sa iba’t ibang antas. Madiing nagmamarka ang pulitika ng mga patron (patronage politics) na siyang katangian ng reaksyunaryong pulitika sa Pilipinas. } Marami kumpara sa 2004 ang nais tumakbo bilang presidente. Hindi nagkakaisa ang reaksyunaryong oposisyon gayundin ang naghaharing koalisyon. Hindi mapuspos ang pagsasanib ng Lakas-CMD at KAMPI at nagsimula na ring magpakita ang lamat sa loob ng kabinete ni GMA. Ang deklarasyon ni DFA secretary Romulo ng suporta kay Noynoy Aquino at gayundin nina Bello at Jacob ay patunay dito. Ipinapahayag nito ang isang katangian ng pulitika ng mga patron at ng mga angkan (clan) kung saan ang mga personal na interes, personal na ugnayan at katapatan ang nagpapasya at hindi ang interes ng partido at lalong hindi ang interes ng malawak na masa ng mamamayan. Maliit at mahina pa ang pwersang nagdadala ng bagong pulitika na nakasalalay sa malawak na masa ng mamamayan at sa pagtataguyod ng kanilang interes.
Ang Ating mga Tungkulin
13 Comments
|
AuthorKilusan is a quarterly publication of Kilusan para sa Pambansang Demokrasya. Archives
January 2021
|