Garapal na pinaiigting ng US ang kanyang militarismo. Inihayag ng gubyernong Obama nito lamang Pebrero ang dokumento ng National Security Strategy nito na naglilinaw sa walong nangungunang “stratehikong panganib (strategic risks)” na nakatakdang magpasaklaw sa mga opsyon para sa direktang pakikialam ng US. Karaniwan nang binabanggit ang apat sa mga risgong ito sa mga patakarang pandepensa at panlabas ng US. Gayunman, dahil sa masaklaw na depinisyon, malabo ang nais ipahiwatig at sa gayon, ay maaaring mailapat sa alinmang bayan. Ang mga ito ay ang “pag-atake sa teritoryo ng US, sa mga mamamayang Amerkano o mga kaalyado ng US; pagkakaruon ng mga mapamuksang sandata (weapons of mass destruction); at, pagbagsak ng mga palyadong estado.” Nagbibigay ang apat pa na “estratehikong panganib,” nang higit na dahilan para makialam ang US kahit saan. Mga “panganib” ito na lagi nang umiiral saanman sa daigdig: “pandaigdigigang krisis sa ekonomya at paghina ng ekonomya”; “paglaganap ng nakakahawang sakit”; “climate change”; at “matinding pagkabulabog ng energy market.” Nanawagan din ang national security strategy ni Obama sa US Congress na huwag limitahan, at sa halip ay dagdagan pa ang pondong militar. Hiniling din ng White House sa Kongreso na amyendahan na ang 2011 Budget Control Act na kung hindi nila pagbibigyan, sasalungatin ng veto ni Obama ang anumang kabawasan sa badyet ng Pentagon. Batayang badyet na $561B para sa pondong militar at $51B para sa mga gerang agresyon ng US na tinaguriang “Overseas Contingency Operations” (OCO) ang hinihingi ng bagong US Defense Sec. Ashton Carter. Sinalubong ito ng Republicans sa House of Representatives ng $523B para sa badyet militar at dagdag na $94B para sa OCO, o kabuuang $617B, higit ng $5B sa panukala ng Pentagon. Mungkahi ng US Senate Budget Committee: magbuo ng “deficit neutral reserve fund”. Wala sa apropriasyon ang pondong ito, na pwedeng maging “placeholder” o tagapag-ingat ng dagdag na military spending na maaaring ilyabe sa loob ng taong kasalukuyan. Hindi pa kasama sa panukalang military at war budgets ang alokasyon para sa intelligence agencies gaya ng National Security Agency (NSA) at Central Intelligence Agency (CIA). Hindi inihayag ng White House ang panukalang badyet para sa mga ahensya. Pero mas malaki ito sa $52.6B ng NSA at CIA nuong 2013. Pahayag ni Carter sa US Congress: “para mananatiling pinakamagaling na panlabang pwersa sa mundo, dapat pawiin natin ang duda sa katiyakan na pondong salapi na sa nakaraan ay nagpalabo sa ating mga plano at nagpahina sa ating mga pasya”. Samantala, nagbabala si Gen. Martin Dempsey, pinuno ng Joint Chiefs of Staff ng US Armed Forces na: matatapyas nang sangkatlo ang ating forward presence,” o , “lalong hihina ang impluwensya” sa daigdig kung hindi daragdagan ang budget ng militar. Nagpahiwatig din si Carter na naghahanda ng malaking gera ang Pentagon laban sa Russia, China at Iran. Makapal ang mga mukha ng mga lider ng US sa pagkakalat ng kasinungalingan. Ginagawa nilang halimaw ang kanilang mga karibal sa pambubola sa mga Amerikano at mamamayan ng mundo na kailangang manatili ang US na solong lider ng daigdig. Paulit-ulit itong ipinapahayag ni Obama at ng lahat ng kandidato sa pagkapangulo ng US. At sa parehong mala- haring tinig, idiniin ni Carter sa mga mambabatas na nagtutulak ang Russia, China, Iran at North Korea ng “pangmatagalan, at komprehensibong programa sa modernisasyong militar”. Para bang walang isa man sa US Congress ang nakababatid na hindi aabot ang pinagsama-samang badyet sa depensa ng mga bansang ito kahit sa kalahati ng badyet militar ng US. Maliban pa, walang mga pwersang militar ang mga katunggaling ito ng US na nakadeploy sa iba pang bansa. Nasa $600.4B ang badyet sa depensa ng US nuong 2013. Isangkatlo ito ng kabuuan ng defense budget ng daigdig na $1.56T sa taong iyon. Ang pinagsamang badyet sa depensa ng lahat ng bansang Asyano ay $321.8B o 21% ng kabuuan. Sa mga bansang European, $279B o 18% ng kabuuan. Nagkakaisa ang mambabatas na Democrats at Republicans sa pagtataas ng military at war spending ng US. Para dito’y babawsan pa nila ang pinaliit nang panukalang badyet sa serbisyong panlipunan, gaya ng kalusugan at edukasyon at sa core social programs na Food Stamps, Medicare at Social Security. Ang nakataya sa papaigting na militarismong suhay sa padausdos na kapangyarihan ng US sa mundo Naglunsad ang US ng mga gera ng pananalakay at panghihimasok para panatilihin ang pangingibabaw sa daigdig laluna matapos ang WW2. Mula nuon, sentral na ang gera, ang paghahanda sa gera at paghahamon ng gera sa pulitikal at pang-ekonomyang pag-usad ng US, kapwa sa larangangang pandaigdig at panloob. Pasan ng mamamayang Amerkano ang pagsusustini sa makinaryang panggera at mismong digma ng US. Hindi lamang gabundok na utang at papaunting serbisyong panlipunan ang kahulugan. Higit pa dito ang mga buhay at dugo ng mga kabataang Amerkano na nalinlang magsilbi sa US armed forces. Pinag-ibayong pagsupil sa karapatang demokratiko ng mamamayang Amerkano, kabilang ang kanilang privacy, ang dulo ng militarismong ito ng US. Tinitiktikan ng NSA ang halos lahat ng mamamayan sa Amerika, laluna ang mga aktibistang kontra sa gera at iba pang sumasalungat sa gubyerno na tinatatakan nito na mga potensyal na “terorista” o “kaaway ng estado.” Subalit ang pinakamatinding pinsala sa mga gera ng US ay dinadanas ng mamamayan ng Afghanistan, Iraq, Syria, Libya, Yemen, at Ukraine, kung saan direktang naglulunsad ng gerang agresyon ang US o sumusuporta sa lokal na mga gera dito. Kamakailan, sinalakay ang Nigeria ng mga armadong pwersa ng Chad na suportado ng US at NATO. Maliban sa direktang panggigera, naghahasik ang US ng mga panlipunan at pang-ekonomyang kaguluhan sa pakana nito ng pagpapalit ng rehimen sa Egypt, Venezuela at sa kalilipas lamang na taon, sa Ukraine, kung saan ipinuwesto ng US ang isang pasista, Neo-Nazi na rehimen. Maliban sa mga gera ngayon, nakakasuklam ang rekord ng mga digmang mapanalakay at mapanghimasok ng US sa di-malayong nagdaang panahon. Kinaladkad ng US ang NATO allies nito sa unang gera laban sa Iraq (1991, Dessert Storm) at sa mga gera na naghati at lumikha ng bagong “nation-states” mula sa Yugoslavia nuong 1990s. Sinalakay ng US Marines ang maliit na Carribean island-nation na Grenada para iluklok ang isang gubyernong maka-US, unang bahagi ng 1980s. Sa nasabi ring panahon, binuo at inarmasan ng US ang Contras na naghasik ng terorismo sa mamamayang Nicaraguan na katatapos sa matagumpay na rebolusyon nuong 1979. Todo suporta ang US sa nuo’y alyado pa nitong si Saddam Hussein ng Iraq sa pakikipaggera sa Iran. Pumutok ang Iran-Iraq war matapos na pabagsakin ng Islamic Revolution ang suportado ng US na rehimeng Reza Pahlavi ng Iran, 1979. Walang pahinga ang US sa gera gayung ilang taon lang ang nakakaraan ay ginapi ito ng mamamayan ng Vietnam at Cambodia sa mapait at mahabang Indochina War (1954–1975). Kahiya-hiyang pagkatalo ito ng US. Sa mapanalakay na gerang ito, nagbagsak ang US ng higit na maraming bomba, kabilang ang napalm, kaysa sa dami ng bombang sumabog nuong WW2. Gumamit din ang US ng bio-chemical weapons gaya ng nakasisindak na Agent Orange, isang napakatapang na defoliant na isinaboy sa South Vietnam, 1961–1972. Layon ay pagwasak sa mga pananim at kagubatan, pumatay at nagkalat ng sakit sa mga sundalo at sibilyang Vietnamese, pati na Amerkano ang isinaboy na kemikal . Ang agent orange ay nagdudulot pa ng sakit hanggang ngayon. Tumitindi ang pangamba ng US. Kahit nananatili itong pinakamalaking ekonomya, humuhupa na ang superyoridad nito mula pa 1970s. Mula sa dating netong tagapag-pautang, naging netong mangungutang na ito mula 1985. Dahil sa pang-ekonomyang istagplasyon nuong 1979–1981, naging “rust belts” ang ilang eryang industriyal sa US at hindi na nakabawi mula nuon. Naging heavilly financialized (naging “bula”) ang ekonomya ng US at sa isang antas, nagde-industriyalisa na maliban sa industriya ng langis at armas. Sa kabilang banda, nakabawi na nang malaki ang mga dating kalaban nito nuong WW2 na Japan at Germany at nilagpasan na ang US sa susing industriyang gaya ng steel, electronics, paggawa ng makina at mga sasakyan mula 1970s. Dahil humina na ito mula nuon, hindi nasamantala ng US ang paghiwa-hiwalay ng Soviet Union, 1991 at ang pampulitikang krisis ng China kasunod ng Tienanmen Massacre, 1989. Kalahatian ng 1990s hanggang sa unang dekada ng kasalukuyang siglo, tuluy-tuloy na lumago ang mga ekonomya ng Russia at China sa relatibong mas mataas na annual growth rates kumpara sa US, Japan at mga bansa sa Europe. Naging mga kapitalistang kapangyarihan na rin ang dalawang lider na ito ng dating ”socialist bloc,” at ikalawa ngayon ang China sa pinakamalalaking ekonomya sa daigdig. Nakaangkla ang US sa pagwasiwas ng lakas militar sa patuloy na aroganteng pagsisikap na pigilan ang pagdausdos habang abitraryong ipinupwersa ang kanyang interes sa daigdig. Baliw itong nagbubukas ng mga bagong larangan ng digma sa kabila ng pagkamatay, pinsala at dislokasyon ng milyun-milyong inosenteng mamamayan at ng lumalaking utang at kaswalti ng US sa hindi mapagwawagiang digma nito sa Afghanistan, Iraq at iba pang dako ng mundo. Maliban sa hayag na gera at panghihimasok, naglulunsad din ang US ng mga “lihim at hindi masyadong lihim na mga gera” sa mahigit 130 bansa, kasama ang Pilipinas at sa loob mismo ng US. Nagsasagawa ng gera ang US Special Forces laban sa mga “terorista” at “iba pang mga banta sa “pambansang seguridad” ng US sa 70% ng mga bayan sa daigdig. Kabilang sa mga banta ang : “sanggano (rouge)” at “palyadong” mga estado at maging ang mga mamamayan ng US na tinatakang “kaaway ng estado” ng NSA o CIA. Hinahamon ng US at mga alyado nito sa NATO para buyuhin sa gera ang Russia. Naglunsad na sila ng war exercises sa mga hangganan ng Russia kahit malaganap ang protesta ng mamamayan sa Eastern Europe at sa mga bayang dating kasapi ng Soviet Union. Inaarmasan at pinopondohan din ng US ang pinakabago ngunit mapusok nitong piyon, ang rehimeng Poroshenko sa Ukraine, na nagsusulong ng gera laban sa Eastern o Russian-Ukrainians. Pumatay na ang gerang ito, na naglalayong buyuhin ang Russia sa digmaan, ng mahigit 6,000 sibilyan ayon sa United Nations (50,000 batay sa mga indipendyenteng pagtaya). Nagpadala ang US kamakailan ng 300 military-trainer advisers sa Ukraine para sanayin at iangat ang morale ng armadong pwersa na lumasap ng serye ng pagkatalo sa kamay ng armadong pwersa at milisya ng mga Republikang Bayan ng Lugansk at Donetsk. Todo kayod ngayon ang US sa pagtutulak ng prinsipal niyang estratehiya ng “rebalancing” o “ Asian Pivot,” na nakatutok sa nangunguna nitong karibal na China. Tinukoy ng US ang China na pinakamalaking banta sa kanyang global hegemony. Nakahanap ng dahilan ang Asian Pivot para sa deployment ng 60% ng US naval at air forces sa Asia Pasipiko sa agresibong ekstensyon ng China ng kanyang teritoryo sa mga pinag-aagawang maliliit na isla at bahura sa South China Sea. Mahalagang maiaambag ng mamamayang Pilipino sa internasyunal na kilusang kontra militarismong US ang aktibong pagkilos para ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na bagong kasunduan sa pagbabase ng mga pwersang militar ng US at Pilipinas. Gayundin ang pagwawakas sa ligal na balangkas at batayan ng EDCA na, US-PH Mutual Defense Treaty. Kaladkad ng US sa mga gera nito ang Pilipinas dahil sa mga “kasunduang” ito. Inilalagay ng mga ito ang Pilipipinas sa katayuan bilang kaaway na rin ng mga kaaway ng US. Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) Abril 28, 2015
0 Comments
Higit na mapaminsala ang resulta ng operasyong pumatay sa teroristang si Marwan (Sulkifli bin Hir) kaysa sa pagpapasabog ng bomba ng mga terorista. Maliban sa malagim na pagkamatay ng 44 SAF commandos, 18 tauhan ng MILF at 7 na sibilyan, ikinumpromiso nito ang peace process sa Maguindanao- Sulu. Nauga ang buong makinarya ng estado sa magulong resulta ng top secret operation laban sa dalawang high value targets. Naiwang nangangapa sa dilim kahit na ang dalawang acting chief ng PNP, chief of staff ng AFP, kalihim ng Interior and local governments, at ang kalihim ng national defense. Nakatutok ang US Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi kontrolado ng Pangulo at ng pinakamatataas na kumander ng AFP at PNP ang kaganapan nuong umaga ng Enero 25. Walang tigil ang pag-ukilkil ng katanungan sa nangungunang papel ng US sa operasyon—mula sa pagngangalap ng paniktik, pagpopondo, hanggang sa aktwal na eksekusyon. Patuloy mang itinatanggi ito kapawa ng pamahalaang PNoy at gubyernong US, natutunton ng balita kahit ang sikretong opisina ng tropang paniktik ng US na nakatutok sa operasyon. Iba pa ito sa mga nakahayag at nakalihim na lokasyon sa Mindanao, Sulu at Palawan na mula 2002 ay nakaistasyon na ang tropang Kano— mga abanteng pwersa ng Asia Pivot ng US at bantay sa ekonomikong interes nito sa Pilipinas at sa rehiyong Asia-Pasipiko. Hindi maitagong internal na tunggalian Bilang neokolonya, hinubog ng US ayon sa kanyang interes at disenyo ang lokal na makinarya ng paghahari sa Pilipinas. Pinopondohan, inaarmasan at sinasanay nito ang security forces ng bansa. Subalit pinahihina ang paghahari ng iilan sa higit na nakararaming mamamayan ng likas na panloob na kontradiksyon at tunggalian para sa kapangyarihan, at sa pakinabang na nagmumula dito. Higit na hayag ngayon ang trahedya ng kahinaang ito, ngayong iniimbestigahan ang sentro at mga haligi ng kapangyarihan ng estado ng sarili nitong law making bodies. Karaniwan nang larangan ang mga pagdinig sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng wala sa katwirang gitgitan sa makikitid, personal, parokyal at pampartidong interes at ambisyon. Tumindi pa ito sa mga pagdinig sa insidente sa Mamasapano. Kalamansi sa sariling likhang sugat at maaaring lumala, hindi malayo na humakbang ang presidente, ang AFP at ang PNP para iligtas ang estado sa sarili nito at mula sa mga “terorista” at “mapanggulo.” Malinaw ang suhestyon ni Sen. Miriam Santiago kay Defense Sec. Voltaire Gazmin sa Senate hearing, Pebrero 12: Arestuhin ang mga nagpapakana at nagpaplano ng kudeta laban sa gubyerno. Digmaan o Kapayapaan Dapat managot ang Pangulo, ang mga opisyal ng AFP at PNP, at sa kasong ito, ang MILF sa masaklap na pagkamatay ng 44 na law enfocers at iba pang biktima. Kwestyunable ngayon ang peace process na itinutulak ng gubyerno at ng MILF. Nagsisimula pa lamang ang deliberasyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), ang organikong batas ng Bangsamoro Political Entity nang pumutok ang insidente. Natigil ang deliberasyon dito ng Kongreso habang umuusad ang imbestigasyon. Sinuhayan ng Mamasapano incident ang duda sa sinseridad ng MILF sa peace process at anti-terorismo. Nabuhay ang mga ultra-reaksyunaryong pananaw sa paglutas sa kaligaligan sa Mindanao. Pinaka-reaksyunaryo rito ang sektaryan at sobenistang pagtingin sa mamamayang Moro. Iniangat nito ang panawagan ng total war at ang pagtanggi sa anumang paraan ng mapayapang solusyon. Patuloy na idinedeklara ng gubyerno, ng AFP, PNP at ng MILF na hindi mahahadlangan ng mapait na insidente ang prosesong pangkapayapaan. Nasa kongreso na ang susi sa pagkumpleto ng prosesong ito—ang pagsasabatas ng BBL. Pero maliban sa implikasyon ng Mamasapano tragedy, batayang hadlang sa BBL ang Konstitusyon, laluna kapag igigiit ito ng Kongreso o ng Korte Suprema. Kamakailan, nangako ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na tatapusin nila ang kanilang trabaho ukol dito “nang may kinakailangang mga amyenda,” at tiyak na hindi sa orihinal na itinakdang panahon. Nagpahiwatig si Sen. Santiago sa pagdinig sa senado na sinisikap nilang iakma sa Konstitusyon ang ilang probisyon ng BBL. Nagtanong din si Sen. Ralph Recto kay Mohagher Iqbal, chief ng negotiating panel at chair ng Bangsamoro Transition Commission kung tatanggapin ng MILF ang BBL kahit may mga mayor na amyenda. Sinagot ito ni Iqbal ng “oo, basta’t hindi ito sobrang pinalabnaw (watered down).” Pero sa kanyang pahayag nitong Pebrero 16, na hindi nila tatanggapin ang anumang pagbabago sa BBL. BBL at ang inhustisyang ugat ng kaguluhan Laman ng orihinal na draft ng BBL ang masasalimuot na usapin ng paglilimita ng kontrol ng pambansang gubyerno sa awtonomya sa Mindanao-Sulu. Higit nitong pinaluluwag ang paglinang at paggamit ng dayuhan sa likas yaman ng lugar na ito. Kaya interesado dito ang US at mga korporasyong multinasyunal. Habang naghahabol ang pamahalaan at ang MILF sa pagpapasa ng BBL, patuloy na ginagapos ng pangamba ang mamamayang Moro at hindi Moro. Mawawakasan na kaya ng BBL ang pinag-ugatan nitong inhustisya? Magaganap na kaya dito ang tunay na kapayapaan? Hindi humuhupa ang mga agam-agam; nananatiling kubkob ng takot ang mga biktima at kanilang kaanak, sa isang siglo na nang karahasan at pagdanak ng dugong nag-umpisa sa pagsalakay at pagkolonisa ng US sa bansa nuong 1898. Nakapagngingitngit na mapabilang pa ang 44 SAF, ang 18 MILF fighters at 7 na sibilyan sa napakahaba nang listahan ng kaswalti sa gera sa Sulu at Mindanao. Pero, sadyang makakamit lamang ang hustisya para sa lahat ng mamamayan kapag nagpasya silang kumilos nang sama-sama para sa resolusyon ng pinag-uugatan ng digmaan at ligalig-- kasama na ang mahigpit na pagtutol at pagtuligsa sa patuloy na panghihimasok ng US sa mga panloob na pambansang usapin na yumuyurak sa pambansang soberanya at lalo pang nagpapalubha sa panlipunang mga gusot. Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) Pebrero 17, 2015 Clad in black and red, with lighted candles and placards demanding for the termination of VFA, members of Kilusan march along Session Road to commemorate today’s National Hero’s Day. “We can not compromise sovereignty and national patrimony in exchange for few goodies. It’s a shame to serve US war of aggressions in exchange for few dollars.” This was the statement of Kilusan North Luzon’s Secretary General Jim Pag-a. The VFA already resulted to series of violations and abuses to Filipinos, including the rape of Filipino women. There have been recorded cases of injuries and death caused by live munitions during war exercises since 2000. “In the light of the intensifying conflict between North Korea and South Korea, the United States could obligate the Philippines to support US troops and South Korean troops in its looming war against North Korea,” Jim Pag-a adds. This is made possible by the Mutual Defense Treaty we have with the US. MDT and VFA are unequal treaties that put the Philippines in a very disadvantaged and precarious situation. We demand the Aquino government to prove its pro-people stance and terminate the VFA and end all unequal ties between the US and the Philippines. Since the signing of the VFA, the Philippine ports were opened to US troops, visiting or otherwise. This affront to our sovereignty is accepted by the Philippine government in exchange for a few military aids like obsolete choppers and C-120 planes, civic projects like road construction, school buildings and medical missions. In 1992, due to the sustained and intensified people’s protest, the Philippine legislators were forced to terminate the US military bases agreement. In 2000, the Estrada regime signed the VFA. Kilusan considers the VFA as instrument of US neocolonialism and to maintain its control in the Pacific. Kilusan lauds Senator Miriam Defensor Santiago’s determination in her call to terminate the RP – US Visiting Forces Agreement. Likewise, we call on our legislators to take the same stand.### Foreigner confronts anti-VFA protesters By Jaymee T. Gamil Philippine Daily Inquirer First Posted 17:21:00 11/24/2010 Filed Under: Protest, Foreign affairs & international relations MANILA, Philippines -- Protesters calling for the scrapping of the Philippine-US Visiting Forces Agreement were caught off-guard when a Caucasian man angrily confronted them in front of the US Embassy along Roxas Blvd. Wednesday morning. The foreigner, who sounded American, approached the "Scrap the VFA Movement" protesters at the tail end of their program and angrily told them, "Do you want to stop US aid to the Philippines?" Before the group could respond, he was quickly ushered away by a Filipino woman, whom the protesters surmised to be his girlfriend or wife. The group said they would have responded: "Our clear stand is that US aid to the Philippines is a package. It doesn't come without strings attached. Yes, it is fine with us if US aid to the Philippines is stopped," Chester Amparo, secretary general and spokesman of the Kilusan para sa Pambansang Demokrasya said in Filipino. He said that in giving aid to the Philippines, the US was simply maneuvering to "win the hearts and minds of Filipinos" in return for business and political favors. The VFA has made the Philippines a "launching pad" and "virtual base" of US politico-military strategies, according to a subsequent statement from the group. It also accused foreign troops of intervening in Philippine internal affairs by engaging in combat operations in Mindanao. Wednesday saw the protesters flying paper planes, symbolic of the last plane that took off from the US Subic Naval Base in Zambales on Nov. 24, 1992, which marked its closure. "But in the VFA, the very thing we rejected in the USMilitary Bases has returned," Amparo protested. The "Scrap the VFA" movement is composed of advocacy groups Kilusan, Kaisa Ka, Wedpro, Catwap, Alliance of Progressive Labor, Partido ng Manggagawa and Makabayan. On Tuesday, the Legislative Oversight Committee on the Visiting Forces Agreement convened in the Senate to review the VFA and its implementation. From the Los Angeles Times by Roland G. Simbulan |
Categories
All
|