|
final_agit_prop.doc | |
File Size: | 192 kb |
File Type: | doc |
Buwan ng Hunyo: tapos na ang dalawang buwang bakasyon ng mga mag-aaral at kabataan; Araw ng Kalayaan, mga karaniwang kaganapang iniuugnay sa ika-anim na buwan ng taon.
Para sa mamamayan ng Bataan,ito ang buwan pagpapakita pagkakaisa at paninindigan laban sa Plantang Nukleyar , dalawampu’t apat na taon ng nakalilipas.
Huwebes, Hunyo 20, 1985 animo’y ghost townang buong Bataan - walang pasok sa eskwelahan at pabrika, walang tao sa bukid,walang sasakyan sa lansangan; abala ang mga maybahay sa pag-aayos ng pamatid-uhaw o kaya’y pantawid-gutom sa libo-libong nagmamartsa laban sa Bataan Nuclear Power Plant, ang tinaguriang Halimaw ng Morong. Ang mga barikada’t tangke ng mga Philippine Constabulary (PC) ay walang nagawa sa malakas na daluyong ng mamamayang nagkakaisa.
read full story...Sariwain ang Aral ng Welgang Bayan
mass_d_bnpp_final.doc | |
File Size: | 74 kb |
File Type: | doc |
kalayaang may habing
sa ating lipunan, kalayaan ba'y totoo?
kung mga gahaman ang nakaupo sa pwesto?
pinagsisilbihan malalaking imperyo.
buhay at karapatan, unti-unti naaabo.
kalayaa'y sadyang mailap.
hindi mabanaag sa likod ng ulap.
sa gitna ng laot, hindi maapuhap.
tulad ng buhangin, di makuyom sa palad.
kalayaan, ika'y isang hiyas.
batong dyamante ang iyong katulad.
sa pagdaan ng panahon, marami ang nangahas,
na masilayan ka sa labas ng rehas.
kalayaan, kailan kita mahahagkan?
ang iyong mga ngiti, kailan masisilayan?
katumbas man nito'y buhay at kamatayan
di kailanman titigil, hanggang mahimlay sa iyong kandungan.
likha ni:
ruel concepcion
dating YND ng UC
Tutulan ang Charter Change!
Ipaglaban ang Adyenda ng Mamamayan!
Iniratsada na ng Konggreso ang Con Ass sa pamamagitan ng HB 1109!
Walang pangimi sa planong pambababoy sa ating Konstitusyon ang rehimeng US – Arroyo. Sadyang nagkukumahog ang seksyon ng naghaharing uri na maipwesto ang ekstensiyon ng kanilang mga termino. Subalit maliban dito, ang higit na masakit sa matagal nang planong CHACHA ay ang pagsagasa sa ating soberanya at patrimonya. Ibig sabihin, iaalay ng elitistang gobyerno ang anumang natitira pa nating yaman at pag-aari. Ibubukas ito sa kontrol ng dayuhang kapital!
Habang patuloy na bibilugin ang ating mga ulo sa mga seremonyas at pagdiriwang ng araw ng kalayaan! At hayaang patuloy na magkunwari na “malaya na tayo.”
Ano ang dapat gunitain sa Hunyo 12?
Sa ilalim ng gubyernong Arroyo, walang dahilang ipagdiwang ang Hunyo 12! Sa halip, ipinupwersa sa atin ng mga huling kaganapan na maalab na gunitain ang mga ipinaglaban at kagitingan ng ating mga ninuno na humantong sa Hunyo 12.
Kawalan ng lupa ng mga magbubukid, kagutuman ng mamamayan, kontrol at panunupil ng dayuhan, pagsasamantala at pang-aapi ng mananakop at mga kakutsabang ilustrado, pagsasamantala sa kababaihan, at laganap na kamangmangan. Ito ang mga dahilan nag pag-aalsa ng ating mga ninuno. Ito ang nagtulak sa kanila upang puspusin ang pakikibaka at kamtin ang kalayaan. Ito ang dapat nating gunitain sa Hunyo 12!
Paano tayong magdiriwang kung hanggang sa kasalukuyan ay ito pa rin ang nagdudumilat na katotohanan?
Sa gitna ng pandaigdigang krisis – pinansiyal ng sistemang kapitalismo, agaw – buhay naman ang masang anakpawis!
Hindi na totoo ang “isang kahig, isang tuka.” Sa buhay ng masang anakpawis, “walang tigil na kahig, wala pa ring matuka!” O kaya nama’y “gustong-gustong kumahig para may matuka” pero walang oportunidad para makakahig!
Sa Cordillera, 1,900 manggagawa kaagad ang nawalan ng trabaho sa unang bulto ng tanggalan noong Enero 2009. Sa darating na Hulyo, magtatanggal ng 300 manggagawa ang Moog. Idagdag ito sa 500 manggagawa ng TI na natanggal na nuong Pebrero. Sa buong bansa, mahigit 100,000 na ang natanggal o mga manggagawang nabawasan ang oras ng paggawa.
Simula pa 2002 – 2003 ang tuloy-tuloy na economic displacement sa mga magbubukid ng Cordillera lalo na ng Benguet dahil sa pagdagsa ng imported na gulay. Sing-aga ng 2002, ang produksiyong agrikultural ng Cordillera ay bumaba na ng 48.8%! Ang kalakhan ay napupwersang magpatuloy sa pagtatanim kahit paulit-ulit na lumulubog sa utang. Dumarami naman ang bilang ng magbubukid na nagiging malamanggagawa o kaya nama’y sumasama sa walang katiyakang buhay ng mga OFWs.
Wala pa man ang CHACHA, buong puso nang ibinigay sa kontrol ng Hapon ang malaki-laking bilang ng agrikultural na lupain at marine resources sa pamamagitan ng JPEPA (Japan Philippine Economic Partnership Agreement).
Ayon sa pinakahuling sarbey ng NCSB (National Statistics Coordination Board) apat sa anim na probinsiya ng Cordillera ay kasama sa pinakamahihirap na probinsiya sa bansa: ika-apat ang Apayao, ika-siyam ang Abra, ika-labing isa ang Kalinga at ika-16 naman ang Ifugao.
Ang Apayao ang may pinakamataas na poverty incidence sa Cordillera (57.5%). Sinusundan ito ng Abra (50.1%) at ng Ifugao (30.9%). Ang bayan ng Kibungan sa Benguet at ang Asipulo, Mayoyao na mga bayan ng Ifugao ay kasama sa pinakamahihirap na munisipalidad ng bansa.
Ayon sa 2008 data ng CHEd, mula sa 100 Grade One pupils, 66 lamang ang nakakatapos ng Grade Six, 58 sa 66 ang nakakapasok ng first-year hayskul at 43 lamang ang nakakatapos ng hayskul. Sa 43, 23 ang nakakapasok sa kolehiyo at 14 lamang nito ang nakakagradweyt. At masuwerte na kung makapagtrabaho agad ang 14. Kung makapasok man, tiyak na kontraktwal ang bagsak nila!
Samantala, walang pagsidlan ng yaman ang naghaharing uri!
Patuloy na masarap ang buhay ng mga nilalang na siyang may likha ng matinding krisis! Sa mga plano ng bailout o pagsagip sa mga nababangkaroteng institusyon, ang mga kriminal ang isinasalba ng sistemang ito habang patuloy na ginigipit ang bumubuhay sa bansa. Ginigisa tayo sa sarili nating mantika! Patuloy nating pinagugulong ang ekonomya at kapitalismo habang ang ating likhang yaman ay pinagpapasasaan ng mga may-ari ng kapital!
Tunghayan ang pinakamayayaman sa bansa. Henry Sy, may-ari ng SM Prime Holdings, may net worth na 3.1 bilyong dolyar. Lucion Tan, may-ari ng PNB, Fortune Tobacco, Asia Brewery, PAL, UE, Allied Bank at Tanduay Holdings, may net worth na 1.5 bilyong dolyar! Jaime Zobel de Ayala, may-ari ng Ayala Corporation, may net worth na 1.2 bilyong dolyar! Andrew Tan, may-ari ng Emperador Distillers Incorporation, Megaworld Corporation, may net worth na 700 milyong dolyar! Tony Tan Caktiong, may-ari ng Jollibee, may net worth na 690 milyong dolyar!
John Gokongwei Jr., may-ari ng Cebu Pacific, Robinsons, may networth na 680 milyong dolyar! Eduardo Cojuangco Jr, may-ari ng San Miguel Corporation, may net worth na 610 milyong dolyar! Manny Villar, kasalukuyang Senate President, may-ari ng Palmera and Camella Homes, may net worth na 425 milyong dolyar!
Para kanino ang CHACHA?
Agaw-buhay ang masang anakpawis. Abala naman ang gubyernong Arroyo, hindi upang sagipin sila. Natataranta ang rehimen kung paano palalawigin ang kanyang termino, patuloy na pagsilbihan ang ang naghaharing uri, at ang interes ng US at dayuhang kapital.
Titiyakin ng charter change na alisin ang anumang natitirang probisyon nito na nakikitang sagka sa kalakalan at dayuhang pamumuhunan. Ito ang tunay na agenda ng conass at chacha! Ito ang tunay na adyenda ng US at dayuhang kapital!
Sino ang magsasalba sa atin?
Matagal nang itinuro sa atin ng kalakaran ng pulitika ng bansa na hindi pwestado ang adyenda ng mamamayan sa elitistang pulitika. Itinuro na rin sa atin ng kasaysayan na ang interes ng masang anakpawis at ng buong mamamayan ay dapat ipaglaban mismo ng kanyang hanay at hindi ninuman. Hindi ito kusang ibibigay.
Matapos nating mapanood ang balasubas na “Larong ConAss” ng Konggreso, huwag na nating hayaang paulit-ulit at paulit-ulit tayong insultuhin at balasubasin! Mahigpit nating hawakan ang mga aral ng ating kasaysayan. Buhayin at pag-alabin ang diwa ng Hunyo 12 at ang mapanlabang tradisyon ng mamamayang Pilipino!
Isulong ang interes ng sambayanan! Tutulan ang ConAss! Tutulan ang charter change! Wakasan ang elitistang paghahari! Kapangyarihan sa mamamayan!
Kilusan para sa Pambansang Demokrasya North Luzon
Hunyo 10, 2009
june12and_conass.pub | |
File Size: | 176 kb |
File Type: | pub |
KPD Baguio - Benguet invites you to join the People's Protest Center Against Charter Change / Con Ass on June 10 (Wednesday) at the People's Park, Malcom Square, Baguio City. This is a whole day activity which will start at 8:00am up to 7:00 pm.
Let us unite in informing the people about the evils of charter change and the dirty scheme of the Arroyo government to stay in power. Aside from the intentions of GMA and the section of the ruling elite to stay in power, CHACHA will also surrender our sovereignty and patrimony to our neocolonial masters and to globalization!
Let us condemn in the strongest sense HB 1109 or Con Ass Bill! Join the People's Protest Center on June 10!
Categories
All
100 Days
18th Congress
1sambayan
8 Diretso
99% Movement
Abu Sayaff Group
Academic Freedom
Adding Two Year
AFP
Aggression
Agreement
Ahrc
Albert Del Rosario
Alternatibong Politika
Alternative Politics
Amnesty International
Andres
Antiterrorism Bill
Apatdapat
Arrests
Arroyo
Asean
Asia Pacific
Asia-pacific
Assert
Atty Virgie Suarez
Baguio
Baguio Environment
Baguio Garbage
Baguio International Women
Baguio Politics
Balikatan
Base
Bases
Basit Usman
Benguet
Bnpp
Bolivarian Revolution
Bonifacio
Bonifacio Day
Bread And Roses
Bric
Campaigns
Campus Repression
Capitalist
Capitalist Greed
Central Luzon
Chacha
Charter Change
Chel Diokno
China
China-philippines
Church
Church Labor Conference
Citizens' Council On Human Rights
Clark
Community Pantry
Community Quarantine
Conass
Contagion
Contractual
Cordillera
Cordillera Basic Sector Transport Cooperative
Covid19
Cpp-npa-km
Crisis
Cuba
Cultural
Dedollarization
Democratic Rights
Dep Ed
Dicrtatorship
Digong
Dolomite
Dotr
Drug War
Duterte
#dutertepalpak
Duterter
Duterte Regime
Duterte Tyranny
Economy
ECQ
Edca
Edsa People Power Monument
Education
EEZ
Ejk
Elections 2010
Elections2022
Elections 2022
Environment
Erin Tanada
Evasco
Exclusive Economic Zone
Extra Judicial Killings
Extra-judicial Killings
Failed Covid Response
Federalism
Fight For Job
Fire
Fisher Folks
FONOPS
Freedom Flotilla
Gaza-israel
Gaza. Israel
Global Alignments
Global Financial Crisis
Gloria Macapagal Arroyo
Guam
Hanjin
Hanjin Shipyard
Hanjin Workers
HAPILON
Health Emergency
Henry Sy
High School
Hr
Hr Day
Hugo Chavez
Humanitarian Emergency
Human Rights
Human Rights Day
Human Rights Violations
Human Security Act 2007
Idefend
Imperyalista
Implementation
Impunity
Independence Day
Indigenous Peoples
Injustice
International Human Rights Day
International Situation
International Women\
Intervention
Iran\'s Death By Stoning
ISIS
Japan
Jeepney Phaseout
Joma Sison
June 12
K-12
Kabataan
Kaisaka
Kaisa Ka
Kasarinlan
Kilusan
Kilusan Dyaryo
Kilusang Pagbabago
Kilusan Para Sa Pambansang Demokrasya
KME
Korea
Korean Employers
Kpd
Kpd Baguio
Kpd Baguiobenguet
Kpd Cebu
Kpd Nl
Kpd North
Kpd North Campaigns
Kpd North Luzon
Kpd North Rally
Kumuha Ayon Sa Pangangailangan
Labor
Labor Day
Lark
Latin America
Lawlessness
Leni Robredo
Libingan Ng Mga Bayani
Linnaaw
LNMB
Lockdown
LTFRB
Maduro
Magbigay Batay Sa Kakayanan
Makabayan
Makabayan North
Malaya Lolas
Mamasapano
Manila Bay
Manila Bay China
Manny
Marawi
Marcos
Marcos Burial
Marcos No Hero
Marcos Not A Hero
Martial Law
Marudo
Marwan
Maute
MDT
Middle East
Midterm Elections 2019
Militarism And War
Military Bases
Miltar
Mindanao
Mindanao Terrorism
Mobilizations
National Situation
Neoliberalism
Never Again
New Normal
Nfbm
Nfbm Baguio
Nicole
No To Dictatorship
No To Phaseout
November 30
Nuclear
Nuclear Sites
Obama
Occupational Safety
Occupy
Occupy Movement
Online Protest
Oust Duterte
Pahra
Pambansang Demokrasya
Pandemic
Pandemya
Pangisda
Patronage Politics
People Power
People's Campaign Against Tyranny
People's Protest
Philippine Elections
Philippine Politics
Philippines Foreign Affairs
Pilo Hilbay
PKMM
PNoy
P-noy
P-noy\'s 100 Days
PNP
Poems
Police Brutality
Political Killings
Politics
Pork Barrel
Post Elections
Public Transport Sector
Public Utility Vehicle Modernization Program
Puj Mordernization
PUJ Phaseout
Puvmp
Pwersang Kano
Rallies
Recto Bank
Rightists
Russia
Samahan
Samahan Ng Mga Manggagawa
Samahan Ng Mga Tsuper At Operatorna Tutol Sa Phaseout
Samira Gutoc
Secret Marcos Burial
Shanghai Coalition
Shelter
Sm Baguio
Soberana
Soca
Socialism
Solidairty Message
Sona
Sonia
Sonia Soto
Soto Enrile Accord
Soto-enrile Accord
South China Sea Disputes
Spratly Islands
Stand Against
Statements
Stop Fake Modernization
Stop Phaseout
Stop PUVMP
Stop Wpl
Stop-wpl
Subic
Subic Bay
Summit
Superpower
Supreme Court
Sy 2010-2011
Syria
Task Force Subic Rape Case
Teddy Locsin
Terorista
Terrorism
Tindig Nation Baguio
Torture
Trahedya
Trapo
Tyranny
Ukaine
Unclos
UNHRC
Upbaguio Student Council
Up Dnd Accord
Up-dnd Accord
Urban Poor
US
Us Aggression
Us Bullying
US-China
Us Financial System
Us Hegemony
US Military
US-Philippines Relations
Us-rp Relations
Us-rp Treaties
Us Sokor-n.korea
US Troops
Us Trrops
Vaccine
Vegetable Industry
Vendors
Venezuela
VFA
Vp Leni
War On Drugs
Wedecide
West Philippine Sea
Wire Tapping
Women
Women Fishers
Women Vendors
WORKER
Workers
Workers For People's Liberation
Workers' Rights
Wpl
Ynd
Youth For Nationalism And Democracy
Zambales
Zubic