kalayaang may habing

sa ating lipunan, kalayaan ba'y totoo?
kung mga gahaman ang nakaupo sa pwesto?
pinagsisilbihan malalaking imperyo.
buhay at karapatan, unti-unti naaabo.

kalayaa'y sadyang mailap.
hindi mabanaag sa likod ng ulap.
sa gitna ng laot, hindi maapuhap.
tulad ng buhangin, di makuyom sa palad.

kalayaan, ika'y isang hiyas.
batong dyamante ang iyong katulad.
sa pagdaan ng panahon, marami ang nangahas,
na masilayan ka sa labas ng rehas.

kalayaan, kailan kita mahahagkan?
ang iyong mga ngiti, kailan masisilayan?
katumbas man nito'y buhay at kamatayan
di kailanman titigil, hanggang mahimlay sa iyong kandungan.


likha ni: 
ruel concepcion
dating YND ng UC

 


Comments




Leave a Reply


Google Analytics Yahoo crawler wikipedia